(MICHEL'S POV)
TALAGANG hindi maipinta ang tabas ng mukha ko habang nandito sa hospital. Dito ako dinala ng Mama ko matapos akong bugbugin ng hayop na Emerald. Ang sarap nitong sunugin ng buhay.
Sa totoo lang, bata pa ako ay inis na inis na ako sa pagmumukha nitp. Feel maganda kasi ito.
Aminado naman ako na mas maganda ito kaysa sa akin. Kaya nga galit na gali ako rito. Pakiramdam ko’y parang pangalawa lang ako. Paano ba naman, pagdating sa kulay ng balat ay talagang maputi ito, hindi katulad ko na medyo maitim. Lahat yata ng sabon na pampaputi ay ginamit ko na ngunit walang nagbabago sa aking kulay. Isabay na pa mas mataas ito kaysa sa akin. Kung titingnan ay hanggang balikat lamang ako ni Emerald. Ang hindi ko rin matanggap ay ang itsura ng mukha nito na ang sabi ng ibang bata sa bahay amponan ay maganda at parang barbie daw.
Kaya lahat ng pumupuri kay Emerald ay talagang sinasaktan ko ng sobra. Dahil ako lang ang pinakang maganda sa bahay amponan. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa galit.
Kailangan pumangit ni Emerald. Ayaw kong may kahati ako sa aking ganda. Dapat ako lang ang pinakang maganda at walang ng iba pa. . .
Bigla naman akong napatingin sa pinto nang bumukas ‘yon at pumasok si Mama. Dali-dali itong lumapit sa akin at kitang-kita ko ang pag-aalala nito.
“Ma, nahuli mo ba si Emerald?” tanong ko rito.
“Yes, anak. Nasa mental hospital na siya. Talagang tiniyak ko na hindi siya makakawala roon! Nagtagala na rin ako ng mga bantay sa babaeng 'yon!”
“Ma, gusto kong maghigante sa hayop na ‘yon dahil sa ginawa niya sa akin!”
“Kapag lumabas ka rito ay sa hospital ay dadaan tayo room, Michel.”
“Gusto kong papangitin ang mukha niya, Mama!” mariing sabi ko at agad kong ikinuyom ang aking mga kamao.
Biglang hinawakan ni Mama ang aking kamay. Sunod-sunod din itong umiling.
“Michel, sa ngayon ay hindi mo puwedeng gawin ang papangitin siya. Hintayin nating sumapit ang labing walong taong gulang at puwede mong gawin kay Emerald ang lahat nang pagpapahirap sa kanya. Sa ngayon ay hindi puwede, dahil tayo ang mananagot kay Madam. Saka malaking pera ang makukuha natin oras na sumapit ang labing walong taong gulang niya.”
Bigla naman akong napasimangot. Gustong-gusto ko na itong patayin. Hinawakan naman ni Mama ang aking kamay.
“Dadaan tayo sa mental ngayon puwede mo siyang pahirapan, ngunit bawal patayin,” bulong sa akin ni Mama.
Tanging pahinga na lamang ang aking ginawa. Muling nagpaalam si Mama sa akin para ayosin ang paglabas ko rito sa hospital. Humanda talaga sa akin ang Emerald na ‘yon. Papatayin ko ito katulad ng ginawa ko sa kaibigan nitong si Dave. Tatlong taon na lang ang aking hihintayin. Sabagay mabilis lang naman ang araw. .
Nang bumalik si Mama ay agad na rin akong umalis sa bed. Excited akong pumunta sa mental na kung saan naroon si Emerald.
Paglabas ng hospital ay agad kaming sumakay ng kotse. Gusto ko nang makarating sa mental dahil kating-kati na ako na masampal nang paulit-ulit ang hayop na Emerald. . . Pagdating sa tapat ng mental ay talagang nagmamadali akong pumasok sa loob.
Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang tawagin ako ni Mama. Agad akong lumingon, nakita kong may hawak itong baseball bat at agad na inabot sa akin.
“Sa paa mo lang siya patatamaan. Hindi pa siya puwedeng mamatay, Michel!” mariing bilin sa akin ni Mama. Balak ko na sanang umalis nang lumapit kay Mama ang isang doctor.
“Mother Tess, tunay po bang baliw si Emerald Hycone na dinala ninyo kanina?” tanong ng doctor kay Ma'am.
“Yes, baliw talaga siya. Saan siya ngayon? Gusto siyang makita ng kanyang kapatid.” Sabay turo sa akin ni Mama. Bigla akong napangisi. Ngunit sa aking utak ay hinding-hindi ko ituturing na kapatid si Emerald. Ayaw ko ng kapatid na mas maganda pa sa akin.
