“TARA SA HOTEL?” Pasimpleng napasinghap si Amber nang yayain siya ni Jairus. Tapos na nilang lantakan ang banana split na kanina niya pa sinusubukang ubusin nang mag-isa bago siya tulungan ng binatang kainin iyon. She was writing those kind of scenes. Pero kahit kailan, hindi niya isinulat ang ganoon ka-straightforward na yakad ng isang lalaki. For her, hindi iyon sexy. Parang masyadong hayok sa s*x ang lalaking magtatanong nang ganoon sa isang babae. But hearing it from Jairus himself was quite thrilling for her. Hindi niya maiwasang mapalunok. What if they would do something nasty under the sheets? What if the man would ask her to have s*x with him? Kinakabahan na nae-excite siya. Hindi niya tuloy magawang sagutin ang pagyaya nito sa kanya. Pakiramdam niya, ang easy to get niya kung

