NANLAKI ang mga mata ni Amber nang masilayan ang gwapong mukha ni Jairus pagkalabas na pagkalabas niya sa building ng opisina. Nakasandal ito sa pula nitong kotse habang nilalaro ang hawak na susi. Nakagat niya ang ibabang labi nang mapasadahan ng tingin ang kabuuan nito. He was really hot with his maroon longsleeves. Nakatupi ang mga manggas niyon hanggang siko at naka-tuck in ang laylayan. Pinaresan nito iyon ng gray slacks, brown shoes at brown belt na bumagay nang husto sa porma nito. He looked so clean. Parang ang sarap-sarap nitong amuyin. He was a total eye candy. Hindi niya maisip kung gaano karaming estudyante siguro ang nagkakandarapa rito. Napasinghap siya nang lumingon ito sa direksyon niya. Amber almost melted when Jairus smiled at her. Lumabas ang pantay-pantay at maputing

