Nagising ako dahil sa isang ingay, ewan ko ba kung ano ang nangyayari kaya napabangon ako agad sa kama at lumabas ng kwarto. Napatakbo na 'ko pababa at nagpunta sa kwarto ni Billy. Hindi ko man lang nagawang maghilamos at mag-toothbrush sa pagmamadali ko.
Binuksan ko naman agad ang pinto ng kwarto ni Billy pero naabutan ko siyang mahimbing pa rin na natutulog. Saan naman kaya nanggagaling ang ingay na 'yun? Kaya lumabas na 'ko sa kwarto ni Billy at nagtungo sa labas ng orphanage. Pero nagulat ako sa nadatnan ko dito sa labas. Anong nangyayari? Anong meron sa araw na 'to?
"Buti naman anak gising ka na," salubong sa'kin ni sister Fely. Pero nakatingin pa rin ako sa mga tao na nasa paligid ngayon.
"Sister ano po ang nangyayari dito?" takang tanong ko.
"Kaarawan ni Mayor Rodriguez, naaalala mo pa ba siya? siya ang nagpatayo nitong orphanage," sagot naman ni sister, tumango naman ako. Yes I remember him, na meet ko siya noong unang punta ko dito sa orphanage.
"Dadalaw siya ngayon at dito gaganapin ang selebrasyon ng kaarawan niya. Alam mo naman kung gaano siya ka mahal at ka importante sa mga taong pinamumunuan niya. Kaya maraming tao ngayon, nagtutulungan ang lahat para sorpresahin siya," dugtong ni sister Fely. I've known him before, mabait siya, responsable at mahalaga sa kaniya ang mga taong pinamumunuan niya.
Paano na 'yan? Maingay, plus madaming tao. Saan na kami magprapractice nito ngayon?
"Pasensiya ka na anak ha? Mukhang hindi kayo makakapag-practice ngayon dito ng kaklase mo," malungkot na saad ni sister.
"Sister okay lang po, hahanap na lang po kami ng tahimik na place kung saan pwede kami makapagpractice. Maliligo lang po ako at kakain, bababa rin po ako agad para makatulong dito," sabi ko at pumasok na sa loob. Hays, wrong timing talaga kaya napakamot na lang ako sa batok ko nang wala sa oras.
Nakapagbihis na ako ng damit at kumain na rin ako ng agahan na hinatid ni sister Fiona sa kwarto ko. Pagkalabas ko ng kwarto, nagpunta ako agad sa kwarto ni Billy at naabutan ko siyang nakaupo sa kama at may kung anong binabasa.
"Ano 'yan love letter?" sabi ko. Lumingon din naman siya agad at nginitian ako. Naupo naman ako sa tabi niya at agad siyang hinipo sa leeg at noo. Buti na lang wala na siyang lagnat.
"Buti na lang wala ka nang lagnat, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko.
"Opo ate Vienna, salamat nga po pala sa pag-alaga niyo sa'kin. Sorry po ate Vienna ha? pasensiya po sa abala," sagot niya.
"Sus, nagdrama na naman siya. Huwag mo nang isipin 'yon okay? Desisyon ko na mag-stay dito para maalagaan ka. Hali ka nga rito, yakapin ka ni ate," wika ko at niyakap ko naman siya. Kagigil ang batang 'to, kaya mahal na mahal ko siya eh.
"Ate Vienna, pwede na po kayong umuwi sa inyo," he said after a minute of silence.
"Pinapaalis mo na ba si ate?" tanong ko.
"Hindi naman po sa gano'n ate, pero baka namiss na po kayo ni kuya Vince at tita Venice," sagot niya na ikinatahimik ko. Parang wala na 'kong balak na umuwi sa'min, ayoko nang umuwi sa isang bahay na punong-puno ng kasinungalingan.
"Vienna.." napatingin naman ako agad sa pinto. Si sister Fiona lang pala at ang lawak ng ngiti niya.
"Bakit po sister?" tanong ko.
"Nasa labas na ang kaklase mo, hinihintay ka," sagot niya. Nandito na si Sebastian? Bakit ang aga naman niya pumunta rito?
"Aalis na muna si ate ha? Kumain ka ng breakfast at uminom ka ng mga gamot mo," baling ko kay Billy at tumango naman siya bilang sagot. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya.
"Ang gwapo rin pala niya Vienna, kaso nga lang mukhang masungit," wika ni sister Fiona nang papalabas na kami ng orphanage.
Nakalabas na nga kami ni sister at gano'n na lang ang gulat ko. Nakapalibot sa kaniya ang lahat ng mga kababaihan na naandito ngayon. Mapa bata, ginang at matanda nakapalibot at nakatingin sa kaniya.
Nakita rin naman ako ni Sebastian kaya agad siyang umalis sa puwesto niya at lumapit sa direksyon ko. Bakit kaya ang gwapo niya ngayon?
"Good morning po," walang emosyong bati niya kay sister Fiona.
"Good morning din, Sebastian diba ang pangalan mo? Paki-ingatan itong si Vienna ha?" nakangiting tugon ni sister at tumango naman si Sebastian bilang sagot. Kung hindi lang talaga madre itong katabi ko, nahampas ko na.
"O siya tutulong na muna ako, Vienna ikaw na ang bahala rito sa kaibigan mo," wika ni sister at umalis na. Napatingin naman ako kay Sebastian pero nakatingin na pala siya sa'kin kanina pa. Ang masasabi ko lang, AWKWARD!!
"Sebastian hindi pala tayo makakapagpractice ngayon dito sa orphanage. Dito kasi gaganapin ang birthday celebration ng may-ari nitong orphanage. Kaya kailangan nating makahanap ng tahimik na place para makapagfocus tayo sa practice," sabi ko.
"Sa bahay na lang."
"Ha?" gulat na sabi ko. Bakit kasi doon pa?
"Tahimik do'n, don't worry nando'n ang dad ko. Ano sa bahay na lang ba tayo?" May dahilan pa ba 'ko para humindi? haysss no choice.
"Sige, kunin ko lang muna ang gitara ko."
"Huwag na, bakit magaling na ba ang sugat mo sa daliri?" tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.
"O edi huwag mo nang kunin, hali ka na," dugtong niya tiyaka umalis sa harap ko. Anong nangyari dun? kay aga-aga ang sungit.
"Sister Fely alis na po kami," sabi ko nang makarating ako sa direksyon nina sister.
"O sige anak, saan naman kayo magprapractice?" tanong naman ni sister Fely.
"Sa bahay ko po," biglang sagot nitong katabi ko. Siniko ko naman siya agad, ginulat ba naman kasi sina sister.
"Gano'n ba, ikaw na ang bahala kay Vienna. Mag-iingat kayo, ingatan mo siya hijo," sagot naman ni sister Fely. Tumango naman si Sebastian na ikinangiti ng ibang mga madre. Bakit kaya? hindi ko maintindihan.
"Pangako po, alis na po kami." Anong ibig niyang sabihin? bakit parang iba ang dating sa'kin ng sinagot niya?
Nakaalis na kami ni Sebastian sa orphanage. I'm now on his car and he's silently driving magmula pa kanina. Ayoko sanang sumakay dito, like duh! campus crush kaya siya. For sure wala pang ni isang babae ang sumakay dito sa kotse niya kundi ako pa lang. I have no choice tiyaka sinungitan niya na naman ako kanina no'ng 'di pa kami nakakaalis sa orphanage. Ewan ko ba sa kaniya, nakakainis na siya magmula pa kanina. Ganito ba ang nangyayari sa isang lalaki after he confess? Nagsusungit? Daig pa niya ang isang babae na may dalaw.
Nag-ring bigla ang phone ko, tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag. Si kuya, for sure pagagalitan niya na naman ako.
"Napatawag ka?" I asked as I answer the call.
(Bakit hindi ka nakapunta kagabi? Hinintay ka ni mom pero pinaasa mo lang siya) galit na sagot niya.
"Wala akong sinabi na hintayin niya 'ko, I don't even talk to her yesterday. 'Tsaka sinabihan ko si tito na hindi ako pupunta diba? At hindi ko siya pinaasa, mismong sarili niya ang pinaasa niya."
