(Naya's POV) lahat ng SSC Officers ay pumalibot agad sa bangkay ng mga estudyanteng natagpuan malapit sa boundary ng south at college building pagdating namin doon, sa brutal na pagpatay sa kanila hindi mo iisiping killers ang gumawa nito sa kanila, tulad ng mga assassin kilala sa malinis na trabaho ang mga killers kaya sa palagay koy nasa ilalim ng Venom X ang gumawa nito. Labindalawang estudyante sila dito, dalawa sa kanila ang nakahandusay pero walang kasugat-sugat o galos man lang at tatlo ang makikitang pinatay sa brutal na pamamaraan, kung iisiping mabuti 12:23 na naman ang pattern at hidden message dito. "Students, leave this place!" Anunsyo ni Eos na sinunod naman agad ng lahat, naiwan ang mga guards na nakakita at ang malalapit sa labindalawang iyon. Lumapit agad si Blue sa am

