"Bakit kayo natahimik? Dahil ba tama ako o dahil hindi niyo akalain na malalaman ko ang tungkol sa kaniya?" natatawang sabi ko. "I don't remember him but I know who he is in my life. Hindi ako makapaniwala na nilihim niyo 'to sa'kin mahigit tatlong taon. Why? Ano ang kinakatakot niyo? Natatakot kayo na baka masaktan ako? Mom, sanay na 'ko ro'n at alam mo 'yan," dagdag ko. "Natatakot kami sa maaaring mangyari once na malaman mo ang dahilan kung bakit namin nilihim sa 'yo ang tungkol sa kaniya," tugon ni Kuya. "Vienna, hindi namin sinasad'ya ng kuya mo, nag-aalala lang kami sa 'yo kaya nagawa namin 'yon," umiiyak na sambit ni Mom. "Naintindihan ko, nag-aalala lang kayo sa'kin pero may karapatan ako na malaman ang tungkol sa kaniya. Hindi ko man siya magawang maalala pero ramdam ko na m

