Chapter 52: Kasuotan HABANG hinihintay ang mga kasamahan na dumating. Laman sa isip ni Conal si Maragux. Gusto niya itong Makita at mayakap ngunit isang pagkakamali kung gagawin niya iyon. Hanggat maaari ay umakto siyang hindi niya kilala ang babae. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Amanda. “Ayos lang ako ina. Huwag mo akong isipin,” sagot niya. Hindi nila makakasama si Amanda, Daxos, Trevos at Luna dahil may mahalaga ring misyon ang mga ito. Ililikom nila ang mga mabubuting bampira upang maging kapanalig kung baka sakaling may mangyaring madugong labanan. “Mag-iingat kayo roon, Conal. Ibinilin ka ng iyong ina sa amin ngunit si Raxos at Lumino ang gagabay sainyo roon. Huwag na huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikapapahamak ninyo.” “Makakaasa po kayong mas magiging maingat pa kami.” Yum

