"Ang cute niya, Ate Natalie!" ani Loyda, bakas ang pagkagalak sa kanyang mukha. Pinagmamasdan niya ang sanggol na mahimbing na natutulog sa bisig ni Natalie. "Ang cute, cute mo naman, Nathan! Ako ang Ate Loyda mo. Huwag kang mag-aalala, ako ang mag-aalaga sa'yo." Hinaplos-haplos niya ang malambot na pisngi ng sanggol gamit ang kanyang daliri. Si Natalie ay napangiti habang pinagmamasdan ang anak. Samantala, si Doc Nico ay nakaupo sa sofa. Hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang kasiyahan habang pinagmamasdan si Natalie at ang bagong silang na si Nathan. "Look at you, Natalie," ani Doc Nico, ang kanyang tinig ay puno ng emosyon. "You've come so far. Seeing you with Nathan—it’s amazing." Napatingin si Natalie sa kanya, bahagyang natawa. "Thank you, Doc." Tumayo ito at lumapit sa kanila