Narinig ko ang sinabi ng doctor na kausap ni Mama na nasa 2nd floor daw si Emerald. Nang lumingon ako kina Mama ay nakita kong inaabot ng doctor ang susi sa aking Ina. Mabilis akong lumapit sa kanila at agad kong kinuha ang susi. Hanggang sa dali-dali na akong tumakbo papunta sa silid ng babae. Paglapit sa unang silid ay agad kong binuksan ang pinto.
“Namis mo agad ako, Michel? Pero ikaw hinding-hindi kita namimis!” Mapang-asar na sabi ng babae sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang dala-dala kong baseball bat.
“Hayop ka Emerald!” Mabilis akong lumapit dito habang nakataas ang hawak kong baseball bat. At gigil na gigil ko itong hinampas. Ngunit walang pagdadalawang isip nitong nahawakan ang baseball bat. Balak ko sanang hilahin ang baseball bat ngunit mahigpit itong hinawakan ni Emerald.
“Balak mo akong kalabanin, sigurado ka ba?!” Sabay sipa nito sa aking sikmura. Talagang natumba ako kaya nabitawan ko ang aking hawak na baseball bat. Iritang tumingin ako sa babaeng kaharap ko.
“Ahhh! Mama ko!” malakas kong sigaw nang walang habas nitong hinampas ang aking binti gamit ang baseball bat.
“Ano masakit ba? Ngunit kulang pa ‘yan, hayop ka! Dahil ang buhay ng kaibigan ko ay hindi na maibabalik! Tandaan mo ito, Michel. Hangga’t nabubuhay ako, titiyakin akong magdudusa ka sa aking mga kamay!” At muli na naman akong hinampas gamit ang hawak niyang baseball bat.
“Ma! Tulungan mo ako!” malakas na sigaw ko. Ngunit mabilis na pumunta sa Emerald sa gilid ng pinto.
“Anak Michel, ano’ng nangyari sa ‘yo—” Hindi na natuloy ni Mama ang sasabihin dahil bigla itong hinampas ni Emerald ng baseball bat sa sikmura. Pati ang doctor at hindi rin nito pinalampas at talagang hinampas din nito ng ilang beses.
“Ma, ayos ka lang?!” Nag-aalalang tanong ko sa aking Ina.
“Oo anak! Diyan ka lang, kailangan kong sundan si Emerald. Hindi siya dapat makatakas!”
Kahit hirap sa Mama na lumakad dahil sa sakit ng tiyan nito ay kailangan nitong bilisan at baka makatakas si Emerald. Ako naman ay pilit na tumayo upang sundan ang aking Mama. Baka lalo itong saktan ni Emerald.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng mental na ang makita ko si Mama na ngayon ay nakahiga sa lupa at hirap na hirap itong bumangon. Dali-dali akong lumapit dito upang tulunga itong tumayo. Mukhang nakatakas si Emerald. Pati ang security guard na nasa gate ay nakahiga rin sa lupa at hirap na hirap na bumangon. Talagang minura ko si Emerald sa aking utak dahil sa pananakit sa aking Ina.
“Nakatakas si Emerald—Hayop na babaeng ‘yon ang lakas ng loob na saktan ang katulad kong madre. Humanda sa akin ang babaeng ‘yon oras na mahuli ko siya. Lulumpuhin ko siya!” galit na sabi ng aking Ina.
“Bakit kasi pinabalik mo sa bahay amponan ang mga tauhan natin, Ma? Wala tuloy tumulong sa atin!" sermon ko sa aking Ina. . .
“May problema sa bahay amponan! May mga pumunta raw roong pulis- Kailangan nandoon ang mga tauhan natin at baka bigla silang pumasok sa loob, kailangan nating mag-ingat, Michel—”
Hindi na lamang ako nagsalita pa. Agad kong inalalayan si Mama papunta sa loob ng kotse. Ngunit biglang napamura si Mama dahil butas ang gulong ng kotse nito.
“Emerald- Kahit kailan ay salot ka talaga!” malakas na sigaw ng aking Ina. At talagang namumula ang muka nito sa galit.
(EMERALD’S POV)
BIGLA AKONG NAPANGISI habang nakahiga rito sa lumang bus. Sa ngayon ay dito na muna ako natutulog. Dalawang araw na rin ang nagdaan mula nang makatakas ako sa mental hospital. Pero galit na galit ako sa mag-inang 'yon.
Wala akong pakialam kahit makasakit ako ng kapwa ko. Kailangan ko silang saktan para lang makatakas. Bukas ay paalisin na ako papunta sa Lunsod. Sapat na ang aking perang hawak.
“Emerald- Emerald!” Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa karton nang marinig ko ang boses ni Lowane. Dali-dali akong lumabas ang sirang bus para magpakita sa aking kaibigan.
“Oh! My God- Emerald, ano’ng ginawa mo sa ‘yong buhok? Bakit ka nagpakalbo?!” Talagang nanlalaki ang mga mata ni Lowane habang nakatingin sa akin. Bigla ko namang nahawakan ang aking ulong makinis. Yes, talagang nagpakalbo ako upang hindi ako makilala ng mga hayop na humahabol sa akin.
“Bagay naman sa akin, ah? Pangit ba ako?” tanong ko sa aking kaibigan.
“Hindi ka naman pangit. Ngunit bakit nagpakalbo ka agad? Hindi ba puwedeng ipaputol mo lang ang buhok mo?!” bulalas ng aking kaibigan.
Muli kong hinimas ang aking ulo na walang buhok. Talaga namang sobrang kinis nito dahil wala na akong buhok.
“Tutubo rin naman ang aking buhok ayos lang ‘yan. Parang ang gaan tuloy ng ulo ko. Tipid din sa shampoo. Hindi ko kailangan magsuklay ng buhok.”
Napakamot na lang ang aking kaibigan sa kanyang buhok. Agad naman akong niyaya nito papunta sa bahay nito sa ilalim ng tuloy dahil kaarawan daw ng Ina nito.
Dali-dali akong sumunod sa aking kaibigan. Ngunit hindi pa kami nakakalayo nang may mga lalaking humarang sa amin.
“Lowane, mauna ka na. Susunod ako, alam kong ako ang kailangan nila—” Kahit nag-aalala ang aking kaibigan ay nagmamadali itong umalis sa aking harapan. Ayaw ko ring mapahamak si Lowane kaya tama lang na paunahin ko siya.
“Emerald- Kung ako sa ‘yo ay sumama ka na lang upang hindi ka masaktan,” anas ng isang lalaki.
“Kahit patayin ninyo ako! Hinding-hindi ako sasama sa inyo! Mga bobo kayo!” Mariing sabi ko. Ngunit mabilis na lumapit sa akin ang isang lalaki at buong lakas akong sinuntok sa aking sikmura. Talagang halos mapilipit ako sa sobrang sakit. Muntik na rin akong matumba.
“Mukhang kailangan ka pang saktan bago ka sumama sa amin!” SABAY sampal naman sa aking mukha.
Nanlilisik naman ang mga mata ko na tumingin sa lalaki nanakit sa akin. Hanggang sa makita kong balak akong sipain nito. Mabilis kong kinuha ang maliit na bakal na aking bulsa at dala-dala ko palagi at basta na lang sinaksak ang binti nito.
“Ahhh! Hayop ka!” sigaw ng lalaking demonyo.
Talagang tumalsik ako nang bigla akong sipain ng mga kasamahan nito. Naramdaman kong hinawakan ako sa aking batok at pilit na itinayo. Kasunod ang sunod-sunod na pag-umpog sa aking noo sa unahan ng kotse. Muli kong kinuha ang bakal na nasa bulsa ko. At gigil na sinaksak ang tiyan nito. Mabuti na lang at ilang pirasong bakal ang aking dala-dala.
Dinig na dinig ko naman ang malakas na sigaw niyo. Agad din nitong mabitawan ang aking batok. Ngunit dulo ng baril ang sumalubong sa aking noo. Nakita ko ang isang lalaki at alam kong tauhan din ito ni Tess.
“Mas mabuti siguro kung patayin na lamang kita, babae!”
“Pare, hindi siya puwedeng patayin, tayo ang malalagot kay Mother Tess!” anas ng isang lalaki. Kitang-kita ko naman ang pagdilim ng mukha nito.
Ngunit mas nagulat ako nang bigla silang tumalsik papalayo. Talagang nagulat ako sa pagsulpot ng isang babae at walang humpay nitong pinagsusuntok ang mga lalaking tauhan ni Tess.
“Mga putangina ninyo, mga batang babae lang pala ang kaya ninyo, mga duwag ang mga gago!” Sigaw ng babae at talagang malutong na mura ang lumabas sa bibig nito.
"Ayos ka lang, Ms. Kalbo?" tanong sa akin ng babae.