Dahan dahan si Dane na pumasok sa loob ng silid ni Natalie. At isinara ng bahagya ang salaming pintuan ng terrace kaya ang tanging liwanag na makikita sa silid ay liwanag na galing sa buwan. Naririnig ni Dane ang lagaslas ng tubig sa bathroom. Iginala niya ang mga mata sa silid ni Natalie. Nakita niya ang isang bote ng wine. Nilapitan niya ito at tinignan halos kalahati na ang laman nito. Bigla huminto ang tunog ng lagaslas ng tubig sa bathroom. Nataranta si Dane. Naghanap ito ng mapagtataguan. Sa isang sulok ng silid ay may madilim na bahagi kaya doon nagkubli si Dane. Hindi pa lumabas ng bathroom si Natalie. Pinunasan niya ang buong katawan ng towel. Pinagmasdan niya muna ang sarili sa salamin. Napangiti siya. Talagang nalasing ata ako sa alak na iyon. Napahagikhik siya ng mahin

