Chapter 52

2016 Words

"So everyone, please settle down," saad ni ate Sheene. Kaya naupo na kaming lahat at si Cheska umupo na rin sa tabi ni Sebastian. Napapahikab ako at hindi ko na rin maintindihan kung ano ang sinasabi ni kuya Dim sa harap. Inaantok talaga ako, mga bandang 2 am na kasi ako nakatulog kanina. "Vienna, mag-pe-perform na kayo." "Ha?? Sorry, salamat Isabel." Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Isabel. Tumayo naman ako agad sabay kuha ng gitara ko at pumunta na sa gitna. Ngunit, hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin ni Sebastian. "Vienna ayos ka lang?" tanong ni ate Sheene nang magtungo siya sa direksyon ko. "Opo, ayos lang ako ate," sagot ko. "Kulang ka yata sa tulog, halata sa mga mata mo. Kung hindi mo kaya magsabi ka lang okay?" nag-aalalang sambit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD