AMBER stared at Jairus. Mahimbing na natutulog ang lalaki sa tabi niya. Naalimpungatan lang siya. Nang sipatin niya ang wall clock, past twelve pa lang nang madaling araw. They were at his condo. Pumayag siyang doon na lamang matulog dahil mas malapit iyon sa kinainan nilang restaurant. Ayaw niya nang bumyahe nang magtagal. She was mentally and physically tired. She sighed. They spent the night with only limited talks. They didn’t even share a kiss. Wala siya sa mood hanggang sa makatulog siya. At hindi rin naman siya pinilit ng binata sa kahit ano. He was, a real gentleman after all. Napangiti siya nang maalala niya nang isa-isang pumasok sa alaala niya kung paano niya ito unang nakilala. She was a teen back then and he was at his early twenties. He was so handsome. Walang nagbago. In

