“TAYO NA?” “Oo nga,” natatawang ulit ni Amber sa sagot niya kay Corven nang mga sandaling iyon. “Pero promise me. Hindi `to pwedeng malaman nina mama.” Ilang buwan na rin silang ganoon ng lalaki. Laging magkasama at hindi mapaghiwalay pero wala namang label. Na-issue na yata sila ng lahat ng prof. Hanggang sa manligaw na nga ito sa kanya. And for her, oras na rin sigurong bigyan ito ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay niya. “Pwede ka pang mag-back out. Walang pilitan.” Hinampas ni Amber ang braso nito. “Parang ayaw mo. Bahala ka nga sa buhay mo.” Akmang tatayo na siya mula sa bleachers nang bigla siyang hatakin ni Corven at halikan sa mga labi. Nanigas ang katawan niya sa ginawa ng binata. It was her first kiss. Hindi niya alam ang gagawin. Pero mabilis din namang nagbago ang iti

