It's already 7 am in the morning, but I'm still here in my room, silently looking at the two boxes. And hoping that I would remember something, but nothing. Kagabi, ilang beses ko nang tinititigan ang mukha ni Martin pero hindi ko talaga siya maalala. At ang tanging nasa isip ko lang sa mga oras na 'yon ay ang seryosong mukha ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit, ganito lang siguro ang epekto once na may gusto ka ro'n sa tao. Naiisip mo siya kahit ayaw mo siyang isipin. 'But why all of the sudden naging ganito ang epekto sa'kin ni Sebastian? Mahal ko na kaya siya?' "Vienna.. breakfast is ready, bumaba ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo. Vienna, do you hear me? Gising ka na ba?" Hindi ko na sinagot si kuya, tumayo na lamang ako at kinuha ang bag ko. Maaga akong nagising kanina

