bc

Underground Society: Killers

book_age12+
1.8K
FOLLOW
5.2K
READ
killer
possessive
badboy
badgirl
mafia
gangster
bxg
mystery
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Rules:

- Don’t have mercy

- Target only and no innocent should be involved

- Eliminate the target

- Stick on the plan

-----------

Killers are heartless

Killers are strong

They are the best in hiding

They are the best at killing

They are killing by the order

They are killing with price

What if a gangster meets the son of a notorious killer?

What will she do?

Does she need to do something or just trust him again?

chap-preview
Free preview
Killers 1
(Naya's POV) Nagmamadali akong pumasok sa pinto ng interrogation room pagdating ko sa quarters dahil sa natanggap kong tawag nina Dad sa akin at pagdating ko ay nakita ko na nakatungo doon sa mesa si Victoria at hindi na gumagalaw. Napatingin lahat sila ng pumasok ako, tiningnan ko din sila dahil wala silang ginagawa at nananatili lang silang nakamasid sa kanya. "Victoria? Nagkukunwari lang yan!" Hiyaw ko saka ko siya nilapitan at niyugyog pero hinila bigla ako ni dad palayo sa kanya. She didn’t even reacted sa pagyugyog ko sa kanya. What the hell? Tinawagan lang ba nila ako para lang dito? "Patay na siya Naya, calm down okay? Wala na tayong magagawa, her death seems like a robot na mayroong eternal life na mamamatay lang kapag shinut down, biglaan ang lahat nagkaganyan na lang siya basta basta and when we check her pulse wala na yon" I look at Nigel dahil sa sinabi niya, so ibig sabihin bigla na lang siyang naging ganyan? Ganon ba? "Maybe because of the venom X? o baka sa ibang dahilan, alam mo naman ang science Naya" Napakuyom kamao ako sa idinagdag ni Kenny sa sinabi ni Nigel. Bullshit. This is bullshit, kaylangan ko pa siya, marami pa akong gustong malaman sa kanya. "Anong nangyari bago yon? As in namatay na lang ba siya?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanila. "Mukang nagsalita naman siya ng matino" Sagot sa akin ni Dad. Napabuntunghininga ako dahil doon, at leats napakinabangan namin siya kahit papaano. "Hindi tayo magpapakampante, ako ng bahala sa kanya" Lumabas na si Dad sa loob ng interrogation room pagkasabi niya noon, tumawag siya ng mga tauhan para kunin si Victoria para dalhin sa lab nila, habang kami naman nina Nigel ay lumakad papunta sa office ni Dad. Simula ng matapos ang bangungot sa school hindi ako tumigil, hindi ako nagpaka-kampante hanggang hindi ko siya napapa-amin, after I survive that incident na nagparatay sa akin ng halos isang buwan, I continue investigating dahil alam kong may mali sa mga nangyari. Sa ilang buwan naming pananatili dito ni Dad at Mom sa America para personal na bantayan si Victoria habang nagpapagaling ako, kahit papaano ay marami kaming natutunan at nalaman sa mga infected lalo na sa behavior ng mga katulad ni Victoria na nagtataglay ng pinaka-mataas na form ng venom x. Sa lahat din ng mga araw na yun ay kasama namin sina Nigel na nag-retire narin sa mga kagaguhan nila, sumapi sila sa samahang binuo ni Dad para sa espesyal na mission na ito at malaki ang naitutulong nila sa mga investigations and missions namin. "Relax Naya, marami naman tayong nakuhang impormasyon sa kanya di ba? Pwede na yon kaysa wala" Josiah said to me kaya napabuntunghininga ako. Naupo agad kami sa couch sa mini living room sa office ni Dad pagpasok namin. Tama siya, sa loob ng ilang buwan na yun marami din kaming nalaman sa kanya pero sigurado akong hindi niya sinabi sa amin ang lahat, kontrolado ang sinabi niya alam ko iyon. Sa ilang buwan din naming pananatili dito ay nawalan ako ng komunikasyon sa mga kasamahan naming naiwan sa pilipinas, hindi ko na sila nakausap matapos ang insidenteng iyon dahil dito na ako nagising at nagpagaling, hindi ko pa sila nakakausap ng masinsinan lalo na sina Cyan tungkol dito, mukang wala din naman kasi silang alam sa ginagawa namin dito. Ang alam marahil nila nagpapagaling ako, baka hindi din nila alam na kasama namin dito sina Nigel. Si Apollo ay nakakausap ko sa telepono pero bihira ko siyang makausap dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. "Lets discuss about the information's she said awhile ago" Napalingon agad ako kay Dad ng magsalita siya habang papasok dito sa office niya. Naupo agad si Dad sa katapat na couch ng kinauupuan namin at nanatili naman kami sa mga pwesto namin. "I guess she maybe blurted out all the information's she knew and whoever did this to her? I know may purpose siya" I look at Dad ng sabihin niya iyon, ano kayang sinabi ni Victoria? "Victoria says they are seven, pito silang lahat including the boss, so anim ang galamay at yung boss yung pang pito" Dad draw boxes on the white board. May box sa taas maybe that's the boss. At anim na box sa baba. "And she was first, dun daw siya kilala" Dad wrote first, second, third, fourth, fifth, and sixth each boxes. Habang doon lang din kami nakatingin sa ginagawa niya. "Ibig sabihin, kung siya si first, kaylangan pa nating hanapin yung iba bago makarating kay seven, ibig sabihin lang nito the makers of venom x ay hindi lang basta basta, hindi sila kung sino sino lang, these means they are a established organization" Pito sila sa kahayupan nila? Pito silang utak ng venom x? "She didn’t tell who they are, but she describe the other six as mga bigatin, malalakas at sinabi rin niyang lahat sila ay nasa pilipinas din" Nasa pilipinas lahat sila? Malapit lang pala sila sa amin? Ang anim na yun, siguradong nagmamasid lang sila, siguradong hindi lang sila basta basta, madali lang naming nahuli di First but that doesnt mean na mahuhuli din namin kaagad ang iba pa. Sa tingin ko they are independent enough to handle such situations, siguradong hindi nila tatangayin ang iba sa pagbagsak nila lalo na ang pinuno nila ng basta basta na lang. "Mauna na kayong bumalik sa pilipinas, I will handle her first at susunod din kaagad ako doon, malaking g**o to, hindi nila ipagwawalang bahala ang nangyari kay Victoria at isa pa, siguradong hahanapin parin nila ang Antidote" Nagkatinginan kami nila Nigel dahil sa sinabi ni Dad, tama siya, kaylangan na naming bumalik, we need to make sure the others safety, baka habang andito kami sila naman doon ay nanganganib na pala ang mga buhay. After that meeting, that same night ay umalis din agad kami nila Nigel at bumalik kami agad sa pilipinas, private plane ang ginamit namin para mapabilis kami. Hindi rin muna sinabihan ang iba tungkol sa paguwi namin para iwas aberya. After all dapat kaming mas magingat, alam namin na andyan lang sila sa tabi tabi at nagmamasid. We never know kung anong kaya nilang gawin, anim pa sila at kahit patay na si Victoria siguradong kayang kaya parin nilang kumilos ng malaya. (Nyx's POV) "Kuya?" Hiyaw ko sabay tili pagtawag ko kay Kuya kahit na nasa iisang penthouse lang naman kami, at wala akong pakielam kahit na mainis pa siya dahil excited ako sa ibabalita ko sa kanya. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko, para hanapin agad si Kuya. Sa penthouse na to ay magkakasama kami nina Marielle, Ate Selene, Kuya Styx, Ivan at Romer. Most of the time ay andito lang kami, kahit noong pumasok na sila ay andito lang din ako. Hindi kami mahilig umuwi nina Kuya at ni Ate, sina Marielle naman ay ganoon din kaya bakasyon man o hindi ay kami kami parin ang madalas na magkakasama. Halos buong buhay namin nina Kuya sa penthouse na ito na kami lumaki, mas sanay pa nga kami dito kaysa sa totoo naming bahay. "Ano ba?" Hiyaw niya sa akin paglabas niya ng kwarto niya, natawa lang ako saka ko napansin na nasa sala pala silang lahat? Tamang tama para naman marinig din nila kaagad ang maganda kong balita. "Kuya?" Tili ko ulit saka ko siya niyakap at napatalon-talon pa ako, hindi ko na talaga mapigilan. "Ano ba Nyx?" Hiyaw sa akin ni Kuya saka niya ako tinulak kaya napalayo ako sa kanya, tiningnan ko lang siya ng masama pero niyakap ko ulit ang braso niya. "Si Naya kasi Kuya, umuwi na si Naya and thats for real, mukang dito na din daw mananatili ang beshy cake ko for good, Isn't that a great news? Oh my gad, I need to see her now" Tili ko sabay ngiti sa kanya saka ako lumapit kila ate at saka ako yumakap kay Ate Selene, excited na talaga