After 1 minute, nakabalik din naman si Sebastian at si Amee nakatulog na sa lap ko. Hindi ko siya magawang tingnan, nahiya tuloy ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina. Ininom ko rin naman ang tubig na inabot niya, umayos din naman ang pakiramdam ko. Ayoko nang maulit pa 'yon, nakakahiya sobra.
"Okay ka na ba?" tanong niya.
"Oo, salamat nga pala," sagot ko naman.
"Buti naman kung gano'n at kung okay sa'yo, practice na muna tayo kahit 30 minutes lang after that kain na tayo ng lunch."
"Sige, ayos lang sa'kin."
Tumayo na rin naman siya kaya tumayo na lang din ako. Gusto ko na talagang maggitara pero ang mga daliri ko, hindi pa talaga sila magaling. Kaya kakanta ako buong practice, haysss sana matapos na 'to.
Time Check: 11:47 am
Kakatapos lang ng practice namin ni Sebastian, may konti lang kaming inayos sa vocalizations. Kaya ang 30 minutes lang dapat na practice nauwi sa isa't kalahating oras.
Naupo naman ako sa isang couch at si Amee tulog pa rin. Ang cute niya lang tingnan kapag natutulog siya.
"Vienna picture daw tayo sabi ni Dim, pruweba na nagpapractice tayo. Hindi kasi siya naniwala sa'kin, okay lang ba?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. Tumayo na 'ko at lumapit sa direksyon niya, hindi ko na inayos ang mukha ko dahil pruweba lang naman. Kinuha rin naman niya ang phone niya, lumapit din naman siya lalo sa'kin na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"1..2..3." Ngumiti rin naman ako gano'n din siya. Akala ko pa naman hindi siya ngingiti, ngunit ngumiti siya nang hindi ko inaasahan.
"Hali ka na, baka naghihintay na sa'tin si dad sa baba," sabi niya. Lumabas din naman kami sa studio niya pero nauna akong bumaba kaysa sa kaniya. Hinatid niya muna kasi si Amee sa kwarto niya. Papunta na sana ako sa dining area nang mag-ring ang phone ko. Chineck ko naman kung sino ang tumatawag, si Michelle lang pala.
"Kailangan mo?" I asked as I answer the call. For sure tutuksuhin niya na naman ako o di kaya iinisin.
(Bad mood agad friend? Kumusta naman diyan sa bahay ni Sebastian. Yieee na meet niya na ang kaniyang soon to be manugang) natatawang usal niya na ikinagulat ko. Paano niya nalaman? eh hindi ko siya sinabihan.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ko na ikinatawa niya sa kabilang linya.
(So hindi mo pa alam? ikaw talaga friend lagi kang huli sa balita. Pinost ni kuya Dim ang picture niyong dalawa sa f*******: page ng Music Club. At may caption na, "Stay tuned with this two person, they will be having a sweet and lovable performance on Friday")
Akala ko ba pruweba lang 'yun? Bakit pinost ni kuya Dim? Kaasar! napagtripan na naman kaming dalawa. Itong si Sebastian uto-uto rin eh, pag-uusapan na naman kami niyan sa university.
(Madaming nagcocomment ng sanaol nakapunta na sa bahay ni Sebastian, how to be you po Ms. Malvar? and a lot more. Wala akong nababasang negative comments about you, baka suportado na kayo ng mga fans niya) dugtong pa ni Michelle.
"Vienna.." Napalingon naman ako agad, si Sebastian.
(Si Sebastian ba 'yan friend? Ayieee HAHAHA, ang haba talaga ng buhok mo friend. O siya baba ko na 'to, usap ulit tayo mamaya)
Napabuntong hininga naman ako pagkababa niya ng tawag. Bakit ba kasi ine-expose ni kuya Dim ang litrato naming dalawa ni Sebastian sa social media? Alam niya naman na marami ang magseselos at maiinis sa'kin.
Kumain din naman kami ng tanghalian, nasa gitna si tito Kristopher habang si Sebastian nakaharap sa'kin. Hindi rin naman maiwasan ang kuwentuhan sa hapag sa pangunguna ni tito. Tanong siya nang tanong at ako naman ay panay sagot lang. Pero tungkol naman sa ibang bagay ang pinag-uusapan namin, hindi ang personal kong buhay.
