CHAPTER 9.2

860 Words

“WHY ARE YOU ALONE?” Nag-angat ng mukha si Amber para silipin ang pinagmulan ng baritonong boses. Nakangiting mukha ni Corven ang agad na bumungad sa kanya. Kahit tila tumalon ang puso niya sa mga ngiti nito ay pinili niyang gantihan ito ng tipid na ngiti. Hindi niya akalaing may makakakita pa sa kanya sa likod ng College of Arts and Sciences. Doon niya kinakain ang lunch na pina-takeout niya sa canteen kanina. Hindi na siya nag-try na kainin pa iyon doon dahil wala siyang maupuan sa sobrang dami ng mga estudyanteng nagsisiksikan. Medyo nahihirapan lang siyang kumain ngayon dahil hindi naman siya sanay na kumain habang nakaupo sa damuhan at walang matinong mesa. Sana talaga, balang araw ay mapasalamatan niya ang parents niya dahil ipinagtulakan siya ng mga ito na pumasok sa isang SU. Sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD