Chapter 40

1531 Words
"By the way hija, I'm Kristopher Ruiz Angeles. May I know your name?" pakilala niya. So ang full name pala ng anak niya ay Sebastian Angeles? Ngayon ko lang talaga nalaman. Kasi everytime na may recitation o 'di kaya tatanungin siya ng teacher, first name niya ang binabanggit hindi ang apelyido niya. "I'm Vienna Malvar, nice to meet you po," nakangiting pakilala ko. "It's nice to meet you too hija and by the way, are you related to Rey Malvar?" he asked and I just nodded. "He's my dad," maikling sagot ko. "Kumusta ang dad mo? We're business partners before and he's one of my friend," aniya at hindi naman ako nakasagot agad. Nakatingin lang silang dalawa sa'kin at naghihintay ng sagot ko. "He.. passed away last month because of colon cancer," malungkot na saad ko. Nagkatinginan naman silang dalawa ng anak niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nila nang sabihin ko 'yon. "I'm sorry hija," paumanhin naman ni tito. "Ayos lang po tito," sagot ko at napilitan akong ngitian siya. "Dad excuse us, doon na muna kami sa studio ko," biglang singit ni Sebastian. "Ahh sige anak, ipapatawag ko na lang kayo kapag nakahanda na ang mga pagkain," sagot naman ng dad niya. Nag-excuse na lang din ako kay tito at sumunod na kay Sebastian. Napabuntong hininga na naman ako, ayoko na talagang pag-usapan ang nangyari kay dad kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Nagtungo naman kaming dalawa sa studio na tinutukoy niya, tahimik lang din akong nakasunod sa likod niya. Tumigil naman siya sa isang room, binuksan din naman niya ito at hindi ko napigilan ang sarili ko na mamangha. Ang ganda ng studio niya, mayroon siyang recording area at meron din ditong iba't-ibang instruments. May nakikita rin akong nakadikit na mga posters ng iba't-ibang banda sa pader. Marami ring nakadisplay na mga CD's, halatang mahilig talaga siya sa music. Nagbago talaga bigla ang mood ko dahil sa mga bagay na nakikita ko rito sa loob. "May kukunin lang ako sa kwarto, babalik din ako," sabi niya at tumango naman ako bilang sagot. Pagkaalis niya, tiningnan ko agad ang mga nakadisplay na CD's. An'dami niyang collections, hindi ko mabilang. Tama nga si Louie, fan siya ng bandang Westlife at fan din siya ng bandang Scrubb. Bakit kaya may similarities kami pagdating sa music? Coincidence lang kaya lahat? Then nalaman ko kanina from his dad, na kamukha ko ang kaibigan niya na kaibigan din ni Britt at Enzo. Kaya ba gusto niya 'ko dahil sa kamukha ko ang ex-girlfriend niya? Kaya ba mabait sa'kin si Britt at Enzo dahil sa kamukha ko ang kaibigan nila? Ang gulo, ano nga ba ang totoo? Napalingon ako agad nang biglang bumukas ang pinto. Si Sebastian at may bitbit siyang pusa, yakap-yakap pa niya ito. Ang cute niya tapos may suot pa itong damit kaya napatungo ako agad sa direksyon ni Sebastian. Napansin ko na nagulat siya pero in-ignore ko na lang, dahil naman sa pusa kaya ko siya nilapitan. SEBASTIAN'S POV Pagkabukas ko ng pinto, napalingon agad si Vienna at napatingin sa pusang yakap-yakap ko. Lumapit siya agad sa direksyon ko na ikinagulat ko talaga. Buong akala ko takot siya sa pusa pero hindi na pala. Ang tanging nakikita ko lang ngayon, ang amusement sa mga mata niya. "Ang cute naman niya, hi kitty.. ano pala ang name niya?" tanong niya habang hinahaplos ang balahibo nito. "Amee ang pangalan niya," sagot ko. 2 years ko ng alaga si Amee, isa siya sa source of happiness ko. Every time na nalulungkot ako, pinapasaya niya 'ko sa tuwing kalaro ko siya at kayakap. "Ang cute naman ng name niya. Hi Amee, I'm Vienna nice to meet you," masayang sambit niya. Napangiti na 'ko dahil sa sinabi niya, buti na lang hindi niya nakita. Namiss ko tuloy ang pagiging isip-bata niya. "Pwede ko ba siyang buhatin?" tanong niya. Hindi naman ako nagdalawang-isip na ibigay sa kaniya si Amee. Buhat-buhat niya na ito ngayon na parang sanggol, ang cute niya lang tingnan. Pinagmamasdan ko lang siya, halatang tuwang-tuwa siya sa presensya ni Amee. Buti na lang hindi siya tumitingin sa'kin, kundi malalaman niya na kanina pa ako nakangiti habang nakatingin sa kaniya. "Pupunta na muna ako sa kwarto ko, ikaw na muna ang bahala kay Amee," sabi ko tiyaka niya lang ako nilingon. Tumango naman siya bilang sagot at ibinalik na ulit ang atensiyon niya kay Amee. Lumabas naman ako ng studio, nakasalubong ko naman si dad sa labas. "How is she? Okay lang ba siya doon sa loob? Komportable naman ba siya dito?" tanong ni dad, tumango naman