ako na makita at makausap siya ang tagal ko kaya siyang hinintay na umuwi. "Manahimik ka nga pagod yun okay? bukas ka na pumunta o sa susunod na araw, she needs rest and you are so annoying Nyx hindi ka nakakatuwang bisita, you might gonna be so much to handle for her" Napalingon ako sa sinabi ni Kuya saka ko siya pinaningkitan ng mata. "kunwari ka pa Kuya" Hiyaw ko sa kanya saka ko siya tinawanan, natawa lang din naman sa amin sina Ate Selene. Umiwas agad ng tingin si Kuya at hindi na nagsalita pero naupo siya kasama namin. Wait? May naisip ako, sigurado akong magugustuhan ni Kuya to. "Shut up muna kayo okay?" I said saka ako sumenyas sa mga kasama ko ng tahimik then I dialled her number at ni-loud speaker ko pa iyon para marinig din nila ang boses ni Naya. Ilang sandaling nag-ring ang phone ko bago niya sinagot ang tawag. "What?" Sagot ni Naya na nai-imagine ko ng malamang ay naka-poker face na naman. Napaka-warm talaga ng gaga na to, somebody please donate some sweet bones to her ngayon na agad. "Beshy cake? Napaka-warm mo naman, malamig ba dyan sa US? I miss you, uwi ka na please" Sagot ko kay Naya saka ko pinigil na matawa sa kalokohan ko. Pinanlakihan lang naman ako ni Kuya ng mata saka niya ako sinenyasan na patayin ang tawag pero hindi ko yun ginawa. "Come on Nyx, for all I know alam mo nang nakauwi na ako ikaw pa ba? Kayo lang naman ni Apollo ang partner sa tsismisan sa ating lahat" Sermon ni Naya sa akin na tinawanan ko lang. Well? Nyx pa ba? "Lakas ko sa insan mo eh, ganon talaga Naya" Natatawa kong sabi sa kanya. "I'm tired, bakit ka tumawag" Natahimik ako sandali dahil sa sinabi niya at napatingin ako kay Kuya, sinamaan lang naman ako lalo ng tingin ni Kuya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa para kay Naya sa mga oras na to, iba kasi yung tono niya sa I'm tired niya, it doesn't sounds tired on a flight, knowing her? A simple flight wont make her tired. Parang ibang bagay ang tinutukoy niya, parang mas malalim na usapin iyon na kaylangan niya ng mas matinding pahinga. "Should i h-hung up and let you rest?" Kinakabahan ko pang tanong sa kanya, mukang tama nga si kuya pagod siya. "Sabi ko yayain mo akong gumala para ma-relax ako, ilang buwan ako sa America pero hindi ko man lang na-enjoy ang buhay ko dun no, iba talaga pag paborito Nyx, pinaghihigpitan, ganon ba talaga pag magandang lahi? Itinatago? Wala man lang akong nahanap na boyfriend Nyx, nakakaloka" Natawa ako bigla ng pagkalakas-lakas sa sinabi ni Naya, si Kuya na kaninang nandidilim ang muka ay bigla ding natawa sabay ngisi. Baliw talaga ang Naya ko. Miss na miss ko na yung mga ganyang, hirit niya. "Mag-beach resort tayong dalawa, yung private ah? Mayaman ka naman libre mo ko ha, dali na? I need to relax, maghahanap ako ng boyfriend, ipag-ingay mo yan lalo na sa Kuya mo para naman malaman niyang napakaganda ang tinatawag niyang cheap bwisit siya" Sunod sunod niyang sabi na tinawanan ko lang lalo. "Wow? Ikaw lang ang nagpapa-libre na demanding" Natatawa kong sabi sa kanya. "Aba? Magpa-pasukan na naman, buti kayo may bakasyon ako kaya wala, ikaw kaya ang makulong maghapon" Napakunot ang noo saka ako napatingin sa mga kasama ko na malamang ay nagtataka din sa sinasabi nya. Hindi naman kasi ganoon ang sinasabi ni Apollo sa amin, puro magaganda ang sinasabi niya sa amin. "Bakit ba parang pagod na pagod ka eh pahinga nga ang dahilan kaya kayo nagpunta ng america, Yun ang Advice sayo ng doctor di ba?" Natahimik lang sa kabilang linya ng ilang sandali at maya maya ay narinig ko siyang bumuntunghininga. "Alam mo? Bahala ka matutulog na lang ako" Maya maya ay sabi nya kaya natawa na lang din ako. "Tsk? Sige na magimpake ka, aalis tayo mamaya susunduin na lang kita Madam para naman hindi ka na mahirapan" Biglang natawa ang nasa kabilang linya kaya natawa din ako. "Naks? Thanks Nyx, Wohooo Hello Summer!" Natawa ako kahit hindi angkop yung tono niya sa sinabi niya, mukang hindi naman talaga siya excited. She ended the call so I look at them para sana makapag impake na sila, pero ang mga walanghiya ay iniwan na akong magisa dito sa sala. "hoy? Mga walanghiya