Natapos ang gabi ng kasiyahan. Lahat ng mga panauhin, bisita at kaibigan ay masayang umuwe. Hinatid nina Natalie at Dane si Don Danilo sa silid nito dahil na lasing ang matanda kahit konti lang ang ininom nitong alak. Pero pinaiwan ni Dane si Natalie sa labas ng silid. "Huwag ka ng pumasok. Ako ng bahala sa kanya." Malamig ang boses nito. At isinara ang pinto. Napabuntonghininga si Natalie at lumakad papunta sa kanyang silid. Naglinis na siya ng kanyang katawan at nagpalit ng damit pantulog. Ala una na ng madaling araw ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nasa isipan pa rin niya ang nangyari. At hindi mawala sa isip niya ang mga titig ni Dane. Nauhaw siya kaya nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto at lumakad papuntang kitchen. Tahimik ang buong mansion. Siguro ay pagod ang lahat d

