Magtatagumpay Ako!

2031 Words
Bigla naman akong napakamot sa aking batok dahil sa pagtawag nito sa akin ng Ms. Kalbo. Hindi tuloy ako makapagsalita at medyo nahiya rin ako. . . Agad akong binigyan ng panyo ng babae upang punasan ang dugo ko sa aking noo. Nagulat ako rito dahil ipapagamit nito sa akin ang panyo niya. . . “Kilala mo ba sila? Bakit kailangan ka nilang saktan? Ang laki ng mga katawan nila tapos papatulan ang katulad mong bata lamang? Alam kong bata ka pa, kayan tawagin mo akong ate Hell,” anas ng babae sa akin at talagang kumindat pa nga ito. . . Sa mga salita nito ay sobrang bait. Sabagay ang ganda rin nito at parang manika. S itsura nito ay mukhang mayaman din ito. . “Doon tayo sa restaurant, nagugutom ako," pagyaya sa akin ng babae. . “Ms. Hell, wala po akong pera, sapat lang ang pera ko para pamasahe papunta sa Lunsod—” nahihiyang anas ko sa babae. Bigla nitong tinapik ang balikat ko. Ngumiti rin ito ng matamis sa akin. “Akong bahala sa 'yo — Sa lunsod ka pupunta, 'di ba? Tamang-tama, dahil papunta ako roon at puwede kang sumakay sa aking sasakyan,” anas ng babae. Talagang nanlalaki ang mga mata ko. Ngunit naisip ko rin, baka nakakahiya naman dito at maabala ko pa siya. Balak ko sanang magsalita nang magulat ako nang bigla niya akong hinila papunta sa restaurant. Ito na rin ang nag-order sa akin ng pagkain. Tanging pasasalamat na lang ang aking ginawa. “Kumain ka na, huwag ka nang mahiya, minsan lang akong mag-alok ng pagkain kaya swerte mo, Ms. Kalbo!” “Maraming salamat po, ate Hell.” “Teka, bakit ka nga pala sinasaktan ng mga gagong putanginang‘yon?” malutong na mura ni ate Hell. “Gusto po nila akong ibalik sa bahay amponan—” Bigla akong napatigil sa pagsasalita. Uminom muna ako ng tubig. Pagkatapos ay muli akong nagkwento rito sa mga nangyari sa akin. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. “Kaya nga po, gusto kong makapunta ka agad sa lunsod dahil puwede nila akong makuha, hindi ko talaga alam kung bakit kailangan nila akong patayin pagsapit ko ng labing walong taong gulang—” Malungkot na sabi ko. “Habang kasama mo ako, hindi ko hahayaan na masaktan ka ng mga taingang ‘yon. Sige na kumain ka na, Emerald Kalbo,” anas pa ng babae at talagang ngumisi pa ito sa akin. Napahimas na lamang ako sa aking ulo. Subalit bigla akong napatingin sa pinto ng restaurant at kitang-kita kong pumasok ang mag-inang demonyo, walang iba kundi sina Tess at Michel. Agad tuloy akong nagpakayuko-yuko. “Emerald Hycone, kung ako sa ‘yo, sumama ka na lang sa amin nang hindi ka masaktan, baka mapahamak din ang kasama mo!” pagbabanta ni Tess. Bigla naman akong kinabahan para kay ate Hell. Ayaw kong madamay ito sa gulo namin ni Mother Tess. “Pekeng Madre! Tatratado ka ba? Baka gusto mong wala ang bahay amponan na kung saan ka nakatira! Nakikita mo itong hawaka ko, bomba ito na puwede kong ilagay sa bahay amponan, kaya umalis ka sa aking harapan ang huwag mo kaming abalahin, tangina ka—!” Mabilis nitong kinuha ang isang tinidor at basta na lang sinaksak ang hita ni Michel. Talagang napasigaw sa sakit ang bruhang si Michel. Nakabaon pa nga sa hita nito ang tinidor. Gulat na gulat ako sa bilis ng galaw nito. Daig pa nito ang ipo-ipo sa liksi. “Let’s go Emerald Kalbo, sa ibang restaurant na lang tayo kakain!” Agad akong hinawakan nito sa aking kamay ay hinila papalabas ng restaurant. Namangha naman ako sa ganda ng kotse nito. Nang pumasok ako sa loob ay amoy na amoy ko ang bango ng sasakyan. Mayamaya pa’y mabilis nitong pinatakbo ang kotse. Hindi na ako nakapagpaalam kay Lowane. Ngunit sa muli kong pagbabalik dito sa Sta. Esmelas at titiyakin kong ibang Emerald na ang makakaharap nila. Hinding-hindi na nila ako masasaktan. “Emerald, gusto mo ba ng maraming salapi? Maganda bahay o kotse?!” biglang tanong sa akin ni Ms. Hell. “Oo, gustong-gusto ko. Subalit, wala akong