“OKAY NAMAN `tong café nila rito,” ani Jairus nang makababa sila sa kotse nito matapos mag-park sa isang 3-star hotel sa gitna ng abalang Maynila. “Maganda rin naman ang ambiance and hindi masyadong matao.”
Tumangu-tango si Amber. Kabababa niya pa lamang mula sa kotse ng lalaki. Abala siya sa paggala ng mga mata sa paligid habang naglalakad sila papasok sa café na katabi lang mismo ng building ng hotel.
Pumasok sila nang tuluyan sa loob ng café. Walang ibang naroon. Iginiya siya ni Jairus hanggang sa pinakasulok ng café kung saan marahil ay hindi sila maaabala ng kahit sino. Naupo sila roon at mabilis na in-assist ng isang waiter.
“Ano’ng order mo?”
Tiningnan niya ang menu. Hindi siya gutom. Wala rin siyang gustong kainin. Pero ayaw niya namang walang nguyain habang nag-uusap sila ng kaharap. Somehow, gusto niyang dini-distract ang sarili sa tuwing tinititigan siya ni Jairus.
“Banana split na lang siguro, Sir,” she answered reluctantly.
Matapos sabihin sa naghihintay na crew ng café ang order nitong Americano at Banana split niya ay naiwan na rin silang dalawa.
“So, kamusta ka?” Jairus asked, looking intently into her eyes.
Pilit siyang napangiti. Sasabihin niya bang hindi? Ang drama naman. Baka isipin ng lalaki na kaya lang siya nakipagkita rito ay para labasan lang ng lahat ng sama ng loob at frustrations niya sa buhay.
“Okay lang naman,” kaswal niyang sagot. “Ikaw, Sir? `Di ba sabi mo kanina may writer’s conference ka? Buti may time ka pa para rito?”
Ngumiti ito. Bahagya siyang nawala sa huwisyo pero pinilit niyang ikalma ang sarili. For Pete’s sake. Parang mahuhulog ang underwear niya sa tuwing ngumingiti ito sa kanya. He had this naughty smile that could silently tingle the apex of her womanhood.
Napainom siya ng tubig na s-in-erve sa kanila kanina at napasulyap sa labas mula sa salamin ng café. Matapos makontrol ang maliit na init sa katawan na muntik nang sumiklab ay mabilis siyang lumingon pabalik kay Jairus.
“Actually, sobrang busy nga. Ito na `yong pahinga ko. I want to see you so we could talk and have some small chitchats,” diretsong tugon nito na hindi man lang inaalis ang pagkakatitig sa kanya. “Are you sure you’re okay?”
Bahagya siyang tinablan ng lungkot. Sa lahat ng taong nakakausap niya lately ay isa ito sa iilang nagtatanong sa kanya kung okay lang ba talaga siya. Of course, at some point, hindi naman talaga. Kahit naman sabihin niyang nagmu-move on siya sa nadiskaril niyang married life ay hindi niya naman maitatangging nasasaktan pa rin siya. Hindi man kasingsakit ng dati, pero naroon pa rin `yong kirot. Hindi pa siya magaling.
Tila napansin ni Jairus na hindi siya kumikibo. “So, anong tumatakbo ngayon sa isip mo?”
“Lumabas na `yong desisyon ng korte. Annuled na ako,” kaswal na tugon niya. Pinilit niyang pagmukhaing balewala lang iyon sa kanya.
Hindi kumibo ang kausap. Tinitigan lamang siya nito. Seryoso ang mga mata. Tila inaarok kung ano ba talaga ang naglalaro sa isip niya. Tila ine-exam-in siya. Daig niya pa ang isang specimen sa microscope.
“Alam mo,” tugon nito matapos ang ilang saglit na katahimikan sa pagitan nila. “Gago `yang ex-husband mo. Ang ganda mong babae. Matalino ka. Kung wala kayong matinding pinag-awayan, anong sapat na dahilan niya para iwan ka? May ikinama ba siyang ibang babae? Kung ako ang asawa mo, siguro malaking pamilya na tayo ngayon.”
Pakiramdam ni Amber ay nahaluan ng ibang pakiramdam ang bigat na nararamdaman niya nang marinig niya ang huling pangungusap na binitiwan ni Jairus. At the back of her mind, she was starting to imagine things that she should not have imagined in the first place. Hindi niya mapigilang makagat ang ibabang labi.
Ngumiti na lang siya. Hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing si Jairus Tan ang nasa harap niya, nauubusan talaga siya ng mga sasabihin. Pakiramdam niya, hindi nakakapag-function nang maayos ang isipan niya lalo na sa tuwing tinititigan siya nito o nalalanghap niya ang pabango ng lalaki.
Kumalma ka, Amber. Nakakahiya ka, sita niya sa sarili.
Mabuti na lang at dumating na ang in-order nila. Kumain siya ng banana split kahit napipilitan lang siya.
“Did my words make you uncomfortable?” tanong nito nang hindi niya na magawa pang sumagot. “Pasensya ka na. Pakiramdam ko naman kasi, bukas ang isip mo sa mga ganitong usapan since pareho tayong manunulat.”
‘Of course, okay lang sa `kin, Sir,” mabilis niyang tanggi. “Ang tanda na natin. Hindi na natin kailangang magpabebe sa mga ganitong usapan. Hindi lang talaga siguro ako makahanap ng mga words na sasabihin mula sa utak ko. Bihira naman kasi akong may makausap tungkol sa ganitong bagay. Usually, taboo ang ganitong usapin sa ibang tao. Kadiri. Imoral.”
“Don’t mind them. Mga hipokrito. Imagine hating adult stories yet secretly enjoying it at the same time?” Umiling-iling ito. “Anyway, you’re finally single,” deklara nito sa status niya ngayon. “Maybe it’s about time for you to get out of the cage you’ve created for yourself.”
Napaisip siya. Oo nga naman. f**k that three month rule for teenagers. Hindi na siya bumabata at siguro naman, ngayong annuled na siya sa asawa niya, hindi niya na kailangan pang paliitin ang mundo niya. Pero saan siya magsisimula? Sino ang kakausapin niyang hindi siya maya’t maya tatanungin tungkol sa mga tsismis sa buhay niya?
“Gusto ko rin naman. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan,” pag-amin niya.
“That’s easy,” anito saka inilapit nang kaunti ang inuupuan sa kanya. “Honestly, kailan ba `yong huling nakapag-explore ka ng sensuality mo?”
Muntik na siyang mabilaukan sa kinakain. “Naku, Sir. That was three years ago. Ni hindi ko na naranasang mahawakan ng ibang lalaki.”
Totoo iyon. After Corven left her, hindi na ulit siya nagkaroon ng s****l activity na may lalaking involved. Halos wala na rin siyang ganang paligayahin ang sarili. Iyon na rin siguro ang rason kung bakit hindi na maganda ang status ng mga libro niya. Sa isang iglap, nawala ang magic ng kamay niya sa pagsusulat ng erotica.
Well, that was before Jairus entered the scene and made her think of his fit body at her lonely nights.
Nakagat niya ang ibabang labi sa isiping iyon. Damn. Ano kaya ang reaksiyon nito kung malalaman nitong ilang gabing pumasok sa isip niya ang gwapo nitong mukha, magandang pangangatawan at mabangong amoy… at pinagnasahan habang pinapaligaya ang sarili?
Napabuga siya ng hangin.
“Kinakaya mo `yon?” tila gulat nitong tanong. “Kung ako sa `yo, mage-enjoy ako. Hindi kaya biro ang magsulat ng tungkol sa babae’t lalaking gumagawa ng milagro kung ikaw mismo sa sarili mo eh hindi na makaramdam ng pleasure.”
Natawa siya. “Bakit, Sir? May maire-recommend ka ba d’yan?”
“Ang dali-dali lang humanap eh,” tumatawa na rin nitong tugon. “Ako nga noon, ilang babae na rin ang nakalaro ko sa kama. Kaya kahit wala akong girlfriend, nage-enjoy naman ako. And, of course, we practice safe s*x. Ngayon na lang ako nagtino. Ayoko na ng puro laro. Kung maghahanap ako ng babae, gusto ko `yong hindi lang sa kama magaling kundi sa buhay.”
She cracked another joke. “Choosy ako, Sir.”