NGUNIT nakita kong balak akong saksakin ng isang lalaki. Kaya naman agad kong inangat ang aking paa upang sipain ng kamay nito. Umikot din ako nang sunod-sunod sa ere habang nakaangat ang isang binti ko sabay hampas sa leeg ng isang lalaki. Agad kong kinuha ang aking cellphone upang tumawag ng mga pulis. Matapos kong makipag-usap sa mga pulis ay nakita kong sumugod papalapit sa akin ang asawa ni Fatimary. Ngunit nagulat ako sa pagsulpot ni Fatimary, kitang-kita ko na basta na lang nitong hinampas ang katawan ni Permin, dahilan kaya bumagsak ito sa lupa. “Hayop ka, Fatimary!” sigaw ni Permin. Ngunit muli na naman itong hinampas ni Fatimary. Agad ko namang inawat ang babae at baka tuluyan nitong mapatay ang asawa. Napansin ko naman ang tatlong lalaki, balak pa sana nilang tumakas nang sa