After mga isang oras tapos na rin kaming kumain, tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga plato. Nakakahiya kay nanay Lerma, hindi naman ako napipilitan kusa naman akong tumulong. Una, hindi pumayag si tito pero nagpumilit ako at si Sebastian naman ewan ko kung nasaan siya. After kasi namin kumain nawala na agad siya sa paningin ko, hindi naman ako nag-abala pa na hanapin siya.
"Sigurado ka Vienna na ikaw ang maghuhugas niyan? Baka hindi mo kaya," wika ni nanay Lerma. Nag-decide ako na ako ang maghuhugas ng pinagkainan namin kanina, tiyaka marunong naman ako sa mga gawaing bahay.
"Opo nay, kaya ko na po ito at magpahenga na lang po kayo," sagot ko naman.
"O sige, salamat Vienna."
"Walang anuman po," nakangiting sambit ko.
Nag-start din naman ako sa paghuhugas ng mga plato nang makaalis na si nanay Lerma. Medyo humapdi ang sugat ko sa daliri nang malagyan ito ng dishwashing gel. Wala kasing plastic gloves dito na pwede kong suotin kaya tiniis ko na lang kahit mahapdi.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Bisita ka rito tapos hindi pa magaling 'yang mga daliri mo." I just roll my eyes for what he said.
"Magkaiba ang bisita sa nakikikain, 'tsaka gusto ko lang tulungan si nanay Lerma. Okay lang ako at kaya ko naman 'to," sagot ko sa lalaking nasa likod ko. Edi si Sebastian, the one and only masungit dito sa bahay. Concern ba talaga siya sa'kin? Pero parang hindi. Bahala siya sa buhay niya, hindi niya 'ko mapipigilan sa gusto ko.
"After mo diyan, punta ka agad sa studio." Sa tono pa lang ng boses niya halatang hindi nga siya concern, pakealam ko naman? Kairita siya.
After mga 30 minutes, natapos na rin ako sa paghuhugas. Kasalukuyan akong papalabas na ng kusina nang makareceive na naman ako ng tawag at galing kay mom.
"Napatawag ho kayo?" tanong ko agad.
(Nasaan ka Vienna?) Bakit parang galit ang tono ng boses niya?
"Why?" I asked.
(Just answer me, nasaan ka?) ulit niya.
"Andito ako ngayon kina Sebastian, I don't know if you know him. May guitar practice kami, may problema ba mom?" tanong ko.
Hindi siya nakasagot agad na ipinagtaka ko naman. Biglang naputol ang tawag at sa tingin ko binaba niya. Ano kaya ang problema niya? Bakit siya napatawag just to asked me if nasaan ako?
Pagkapasok ko sa studio ni Sebastian, kasalukuyan siyang naggigitara at hindi niya napansin ang presensya ko. Naupo naman ako sa kabilang couch at pinanuod siya pero bigla siyang tumigil at tumingin sa'kin.
"Upo ka rito, gagamutin ko ang sugat mo," biglang sabi niya na ikinagulat ko talaga.
May kinuha naman siyang bandaid at betadine sa isang first aid kit. Hindi na rin ako nag-inarte pa at naupo na lang sa tabi niya. Kinuha niya naman agad ang kaliwang kamay ko, napatitig tuloy ako sa kaniya. Bakit ba siya naging ganito sa'kin ngayon?
"Nagmatigas pa kasi, alam niya namang may sugat ang daliri niya. Kita mo 'to? Lalong hindi gagaling 'to Vienna," masungit na saad niya. Inirapan ko naman siya, buti na lang hindi niya nakita. Concern ba talaga siya? Pero bakit niya 'ko sinusungitan? Hmpp!
"Bakit ba? Gusto ko lang tumulong," sagot ko at bigla niya naman akong sinamaan ng tingin.
"Tumulong ka nga pero hindi naman gagaling 'tong sugat mo. Dapat sa Monday magaling na 'to, kapag chineck ko 'to ulit at hindi pa rin gumagaling, lagot ka sa'kin."