ako bilang sagot. "She's with Amee, nag-e-enjoy siyang kalaro ito at sa tingin ko naman po komportable siya rito. Huwag na lang din po siguro tayong magtanong sa kaniya about sa nangyari sa dad niya. Kasi mukhang hindi pa siya nakaka-move on hanggang ngayon," sagot ko. Nang banggitin ni Vienna ang nangyari sa dad niya, napansin ko na nalungkot siya agad. Nalungkot din naman kami ni dad, tinuring ko ng ama si tito Rey kaya nasaktan ako sa binalita niya. Isa siya sa mga nakaclose ko dahil na rin sa pareho kaming mahilig sa music. Siya ang nag-influence kay Vienna na kumanta at tumugtog. Bigla ko namang naalala ang mga sinabi niya sa'kin noon, na hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin. "Kapag kayong dalawa ni Vienna ang itinadhana sa huli, sana alagaan mo siya ng mabuti. Huwag mo siyang sasaktan, ipangako mo 'yan sa'kin Sebastian." Sinabi niya ang mga katagang 'yon, sa mismong araw na sinagot ako ng anak niya. At hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa puso't isip ko ang pangakong aalagaan at mamahalin ko ang anak niya kahit hindi na ako nito naaalala. "Okay son, pagpasensiyahan mo na 'ko kanina sadyang namiss ko lang si Vienna. At hindi tama na itanong sa kaniya ang nangyari sa dad niya," sagot naman ni dad. Ang dad ni Vienna at si dad hindi lang business partners before, they are close friends. At wala kaming alam ni dad kung bakit pati si tito Rey, hindi na nagpakita. Ang tanging makakasagot lang nito, ang mom ni Vienna. Siya lang ang nakakaalam sa lahat ng mga nangyari 3 years ago. "Naintindihan ko po kayo dad, pareho lang din ho tayo ng nararamdaman," sabi ko. "Thanks son, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Punta na muna ako sa room ko," sagot ni dad sabay tapik ng balikat ko. Nagtungo na lang din naman ako sa kwarto ko, pagkapasok ko naupo ako agad sa kama at napabuntong hininga. Kailan kaya ako aamin kay Vienna? Kaso nagdadalawang-isip ako. Tama si Vince, sa oras na malaman ni Vienna ang tungkol sa'kin, masasaktan lang siya. Ano ba ang dapat kong gawin? nahihirapan na rin ako. Pero hindi ako susuko, hangga't kaya ko pa hindi ako bibitaw. VIENNA'S POV Nag-e-enjoy ako sa presensya ni Amee, ang taba-taba niya kasi tapos mabalahibo pa. Sa totoo lang, takot ako sa pusa at ayaw ko talaga sa kanila. Pero nang makita ko si Amee, nawala bigla ang takot ko at gusto ko na siyang iuwi. Bumukas muli ang pinto, si Sebastian lang pala na may suot ng eye glasses. Bakit parang mas lalo siyang gumwapo sa lagay na 'yan? Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi namin ni Amee dito sa sofa. "May problema ba?" tanong niya at agad tumingin sa'kin, umiling naman ako bilang sagot. Bakit parang naiilang ako sa kaniya? Kasi naman ang mga tingin niya. Agad siyang tumayo at kinuha ang isang gitara, umupo na ulit siya sa tabi ko after niyang kunin. "Sebastian.." sambit ko ng pangalan niya pero hindi niya 'ko nilingon. "Bakit?" tanong niya. Nag-start na rin siyang mag-strum pero hindi ko naman mahulaan kung ano ang tinutugtog niya. "Namention sa'kin ni Gian na may kinompose kang kanta tapos kinanta mo noong may show kayo sa park. Tungkol saan naman 'yon? About love, family, o tungkol sa buhay mo?" tanong ko. "Tungkol 'yon sa isang babae," sagot niya at agad napatingin sa'kin. "Di ba dapat sa kaniya mo unang pinarinig? Na parang yung sa movies or sa mga teleserye na napapanuod natin." "Wala naman tayo sa isang pelikula o teleserye, nasa totoong mundo tayo Vienna," sagot niya. Speechless ako, hindi ko akalain na ang seryoso niya pagdating sa mga ganitong usapin. "Ang gusto ko na huling makarinig nun ay ang babaeng mamahalin at makakasama ko habambuhay." Sinabi niya ang mga katagang 'yun habang nakatingin sa mga mata ko. Natahimik ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nagulat ako nang bigla akong napasinok ng tatlong beses. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya pero napapasinok pa rin ako. Ano ang ibig sabihin nito? "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Agad naman siyang lumapit sa'kin at hinaplos ang likod ko. Napatingin talaga ako sa kaniya pero nang dahil sa ginawa niya, umayos ang pakiramdam ko. "Kuha lang ako ng tubig, diyan ka lang," sabi niya. Napahawak ako agad sa dibdib ko pagkaalis niya, grabe ang kabog ng puso ko. Alam ko naman na hindi ako 'yung babaeng tinutukoy niya pero bakit napasinok ako? Isa kaya 'to sa mga sign na gusto ko na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD