Chapter 42

1698 Words
Time Check: 3:05 pm Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon ni Sebastian after ng dalawang oras na practice. Nasa couch siya, nakaupo at nakatutok sa phone niya habang ako nandito sa isang sulok at nakaupo sa sahig. "Vienna bakit diyan ka nakaupo? May sofa naman," biglang sabi niya. Hindi ko siya nilingon, bahala siya diyan. "May problema ka ba?" dugtong pa niya pero hindi ko siya sinagot. "Vienna.." nakakapikon na siya. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, inalis ko na rin sa tenga ko ang suot kong earpads. "Nananahimik ako rito tapos ginugulo mo 'ko, ano ba ang kailangan mo?" naiinis na sambit ko. "Nagtatanong lang naman ako kung okay ka lang, kanina ka pa kasi tahimik diyan. Magsabi ka lang kapag pagod ka na, hindi na tayo magpa-practice," sagot niya. "Okay lang ako, may iniisip lang," sabay tayo ko at naupo sa kabilang couch. Tumahimik din naman siya but after a minute, narinig ko siyang tumugtog ng gitara. Smile ang title ng kanta, isa 'yan sa mga paborito kong song ng bandang Scrubb. Bakit kaya 'yan ang kinanta niya? Napatingin siya sa'kin habang binabanggit ang mga katagang 'yon. Hindi ako makaiwas, napatingin at napatitig na lang din ako sa mga mata niya. As he end the song, nginitian niya 'ko kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya. Pero hindi rin 'yun nagtagal, but at least nakita ko ulit siyang ngumiti, ayos na sa'kin 'yon. Bakit kaya an'daming babae na nagkakagusto sa kaniya? dahil lang kaya sa itsura niya? O may iba pa silang dahilan bukod do'n. Kasi kung ako ang tatanungin, kung mainlove man ako sa kaniya dahil 'yon sa ugali niya hindi sa kung ano ang itsura niya. Gano'n naman dapat pagdating sa pag-ibig diba? Yes looks matter, pero aanhin mo naman ang gwapong mukha kung masama naman ang ugali. Mabait si Sebastian, maalaga at mapagbigay pero natatakot siya na iparamdam 'yon sa iba. But why all of the women out there, sa akin lang siya mabait? Dahil nga kaya sa kamukha ko yung babaeng minahal niya pero naging dahilan lang para masaktan siya? Pero diba dapat kailangan niya 'kong iwasan at hindi kausapin? Bakit kaya hindi niya ginagawa? Ano nga ba talaga ang dahilan niya? Gusto kong alamin pero ayoko ng manghimasok sa buhay niya. Tama na siguro ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya. Pero hindi maiaalis sa akin ang magtaka sa mga kinikilos at binibitawan niyang mga salita. Ano nga ba ako sa kaniya? Ano nga ba talaga ang nararamdaman niya? Hindi na ako nagtagal pa kina Sebastian, mga 5:30 ng hapon naihatid niya na ako sa orphanage. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama, kakatapos ko lang mag-half bath at kumain ng dinner. Parang ang haba ng naging araw ko ngayon, nakakaramdam na 'ko ng antok kahit 6:15 pa lang ng gabi. Inopen ko rin naman ang f*******: account ko, nag-pop up agad sa notification ko ang nakatag sa'king picture na kasama si Sebastian. Tinititigan ko ngayon ang mukha niya, ewan ko nga ba pero nakuha niya ang buong atensiyon ko. Hindi kaya gusto ko na siya? "Vienna?" Nai-off ko bigla ang phone ko nang marinig ko ang boses ni sister Fely sa labas. Tumayo na lang din naman ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Kumusta ang practice?" simulang tanong niya nang makaupo na kaming dalawa sa kama. "Maayos naman po, medyo napagod lang. Buong araw kasi ang practice pero kaya ko pa naman po," sagot ko. "Kapag napagod ka, pahinga muna tapos practice ulit. Huwag mong masyadong pagurin ang katawan mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni sister. "Opo sister, nagpapahinga naman ho kami. Huwag po kayong mag-alala sa'kin, ayos lang po ako," nakangiting sambit ko. "Mabuti naman kung gano'n. Nga pala, ang mama mo nag-punta rito kanina. Tinawagan ka ba niya?" Tama nga ako, nagpunta siya rito. Napaiwas ako ng tingin kay sister at napabuntong hininga na lang bigla. "Vienna ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni sister. "O-opo sister, nagkausap ho kami kanina," sagot ko. "May pinag-awayan ba kayo?" Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ni sister. Hindi ko alam kung kailan o may balak pa kaya akong makipag-ayos sa kaniya. "Vienna magsabi ka sa'kin ng totoo, may problema ba?" muling tanong niya. Ayoko na rin namang itago 'to kay sister, kailangan niya rin malaman ang lahat. "Nagkasagutan ho kami ni mom, okay naman na sana kami kaso nag-announce siya na magpapakasal sila ni Tito Lucas. Against ako sa marriage nila, hanggang ngayon po kasi hindi pa po ako nakakamoveon sa pagkamatay ni dad. Okay lang ho sana na magpakasal siya sa ibang lalaki kaso sister, kapatid 'yon ni dad," sagot ko. