Anim na buwan na ang sinapupunan ni Natalie, at excited siyang magpa-ultrasound ulit. Dito niya malalaman kung lalaki o babae ang anak niya. Inaantay lang niya si Loyda para samahan siya. Half-day lang ang pasok ni Loyda sa school ngayong araw. Hingal si Loyda nang dumating. "Pasensiya ka na, Ate, may pahabol pa kasi si Ma'am. Ano, alis na tayo?" Tinulungan niya si Natalie tumayo mula sa upuan. Medyo mabigat na ang sinapupunan nito. "Naku, Ate, sigurado akong lalaki ang anak mo. Ang takaw mo kasi kumain, tuloy ang bigat na niya!" natatawang sabi ni Loyda. "Hindi ko mapigilang kumain, eh," natatawang sagot ni Natalie. Nasa OB clinic na sila, ngunit hindi mapakali si Loyda. Panay ang sulyap nito sa labas, kaya napansin ito ni Natalie. "Loyda, umupo ka nga. Para kang pusang hindi maihi di