pera, hindi man lang akong nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi kasi ako pinag-aaral nina Mother Beth at Mother Tess. Sina Michel at Nerisa lamang. Ngunit marunong akong magbasa at magsulat, dahil may dalawang Madre ang nagtururo sa akin,” mahabang litanya ko kay Ms. Hell. “Tutulungan kita Emerald. Sana’y makayanan mo ang training. Huwag kang mag-alala dahil mabait si boss Zach Fuentebella.” “Maraming salamat, Ms. Hell.” “Wala ‘yon.” Sabay ngiti nito sa akin. Mayamaya pa’y nakarating kami sa malawak na lupain ay may mga matataas ng build. Ang taas din ng pader at ang gate ay kakaiba. Umabot na ako ng labing limang taong gulang ay ngayon lang ako nakakita ng matataas na gate ang pader. Walang ganitong pader at gate sa Sta. Emeslas na aking pinanggalingan. Ang building dito ay sobrang tataas din at walang sinaabi ang mga building sa lugar na aking pinanggalingan. HANGGANG sa pumasok kami sa loob ng building. Sasakay kami ng elevator na ngayon ko lang nasakyan. Sa tv ko lang nakikita ang elevator ngunit ngayon ay sasakay na ako. Nang lumabas kami ng elevator ay pakiwari ko’y maabot na naman ang langit dahil sa sobrang taas ng building. Hanggang sa pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Nakita ko ang isang lalaki. Sa tabas ng mukha nito at Ramdam kong masungit ito. Naramdaman tuloy ako ng kaba sa aking diba. Paano kung ayaw nito sa akin dahil kalbo ako. Ang tanga ko naman kasi, dahil basta ko na lang pinutol ang aking buhok. “Boss Zach, siya ang sinasabi ko sa ‘yo, siy si Emerald Hycone.” “Magandang araw po, Sir!” kabadong sabi ko. “Ako na ang bahala sa kanya, Hell. Kakausapin ko muna siya, mabuti na lang at may kasama ka na puwedeng maging secret weapon ng bansa. Kulang na kulang ako sa tao ngayon. Sa dami ng kasong hawak ko. At ikaw Hell tama ang bakasyon mo! Tambak ang misyon!" anas ni Mr. Fuentebella. Malakas namang tumawa si Ms. Hell. Pagkatapos ay agad namang tumingin sa akin. “Pilitin mong makapasa sa training, magagamit mo ang pagiging secret weapon ng bansa balang araw. Naniniwala ako sa ‘yong kakahayan, Emerald. Goodluck.” “Salamat po ulit, Ms. Hell—” anas ko bago ito umalis sa aking harapan. Hanggang sa kami na lang ang natira ni Mr. Zach Fuentebella. Agad akong pinaupo sa bakanteng silya. May inabot itong folder at naglalaman ng kontrata sa aking training. “Basahin mo ng maayos, Emerald, bago mo pirmahan. Bawal kang umatras kapag nasa training ka na!” “Sige po.” Agad kong binuksan ang folder. Ang sabi rito ay mahirap ang training. Ngunit kailangan talaga ‘yon bago maging isang ganap na Secret weapon ng bansa. Masasaktan daw kami ngunit hindi kami hahayaan na mamatay. May mga doctor at nurse na nasa paligid ng mga nag – training, kaya safe ang lahat. May allowance pala buwan-buwan ang lahat ng training. Umaabot ng 70 thousand pesos. Libre ang bahay at pagkain. Sa isang condo kami titira. Talagang maganda ang nakasulat dito kaya walang pagdadalawang isip na pumirma ako. “Tama ang desisyon mo Kalbo. Ang pumirma upang maging secret weapon ng bansa. Magpahinga ka muna at bukas na bukas ay simula na ang training mo!” Sabay ngisi ni Mr. Fuentebella. Mayamaya pa’y pumasok ang isang babae para ihatid ako sa aking silid. Sa sunod na araw pa ako pupunta sa condo unit. Dito raw muna ako sa building. Pagdating sa tapat ng pinto ay agad na binuksan ng babae ang pinto. May inabot din ito sa akin na dalawang paper bag na naglalaman ng mga susuotin ko. Pagpasok sa loob ng kwarto ay agad akong pumasok sa loob ng banyo. Talagang namangha ako sa cr. Sobrang laki nito at daig pa ang kwarto. Mabilis akong naligo. Gusto ko na kasing mahiga sa kama. Nang lumabas ako ng banyo ay agad kong kinuha ang paper bag. T-shirt at pajama ang aking sinuot. Agad akong nahiga sa kama. Mayamaya pa’y tuluyan na akong binalot ng karimlan. Isang buwan ang nagdaan. Sadyang mabilis ang araw. At isang buwan na akong panay ang training. Lalo at sa sunod na buwan ay aalis na ako papunta sa ibang bansa para sa ikalawang training. Hindi lang ako ang pupunta roon. Marami kami. At naging kaibigan ko na rin sila. SUNOD-SUNOD kong ipinilig ang aking ulo, upang alisin ang kung ano-anong pumapasok sa kukuti ko. Excited lang akong pumunta sa ibang bansa. Agad kong pinahid ang dugong nasa gilid ng labi ko. Ngayon ay nakikipagbuno ako sa mga magagaling na tauhan ni boss Zach. Aaminin kong magaling sila. Ngunit hindi ako basta magpapatalo. Mayamaya pa’y mabilis silang sumugod papalapit sa akin. Ngunit sunod-sunod akong tumambling papunta sa ere, sabay sipa sa likod nila nang sunod-sunod. Saktong lapat ang aking paa sa lupa ay kitang-kita ko ang kamao na tatama sa akin. Agad ko itong sinalo ng walang kahirap-hirap. “Goog job, Emerald- Sige, bukas naman ulit,” marinig kong anas ng boss ko. Dali-dali kong kinuha ang aking bag at mabilis na tumakbo papunta sa aking motor. Matulin ko itong pinatakbo papunta sa condo unit na kung saan nakatira ang mga secret weapon ng bansa na nag- training. Mabuti na lang at binigyan ako ni ate Hell ng motor. Ito rin ang nagturo sa akin kung papaano magmotor. Pagdating sa condo unit ay agad akong naligo lalo at sobrang dumi ko. Ilang beses akong gumulong sa lupa habang nakikipaglaban. Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin nang marinig ko ang mga kalabog sa labas ng unit ko. Ano’ng nangyayari? Agad kong kinuha ang aking arnis. Mabilis akong pumunta sa pinto para buksan ito. Ngunit kitang-kita ko ang mga lalaking nakasuot ng maskara. Teka, hindi sila ang mga tauhan ni boss Zach. Sino sila. Halos magmura ako dahil ilang kasamahan ko ang nakikipaglaban sa kanila at ang iba ay sugatan na. Agad kong sinara ang pinto ng unit ko. Mahirap kung sa loob ng kwarto sila pumasok para labanan ako. Kailangan kong tulungan ang mga kasamahan ko. Mabilis akong tumalon sa ere at gigil na gigil kong hinampas ang leeg ng isang lalaki gamit ang aking arnis. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil ilang mga kasama ko ay patay na. Hanggang sa mapatingin ako sa isang kwarto. Bigla kong naalala ang Ina ng kaibigan kong si Suzi. Balak ko sanang lumapit sa kwarto nila nang bigla akong harangin ng isang lalaki. Nakita ko ang itak na hawak nito at balak akong tagain. Ngunit mabilis akong nakapunta sa gilid nito, sabay hampas sa batok nito. Nang matumba ito ay muli akong tumakbo papunta sa unit nina Suzi. Ngunit talagang tumalsik ako dahil sa malakas na sipa sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa katana na balak aking patamaam. Mabilis akong gumulong upang hindi mahagip ng katana. Agad ko namang kinuha ang kutsilyo sa gilid ko sabay target sa aking kalaban, habang sa bumagsak ito. Mabilis akong bumangon at nagtatakbo sa unit nina Suzi at ang nanay nito. Nasa pinto pa lang ako ay dinig na dinig ko ang malakas na iyak ni Suzi. Laylay ang balikat ko na bumalik sa aking silid, hindi ko man lang nailigtas si Nanay Prima. Mabilis akong nag-shower. Dahil may bahid ako ng dugo. Nang lumabas ako ng banyo ay narinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Nakita kong si boss Zach ang caller ko. Inalam lamang nito ang lagay ko. Maraming namatay sa mga kasamahan ko at iilang lamang kaming nakaligtas. Ramdam ko ang galit ng boss ko dahil sa nangyari. Pabagsak akong nahiga sa kama matapos kong makipag-usap kay boss Zach. Hanggang sa tuluyan akong nilamon ng karimlan. Dumaan ang dalawang linggo. Nalaman kong hindi na nag- training si Suzi. Kailangan daw nitong mag-isip muna. Nauunawaan naman namin ito lalo at namatay ang ina nito. Dalawang linggo na lang at aalis na ako papunta sa ibang bansa. Titiyakin kong magtatagumpay ako at magiging isang secret weapon ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD