Madaling araw nagising si Natalie. Basang basa. Ano ba ito umuhi ba ako? Kaya tumayo siya sa kamiyang higaan. Pumunta siya ng banyo para magpalit. Pagkatapos ay umupo muna siya sa sala. Pakiramdaman niya nanigas ang tiyan niya. Hinimas himas niya ito. Maya maya ay naramdaman na naman niyang napapaihi siya. Kusa lang itong lumabas. Napatayo siya. Naku! Manganganak na yata ako. Pumasok siya loob ng silid ni Loyda. Ginising niya ito. "Loyda, Loyda!" Niyugyog niya balikat nito. Pupungas-pungas pa si Loyda ng magising. "Bakit, Ate?" "Loyda, manganganak na ata ako. Sumabog na yong panubigan ko." Nakita niyang basa nga ang suot nitong damit. "Oo nga, Ate. Kabuwanan mo na pala." Bumangon na din si Loyda. "Ayusin ko na ang mga gamit na dadalhin natin." Tumango lang si Natalie. Nakaramdam n

