Maghanap Ng Tamang???

2336 Words

Mabilis akong lumingon sa tumawag sa akin na boses babae. Inalis ko rin ang shades sa aking mga mata. Mataman kong tinitigan ang babaeng nasa harapan ko. Hanggang sa tuluyan ko itong makilala. Walang iba kundi si Fatimary. Ang kaibigan at classmate ko noong high school ako. Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin nito nang mahigpit. Ramdam ko ang katuwaan nito nang makita ako. Kahit ako rin naman ay natuwa. “Tama nga ang aking hinala na ikaw talaga si Black Lipstick. Diyos! Bakit lalo kang gumanda!” palatak ni Fatimary. Napangiti ako dahil sa tinuran nito. Ngunit bago magsalit sa dating classmate ko at naging kaibigan ko noong high school ako ay pasimple muna akong tumingin sa restroom na kung saan pumasok si Apollo. Hindi pa rin kasi lumalabas ang lalaki. Napahinga na lamang ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD