Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki. Gumalaw rin ang adma's apple nito. Kahit anong paghila ako ay hindi ako binibitawan nito. Ngunit inis akong tumingin sa mukha ni Eyeliner. “Hindi ka ba nag-aalala sa nobya mo? Hindi mo man lang naisip na masasaktan mo siya dahil may hawak ka na ibang babae! At hindi lang ‘yon, hinalikan mo pa ako sa harap niya!” mariin sabi ko sa lalaking baliw na yata. “Hindi ko siya nobya! Kailangan mong sumama sa akin dahil may pupuntahan tayo, Buriket!” Sabay hila ulit nito sa akin pulsuhan para ilabas ng restaurant na ito. Ngunit agad akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito sa aking pulsuhan. Kaya lang ayaw talaga akong pakawalan nito. Ayaw ko namang gumawa ng gulo dahil nasa loob kami ng restaurant. Saktong labas namin ay dalawang magkakasunod na

