VIENNA'S POV
It's Monday, parang kay bilis lang ng oras at umaga na naman pero tanda ko pa rin ang mga nangyari kahapon. After that scenario, pinauwi ko na rin si Sebastian para makapagpahinga siya ng maayos. At kagabi, kinausap ko na sina sister tungkol sa adoption ko kay Billy. Nag-aalangan sila sa gusto ko pero hindi na nila mababago ang desisyon ko. Sa huli, pumayag na sila pero may mga proseso ako na kailangang gawin at sundin. Nakausap ko na rin naman ang family lawyer namin, si tito Joey at siya na raw ang bahala sa lahat. Kung hindi man pumayag ang nakakataas, wala na 'kong magagawa at rerespituhin ko na lang ang magiging desisyon nila.
Naayos ko na ang lahat ng mga gamit ko at may iniwan akong konting damit sakaling bumalik ako rito. Uuwi na 'ko sa'min, kailangan kong kausapin si mom tungkol sa adoption at para makausap ko na rin si nanay Selda.
Palabas na 'ko ngayon ng orphanage at sina sister naghihintay na rin sa'kin sa labas. Ayoko pa naman sanang umalis kaso kinakailangan kong umuwi sa'min.
"Vienna.." salubong sa'kin ni sister Fiona sabay yakap niya sa'kin.
"Mamimiss ka namin, tawagan mo 'ko kapag kailangan mo ng kausap okay?" sabi niya, tumango naman ako bilang sagot. Napayakap na rin naman ako kina sister Fely at sa mga bata. Iilan sa kanila ang umiiyak, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na malungkot at sumabay sa pag-iyak nila.
"Mag-iingat ka lagi, ang mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan. Mamimiss kita anak, alagaan mo ang sarili mo," umiiyak na sambit ni sister Fely sabay yakap niya sa'kin.
"Opo sister, mamimiss ko rin po kayo. Babalik ho ako rito para po sa inyo at sa mga bata, mahal na mahal ko kayong lahat," sagot ko sabay punas ng mga luha ko.
"Mahal na mahal ka rin namin Vienna, balitaan mo kami ha?" tumango naman ako bilang sagot kay sister Celia. Nilapitan ko rin naman agad si Billy at niyakap siya ng mahigpit.
"Hintayin mo rito si ate okay? Babalikan kita, mahal na mahal ka ni ate Vienna."
"Mahal na mahal rin po kita ate, hihintayin po kita rito," sagot niya. Sa huling pagkakataon, niyakap ko ulit siya, gano'n din sina sister at ang mga bata. Mamimiss ko silang lahat.
Sumakay na ako sa nakaparada kong kotse, nagpaalam na rin naman ako sa kanilang lahat bago ko pinaandar ang sasakyan at umalis na sa orphanage.
After mga 40 minutes na pagda-drive, nakarating na rin ako sa university. Sinalubong ako ni Therese pagkapasok ko pa lang sa main entrance. Nakatanggap ako ng text sa kaniya kanina, hinihintay daw niya 'ko. Sinalubong niya rin ako ng yakap kaya napayakap na rin ako sa kaniya.
"Kumusta ka?" tanong niya. Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa building namin. Pero parang ang bigat ng katawan ko at hindi ko masyadong maihakbang ang mga paa ko.
"Okay lang naman ako medyo inaantok lang, hindi kasi ako makatulog ng maayos kagabi," sagot ko.
"Ang dami mo kasing iniisip kaya hindi ka makatulog ng maayos kagabi. Ang mabuti pa ay i-clear mo muna 'yang mind mo, baka kasi hindi ka makapagfocus sa discussion mamaya. Malapit na ang final exam so kailangan nating maghanda," aniya at tumango naman ako bilang sagot.
"Good, bilisan na natin kasi baka ma-late tayo."
Nakarating din naman kami sa room, buti na lang 10 minutes pa bago mag-time. Umupo na lang din naman ako at napahiga sa arm chair ng upuan ko. Wala nga pala ngayon si Sebastian, hindi ko siya makakamusta. Okay na kaya siya?
"Vienna.." Napalingon ako agad nang tawagin ako ni Britt.
"May ibibigay nga pala sa'yo si Sebastian, here at sana raw magustuhan mo," aniya sabay abot sa'kin ng paper bag. Kinuha ko rin naman ito at napatingin kay Therese, pero kinikilig siya habang ako nagtataka. Para saan naman kaya itong binigay niya?
"Salamat Britt, pasabi sa kaniya na salamat dito sa binigay niya," sagot ko at tumango naman siya bilang sagot.
Binuksan ko naman ang paper bag at ang laman nito ay isang home made cookies at isang box ng cupcakes na may kasama pang maliit na teddy bear at may nakasulat pa na pangalan ko sa damit nito. Natatandaan ko na may ganito rin akong teddy bear noon pero hindi ko na tanda kung kanino galing 'yon.
"Naks naman, ang sweet ni Sebastian at flowers na lang ang kulang. Yiee.. swerte mo Vienna," kinikilig na sambit ni Lessandra. Hindi ko naman magawang ngumiti, nakatingin pa rin kasi ako sa hawak kong teddy bear.
"How come na bibigyan ka niyan ni Sebastian? Sa lahat ng babae rito sa university, sa'yo lang siya magpapakabait at magpapakasweet? Anong gayuma ang ginamit mo para paamuhin ng gan'yan si Sebastian?" biglang sabi ni Liezel. Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya, sumusobra na talaga ang babaeng 'to.
