“MERON tayong free workshop para sa mga aspiring writers ng erotic romance.” Iyon ang bumungad kay Amber nang pumunta siya sa opisina ng publishing company niya. Bihira lang siya pumunta roon kaya bihira niya ring makausap sa personal ang mga boss niya. Napatango siya kay Cathlyn. “Good, then.” “Are free by the end of this month? Gusto sana naming ikaw ang mag-talk. Sigurado akong maraming pupunta pero ili-limit lang namin up to fifty participants para naman hindi masyadong crowded,” Cathlyn added. “Let me ask Jairus if we have—” Natigilan siya nang ma-realize na nabanggit niya ang pangalan ng binata sa harap mismo ng brand manager niya. “I’ll check if I have a free time for that.” Cathlyn smirked. Base sa ngiti nito ay alam niya nang inaasar siya nito. Matagal na rin siyang nasa pang