(Vienna huwag mo akong gagalitin, hindi mo na nirerespeto si mom. Kanino mo natutunan ang ugaling 'yan ha?!) Naikuyom ko na ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Ako pa talaga ang nagmukhang masama ngayon, ibang klase talaga si kuya.
"Tumawag ka lang ba para sermonan ako? I don't have time for this. May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, ibababa ko na 'to," walang emosyong sagot ko.
Hindi na siya nagsalita kaya agad ko nang binaba ang tawag. Kaya ayoko ng umuwi sa bahay dahil sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako, tumawag siya para lang pagalitan ako.
"Okay ka lang?" tanong naman nitong katabi ko.
"Yes, I'm fine," maikling sagot ko.
"But your not."
"Bakit ka pa nagtanong kung alam mo naman pala na hindi ako okay?" iritadong sagot ko.
"Kasi paniguradong magsisinungaling ka, it turns out tama nga ako."
"Just shut up okay? Mag-drive ka lang diyan at huwag mo na 'kong pansinin," sagot ko. Tumahimik din naman siya at hindi na nagsalita. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at napabuntong hininga na naman ulit.
After ng isang oras na biyahe, nakarating din naman kami sa bahay niya. Matapos niyang maipark ang kotse, bumaba na lang din ako at napatingin sa paligid. Malaki rin naman pala itong bahay nila tapos may malawak na garden at may swing. I smell the fresh air here.
"Pasok na tayo," sabi niya. Sumunod naman ako sa kaniya papasok sa bahay nila. Actually nagandahan ako sa design ng bahay, tapos maayos na nakadisplay ang mga gamit. Mayroon ding chandelier na nakasabit sa gitna gano'n din sa dining area. Malaki itong bahay pero dalawa lang sila ng dad niya ang nakatira dito.
"Magandang umaga nanay Lerma, si dad po nasaan?" tanong niya sa kakarating lang na kasambahay. Sa tingin ko magkaedad lang sila ni nanay Selda. But I never imagine na mabait pala si Sebastian tuwing nandito siya sa bahay nila.
"Magandang umaga hijo, sa tingin ko nasa office niya," sagot naman ng ginang.
"Salamat po, umupo ka lang muna diyan. Puntahan ko lang si dad, nay kayo na muna ang bahala sa kaniya," aniya sabay alis nito. Hindi man lang ako pinakilala, ang sama talaga ng ugali.
"Maupo ka na muna hija, ano nga pala ang gusto mong inumin?" tanong niya kaya naupo na 'ko sa couch dito sa salas.
"Okay lang po, salamat po," sagot ko.
"Ah sige, kung may kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi sa'kin. Doon na muna ako sa kusina."
"Okay po." Nginitian niya naman ako bago siya umalis.
Tumayo ako at napatingin sa mga naka-display na litrato. Pero halos lahat ng nakikita ko, pictures ni Sebastian. Magmula noong baby siya hanggang sa nagbinata na. May pictures din siya kasama ang dad niya during graduation at iba pang special events. May isang picture frame naman akong dinampot, kasama niya si Britt at Enzo. Makikita mo rito ang totoong ngiti niya na ayaw niyang ipakita sa lahat.
"Vienna.."
Lumingon ako agad nang marinig ko ang boses ni Sebastian at kasama niya na ngayon ang dad niya. Binalik ko naman ang picture frame sa dati nitong puwesto at humarap na ulit sa kanila. Good looking naman pala talaga ang dad niya, may pinagmanahan nga itong si Sebastian.
"Good morning po," bati ko sa dad niya. Agad naman itong lumapit sa direksyon ko at bigla akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ko akalain na ito agad ang gagawin niya.
"I'm sorry hija, I didn't mean to."
"Okay lang po," sagot ko after niyang kumalas mula sa pagkakayakap sa'kin.
"Kamukha mo kasi ang kaibigan ni Sebastian before, I'm sorry again hija."
Ibig ba niyang sabihin ang naging girlfriend din ni Sebastian before? Kamukha ko? Seryoso?