"Concern ka ba talaga? 'Tsaka tinatakot mo ba 'ko? Sapakin kita diyan eh," naiinis na sagot ko pero tinawanan niya lang ako. Ito na naman ang tawa niya pero hindi ako natutuwa, naiinis ako.
Sinimulan niya ng gamutin ang sugat ko at hindi ko napigilang mapangiti dahil sa ginagawa niya. Kahit sinusungitan niya 'ko, concern pa rin siya sa'kin.
"Sebastian.." sambit ko ng pangalan niya. Pero hindi siya tumingin sa'kin at seryoso lang na ginagamot ang sugat ko.
"Yung sinabi mo sa cafeteria, totoo ba 'yon?" tanong ko saka siya napaangat ng tingin sa'kin.
"Alin don?" tanong din naman niya.
"Yung sinabi mo na gusto mo 'ko," mahinang sambit ko. Bakit tinanong ko 'to? Gusto ko lang kasing malaman kung totoo nga ang sinabi niya. Kung nagkagusto ba siya sa'kin dahil sa kamukha ko ang ex-girlfriend niya.
"Dahil ba sa kamukha ko siya? Hindi mo lang siya kaibigan diba?" dugtong ko at bigla namang kumunot ang noo niya.
"Anong ibig mong sabihin? Kinuwento ba sa'yo ni Britt?" seryosong tanong niya. Me and my big mouth! galit na siya, napaka-sensitive pala niya about don.
"Oo pero huwag kang magagalit sa kaniya, sinagot niya lang naman ang mga tanong ko," sagot ko. Napayuko na lang ako, kaasar! Sana hindi ko na lang binanggit 'yon.
"Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko sa'yo sa cafeteria, kalimutan mo na lang. Punta na muna ako sa kwarto ko, practice uli tayo kapag nakabalik na 'ko rito," then he leave. Bakit ako na disappoint sa sinagot niya? Di ba dapat masaya ako kasi finally nalaman kong hindi niya 'ko gusto? Pero bakit parang inuutusan niya 'ko na kalimutan na lang 'yun?
Nag-ring naman bigla ang phone ko, it's nanay Selda. Buti na lang tinawagan niya na 'ko, I really need to talk to her.
"Hello nanay Selda," sabi ko after kong sagutin ang tawag niya.
(Vienna anak, napatawag ako kasi sabi ni Armando hinahanap mo raw ako at gusto mo akong makausap. Pero wala ka naman dito sa bahay, sabi ng kuya mo nasa orphanage ka)
"Opo, kailangan ko kayong makausap nay."
(Tungkol saan naman anak?) tanong niya.
"Tungkol po sa nakaraan ko, alam ko na alam niyo ang buong nangyari bago pa po ako naaksidente at nagkaamnesia. Matagal na ho namin kayong nakasama sa bahay at kilala niyo ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Nay Selda tulungan niyo po ako, kayo na lang ang makakatulong sa'kin. Hindi po ako mapakali, ang bigat sa pakiramdam kapag alam ko na may kulang sa pagkatao ko. Nay gusto ko na sabihin niyo sa'kin ang totoo at ang lahat ng mga nalalaman niyo. Nagmamakaawa ho ako sa inyo, tulungan niyo po ako," mahabang lintanya ko.
(Tutulungan kita anak, huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng mga nalalaman ko bago ka pa naaksidente at mawalan ng memorya)
Tumulo na ang mga luha ko, tama nga ako ng hinala na may tinatago sila sa'kin. Nilihim nila saakin ang lahat ng mga nangyari noon, hindi ako makapaniwala na natiis nilang itago saakin ang lahat.
"Huwag niyo po sanang banggitin ito kay mom, tayo lang ho sana ang makakaalam nito."
(Pangako anak, hihintayin kita rito sa bahay at mag-iingat ka Vienna)
Then I hang up the call. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko baka kasi biglang dumating si Sebastian. Kinakabahan na 'ko sa maaaring sabihin sa'kin ni nanay Selda pero sana matanggap ko ito ng buong-buo.