"Good afternoon, Ms. Vienna," nakangiting bati sa'kin ni Kuya Ramil. Siya ang security guard ng shop tuwing umaga at tanghali. "Good afternoon din po," bati ko bago ako pumasok. Ngunit napatigil ako nang makita ko sina Louie kasama si.. Sebastian. "Oh! Hi Vienna," gulat na sambit ni Liam dahilan para mapatingin sa'kin ang mga kasama niya lalo na si Sebastian. Napalunok ako ng wala sa oras nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon, pero parang kinakabahan ako sa presensya niya. "Vienna ayos ka lang ba?" Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sa direksyon ko si Kuya Dim. Oo, kasama siya nina Liam pero hindi nila kasama si ate Sheene. Saan ba sila galing? Bakit sila nandito? "A-ayos lang po ako, hindi ko lang inaasahan na

