MICHELLE'S POV After ng mga nangyari kanina sa garden, bumalik din naman sa dati ang lahat ngunit naging usap-usapan ang confession ni Tine kay Vienna. But after that scenario, naging tahimik na ang kaibigan namin at hindi niya na rin kami kinakausap. Hindi namin alam kung pumayag ba siya na ligawan siya ni Tine, hindi naman na kami nag-abala pa na itanong 'yon. Pansin ko na hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang lalaking 'yon. Gusto ko siyang tulungan na hanapin si Martin para matapos na ang problema niya. Kaso, hindi niya alam kung ano ang apelyido nito. At nakalimutan niyang itanong kay Nanay Selda ang tungkol do'n. Pero sana payagan niya si Tine na ligawan siya. Nandito kami ngayon sa cafeteria, wala na rin naman na kaming kasunod na class at lunch break na. "Friend galit ka ba

