College days, ten years ago… First day of school. Hindi alam ni Amber kung saan siya mauupo. Hindi siya pmilyar sa mga bagong tao sa paligid niya. Hindi siya sanay sa atmosphere. Para sa isang transferee plus irregular student na gaya niya, hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang semester na iyon. Transferee siya mula sa isang mamahaling catholic school. Ngayon, nag-enroll siya sa isang state university. Of course, it wasn’t her idea. It was her parent’s. Kahit labag sa loob niya ay pinagbigyan niya ang mga ito para raw matuto siya sa buhay at hindi laging nakadepende sa pera ng mga magulang. Aminado naman siyang magastos talaga ang lifestyle niya sa dati niyang school kaya ni hindi niya magawang mag-protesta. “Pre, ganda oh!” narinig niyang sabi ng isang lalaking nadaanan niya na