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Sa tuwing nakikita ko si mom na masayang nakikipag-usap kay tito Lucas, hindi ko mapigilan ang mapatanong sa sarili ko kung gan'yan din ba ka saya si mom sa tuwing si dad ang kausap niya noon? Hindi ko pa rin po matanggap na si tito Lucas na ang dahilan ng pagtawa at pag-ngiti niya," dugtong ko. "Vienna anak, hindi rin naman kita masisi kung bakit galit ka sa mama mo. Pero anak, kahit gaano man kalaki ang galit mo sa kaniya hindi magbabago ang katotohanan na ina mo siya. Ang siyang nag-luwal at nagpalaki sa'yo. Matagal na panahon na rin noong maghiwalay ang mama't papa mo. Ang gusto lang ng mama mo na mabuo ulit ang pamilya niyo. Vienna, karapatan ng mama mo ang maging masaya at ang tanging magagawa mo na lang bilang anak niya ay ang suportahan siya sa gusto niya. Tutol ka man sa pagpapakasal nila ngunit hindi mo na mababago pa ang desisyon nila." Wala na nga siguro talaga akong magagawa pa sa bagay na 'yon, hindi ko na mababago ang desisyon ni mom. Pero hindi ko pa rin kayang tanggapin ng buo na magpapakasal si mom sa taong naging dahilan para masira ang pamilya namin. ---KINABUKASAN--- Exactly 8:30 am nagising na 'ko, nag toothbrush na lang din ako at nagbihis ng damit. Palabas na 'ko ngayon ng kwarto, nakaramdam na kasi ako ng gutom. Nagtungo na muna ako sa labas at naabutan ko namang naglalaro ang mga bata. Si Billy nakaupo lang at nanunuod. Maayos na ang pakiramdam niya, wala na siyang lagnat pero kailangan ko munang siguraduhin na okay na talaga siya bago ako umuwi sa'min. Nalulungkot ako para sa kaniya, nakangiti nga siya at tumatawa pero ramdam ko na naiinggit siya sa mga batang malayang nakakapaglaro at walang iniisip na malalang sakit. "Vienna.." napalingon ako. Si sister Louisa lang pala at mukhang kakagaling lang sa kusina. "Good morning po sister," bati ko sa kaniya. "Magandang umaga rin Vienna, naipaghanda na pala kita ng agahan at nandoon na sa mesa." "Salamat po sister, pero mamaya na lang po ako kakain." "Walang anuman anak, ahh sige ikaw ang bahala. Sino naman ang tinitingnan mo diyan? Si Billy?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot. "Naaawa po ako sa kaniya, sa murang edad niya nagkaroon na siya ng gano'ng kalalang sakit. Hindi siya malayang nakakapaglaro kagaya ng ibang bata," sagot ko habang nakatingin sa direksyon ni Billy. "Wala na rin naman na tayong iba pang magagawa. Ang sabi ng doktor hindi siya pwedeng operahan dahil nga ang bata pa niya at baka hindi niya kayanin ang operasyon. Baka 'yon pa ang maging dahilan para mawala siya sa'tin. Kaya hanggang gamutan na lang muna pero umaasa kaming lahat na sana ay gumaling na siya," malungkot na saad ni sister. Billy was too young, that's why hindi siya pwedeng operahan kasi baka hindi niya kayanin ang operasyon. Kaya nag-iisip ako ng magandang paraan para gumaling siya mula sa sakit niya. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal, ayoko na pati siya mawala rin sa buhay ko. Kinain ko na rin naman ang pagkaing hinanda ni sister Louisa, nabusog din naman ako. Matapos kong kumain, hinugasan ko rin naman agad ang pinagkainan ko bago ako lumabas ng orphanage. Si sister Fiona, sister Elizabeth at sister Fely wala rito ngayon sa orphanage. Dinig ko kagabi, pupunta sila ng simbahan para sa isang prayer meeting. Tapos nakalimutan kong umattend ng mass kanina. At sa tingin ko, hindi nila ako ginising dahil sa pagod ako. Nagtungo ako sa direksyon ng mga bata, napangiti naman ako agad nang makita ko silang masayang naglalaro. Naupo ako sa tabi ni Billy at inakbayan siya, nginitian niya naman ako agad. "Ate wala po kayong practice ngayon?" tanong niya. "Meron pero mamaya pa naman 'yon. Dito naman kami magpa-practice, hindi aalis si ate," sagot ko. "Okay po ate, mabuti naman po kung gano'n. Um, ate Vienna, uuwi na raw po kayo bukas sabi ni sister Fiona?" "Hindi pa ako sigurado diyan, uuwi lang ako sa'min kapag okay ka na." "Okay na po ako ate Vienna, huwag niyo na po akong alalahanin. Kahapon po kasi nung pumunta rito ang mama niyo, halata po sa kaniya na miss na miss niya na ho kayo ate." Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko sa sinabi niya, kung magbabago ba ang tingin ko sa nanay ko bilang anak niya. "Ate Vienna, nag-away po ba kayo?" "Hindi, a-ayos lang kami," nauutal na sagot ko. Pero bigla niya 'kong niyakap na naging dahilan ng pag-ngiti ko. "Umm, Billy, gusto mo bang tumira sa bahay kasama ako?" Halatang nagulat siya sa tinanong ko pero nginitian ko na lamang siya. Matagal ko ng gustong itanong 'to sa kaniya pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin 'to. "Ate gusto po kitang makasama pero may kailangan pa po kayong gawin bago po ako sumama sa inyo diba?" aniya at tumango naman ako bilang sagot. "Ako nang bahala do'n, kakausapin ko rin sina sister mamaya." Alam ko na magiging mahaba ang proseso sa pag-a-adopt ng bata pero kakayanin ko para kay Billy. Hindi na siya iba sa'kin, tinuring ko na siyang totoo kong kapatid. Gusto ko siyang makasama ng matagal at ito lang ang naisip kong paraan para gumaling siya sa sakit niya. Kapag nasa pangangalaga ko na si Billy, mas mapagtutuunan siya nang pansin at unti-unti siyang gagaling. Dumadami na ang mga bata rito sa orphanage, kailangan na 'ko ni Billy at kailangan niya na ang tulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD