Chapter 51: Pagkawala ng Alaala LUBUSAN na ang naging paghahanda nina Conal para sa kanilang pagpunta sa mundo ng mga bampira. Kahit na may sapat na siyang lakas ay hindi pa rin iyon nangangahulugang makakaya na niyang labanan ang mga naroroon. Kasalukuyan nilang hinintay ang isang kaibigan raw ni Lumino na nandoon sa mundo ng mga bampira nanirahan. Ito ang kanilang magiging daan upang makapunta sa mundo ng mga bampira at makasali sa paligsahan. “Sigurado ka bang mapagkatitiwalaan natin ang iyong kaibigan Lumino?” tanong ni Marfire. “Kilala niyo siya. Kilalang-kilala kaya sigurado akong magpapagkakatiwalaan siya. Sa totoo niyan ay kayo ang kanyang unang nakilala kaysa sa akin.” “Ano ang ibig mong sabihin, Lumino?” kumunot noong tanong ni Conal. May kung anong kaba siyang nararamdaman

