Chapter 54: Unang Laban WALANG kahit na anong kabang naramdaman si Conal habang naghihintay na siyang tawagin ng maingay na announcer. Marami itong sinasabi sa loob ng hawla kaya mataman nalang siyang naghintay. Bago paman sila nagpunta sa arena sinabihan na muna siya ni Lumino at Raxos na huwag masiyadong magpalabas ng kapangyarihan at baka mapansin iyon ni Lunos. Ang kailangan niyang lang gawin ay magpabilib gamit ang limitadong kapangyarihan na ipapalabas. “Ngayon ay isa na namang taga-mundo ng mga tao ang ating matutunghayan na lalaban sa isang maharlikang bampira. Akin nang tinatawag si Rios!” Paglabas ni Conal sa silid ay mabilis na naglakad si Conal nang tawagin ang pangalang ibinigay ni Raxos sa listahan. Mas mabuting gumamit sila ng ibang pangalan para mas ligtas. Marami an