"Tumigil ka nga Liezel, ang sabihin mo inggit ka lang. Pakialam mo kung ang bait at sweet ni Sebastian kay Vienna?" Umingay ang room dahil sa sinagot ni Enzo. Napansin ko naman na biglang nainis si Liezel, napabuntong hininga na lang ako.
"Baka gusto mo ulit masampal ni Sebastian?" dugtong ni Britt. Nagtawanan ang mga kalalakihan dahil sa sinabi niya kaya napa walk-out agad si Liezel kasama ang dalawang alipores niya.
"Inggitera talaga, 'yan ang nababagay sa kaniya. Hayaan mo na lang siya Vienna, huwag mo na siyang pansinin," wika ni Patricia.
Ano ba naman 'to? Ginugulo niya utak ko. Akala ko ba kakalimutan ko na lang ang sinabi niya pero bakit patuloy niya pa rin akong binibigyan nito? 'Yan tuloy hindi ko napigilang isipin na, gusto niya nga ako.
Natapos din naman ang dalawang subjects ko at na drained na talaga ang utak ko dahil sa mga lessons. Nagbigay na rin sila ng mga requirements na kailangang maipasa after final exam para sa first semester. Buti na lang naipasa ko na ang project proposal ko last week kaya konti na lang ang gagawin ko. At parang wala na naman akong balak na lumabas ng room para kumain.
"Oy Vienna.." saad ni Therese sabay sundot sa'kin sa tagiliran. Napaangat ako ng tingin at nilingon siya.
"Hali ka na nagugutom na 'ko, hindi kasi ako nakapagbreakfast kanina. Hindi ka ba lalabas? Bibilhan na lang kita?" dugtong niya.
"Huwag na, may cookies at cupcakes naman na binigay sa'kin si Sebastian, 'yon na lang ang kakainin ko. Kung gusto mong kumain nun, kuha ka lang diyan," sagot ko.
"O sige, bilhan na lang kita ng drinks?" tanong niya.
"Bilhan mo na lang ako ng C2, salamat Therese."
"Sige Vienna, walang anuman," aniya at lumabas na siya ng room. Gusto ko talagang matulog pero ang ingay ng mga classmates ko.
"Vienna.." Napaangat naman ako ng tingin. Si Sandra lang naman pala ang tumawag sa'kin pero nagtaka naman ako nang bigla niya 'kong ngitian.
"Hmmm? Bakit Sandra?" tanong ko.
"Si Tine nasa labas, hinahanap ka," sagot niya. Kaya naman pala nginitian niya 'ko at dahil lang sa lalaking nasa labas ng room namin.
Tumayo naman ako at lumabas na sa room. Naabutan ko na nakasandal siya sa pader, bakit kaya siya nagpunta rito?
"Tine.." ani ko. Agad naman siyang lumingon at nginitian ako.
"Kumusta ka?" tanong niya nang makalapit na siya sa'kin.
"Okay lang naman, inaantok lang ako," sagot ko at bigla naman akong napahikab sa harapan niya. Nginitian niya lang ako at agad niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya, masyado bang magulo para ayusin niya?
"Pahinga ka na lang sa loob, alam ko naman na pagod ka," wika niya after niyang ayusin ang buhok ko.
"Mamaya na lang, maingay pa sa loob. Bakit ka pala nagpunta rito Tine?" tanong ko. Napakamot naman siya agad sa batok niya na parang nahihiya pang magsalita. Ano naman kaya ang sasabihin niya?
SEBASTIAN'S POV
Kagagaling ko lang sa cafeteria para bumili ng drinks. Nakita ko sa isang bench si Michelle at Therese pero hindi nila kasama si Vienna. Hindi kaya siya pumasok? Pero parang okay naman siya kahapon. Lumapit na lang ako sa direksyon nilang dalawa at mukhang nagulat pa sila sa presensya ko nang makarating na ako sa harap nila.
"Asan si Vienna?" tanong ko na ikinagulat nilang dalawa. Wala naman talaga akong balak na lapitan o kausapin sila kung hindi dahil sa kaibigan nila.
"Nasa room, napagod kasi siya kaya hindi siya nakasama sa'min. Binilhan ko na lang siya ng C2, bakit-.." Hindi ko na siya pinatapos, kinuha ko na lang ang C2 at umalis na. Alam ko na nagulat sila pero wala akong pakialam.
Nakarating din naman ako sa building ng Political Science. Papunta na sana ako sa room pero napatigil ako nang wala sa oras. Si Tine kausap si Vienna, masaya silang nag-uusap. Tama nga kaya ang sinabi sa'kin ni Vince?
''Balak ng ligawan ni Tine si Vienna, gusto niya ang kapatid ko at ramdam ko na gusto rin siya ni Vienna. Hayaan mo na siya na maging masaya sa piling ni Tine. Kahit bali-baligtarin man ang mundo, hindi na maibabalik pa ang dati niyong relasyon at ang pagmamahal na pinaramdam niya sa'yo noon. Lahat ng 'yon ay naiwan na sa nakaraan kaya tumigil ka na bago ka ulit masaktan.''
Tama nga siguro si Vince, hindi ko na maibabalik pa kung ano ang meron kami ni Vienna noon. Nagbago na ang lahat, hindi na ako ang mahal niya at si Tine na ang pumalit sa'kin sa puso niya. Pero heto pa rin ako, palihim na nagmamahal sa kaniya. Huli na ang lahat para sa'min kaya kailangan ko ng tumigil.