Chapter 56

1310 Words

Nagulat si Loyda nang mapansin niyang halos magkahawig ang lalaki at si Nathan—lalo na sa buhok, hugis ng mata, at kilay. Biglang nag-ring ang cellphone ni Loyda, kaya sinagot niya ito kaagad. "Ate Natalie..." Pumintig ang tenga ni Dane nang marinig ang pangalang "Natalie." Pakiramdam niya, parang nagwala ang puso niya sa kaba. "Yes po, Ate. Nandito po kami sa cafeteria. Okay, babalik na po kami diyan." Ibinalik ni Loyda ang tingin sa lalaki. "Pa-pasensiya na po," ani niya, saka bumaling kay Nathan. "Halika na, hinahanap ka na ng mommy mo." Hinawakan niya ang braso ng bata para yayaing umalis. "Sandali lang po, Ate Loyda," sabi ng bata. "May pera ka bang dala? Bayaran mo muna si Sir kasi kulang ‘yong dala kong pera—binili ko kasi ng cake." "Ha? Sabi ko na nga ba, nang-abala ka pa, e,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD