“I HOPE you’re alright.” Kiming tango lang ang naisagot ni Amber sa tanong sa kanya ng kapatid na si Alissa. They were on their way to their ancestral house. Siya ang nagda-drive at nakaupo naman ito sa passenger’s seat. “Sir Jairus seemed to be serious about you,” komento ulit nito. “Baka sa una lang `yon,” walang buhay niyang tugon. “Nasa bahay ba si mama and papa? Baka naman lalong hindi umuwi `yong mga `yon kapag nalamang papunta ako roon.” “For sure matutuwa `yong mga `yon. Anak ka nila, Ate. Wala naman sigurong mga magulang na hindi matutuwang makita ang sarili nilang anak.” She shrugged. “Unless para sa kanila, failure ang anak nilang `yon.” “May problema ka ba? Pakiramdam ko, ang daming gumugulo sa isip mo. Pwede kang magkwento.” “Ikukwento ko kung paano nasira ang marriage