kayo hindi kayo kasama!" Hiyaw ko sa kanila na hindi makapaniwala, talagang nawala agad silang lahat ah, mga pisting yawa. Makapag-impake na nga lang at mai-text na yung iba. (Naya's POV) I just wear plain shirt and a tattered pants dahil tinatamad talaga akong magisip ngayon at kasali don ang pagpili ng kung anong susuutin ko kaya nauwi na lang ako sa ganitong damit. Kumuha na lang din ako ng ilang damit dahil ang usapan namin ni Nyx ay mga one week lang kami don. Tagal no? Depende pa naman yon sa mood naming dalawa, pero mas okay na yun kaysa naman wala akong libreng bakasyon. Kaylangan ko lang na gawin to para makapag-focus muli ako sa ilang mga bagay ukol sa issue na kinakaharap namin. I just needed to clear my mind para naman handa ako sa mga biglaang pangyayari. "Kyaah I'm here na!" Sinapok ko si agad si Apollo pagsigaw niya ng lapitan niya ako sa sala habang hinihintay ko si Nyx na dumating, ang sakit sa tenga, what the hell? "Bakla ka ba? Ang ingay ingay mo talaga!" Hiyaw ko sa kanya saka ko siya sinamaan ng tingin. "Aray naman beh!" Inambahan ko siya ng suntok dahil sa reklamo niya at napataas naman agad siya ng kamay kaya bumagsak agad ang dala dala niya saka ko lang napansin kung ano ang mga iyon. Napatigil ako at tiningnan siya ng masama, bakit kaya andito to? At may dalang maleta? Dito na ba siya titira? Imposible naman yata yun, alam naman ni Dad na ayaw ko sa kaingayan niyan. "Did Nyx tell you?" Tumango lang siya sa tanong ko at napa-face palm naman kaagad ako. "Sasama ka o uupakan ---- Napatigil ako sa pagbabanta kay Apollo ng may magsigawan din sa labas ng bahay namin. "Andito na kame!" Sunod sunod naman na pumasok sina Cielo, Helena, Fredrick, Simon at Frion na parang tuwang tuwa pa at todo pakita pa ng mga attire nila. Sinamaan ko agad sila ng tingin dahill ang iingay nila. Maya maya naman ay may bumusina na sa labas. Malamang si Nyx na yun at malamang ay marami din siyang alipores na kasama, hindi talaga maaasahan ang gaga na yun, ang sabi ko kami lang dahil gusto kong ma-relax. Hindi naman ako na-inform na stress naman pala ang balak ibigay na bakasyon ng gaga na si Nyx na sakin. Ibang klase talaga. "Aalis na ba kayo?" Maya maya ay tanong ni Manang sa amin. "Yes manang, nagpaalam na rin kami" Sagot agad ni Apollo sa mayordoma namin saka sila naunang lumabas ng bahay. Ito talagang si Apollo minsan hindi ko maintindihan kung kulang kulang ba o kulang lang sa pansin, ako ang tinatanong siya naman ang sumasagot. Tsk. Kinuha ko na lang din ang bag ko saka ako lumakad palabas kasunod nila, may nadatnan akong van at saka kotse paglabas ko ng bahay, napa-roll eyes na lang ako at napabuntunghininga dahil sa nakita ko paglabas ko, hindi nga ako nagkamali sa hula ko marami ngang alipores na dala si Nyx ngayon. Kumaway lang sa akin si Marielle at Ate Selene pati si ate Ezra dahil hindi na sila bumaba sa van, ngumiti lang naman si Ivan, Romer, at Styx sa akin habang sinalubong naman ako ni Nyx habang naglalakad. Si Eos naman na nasa kotse ay tahimik lang. "Ang usapan tayo lang hindi ba? Ano ka ba?" Singhal ko sa kanya ng pabulong saka ko siya pinanlakihan ng mata. "Eh kasi --- Pagpapalusot ni Nyx pero tinalikuran ko na agad siya at inihagis ko agad ang bag ko sa kotse ko nakabukas naman ang hood non. "Wow! May kotse ka na?" Sabay sabay nilang sabi pero hindi ko na sila pinansin. What the hell? I just want a quiet smooth ride papunta sa resort, kapag sumakay ako sa kanila papano ko pa ma-e-enjoy ang bakasyon na to? for sure tatanungin at kukulitin lang nila ako kaya ayaw kong sumakay don, ako na lang kaya ang magbakasyon ng magisa? "Frion? Drive my car!" Tawag ko kay Frion na agad namang napalingon sa akin. Bumaba agad ako sa drivers seat saka ako lumipat sa passengers seat at nag-seat belt, wala talaga ako sa mood na mag-drive. Napakunot ang noo ko ng paglingon ko ay hila hila ni Frion si Eos at pinaupo niya sa drivers seat ng kotse ko ang lalaking yun, saka siya pumasok sa kotse ni Eos. Agad namang nag-drive palayo si Styx sa amin. Si Romer naman na driver ng van ay kumaway lang din sa amin saka sila naunang umalis. I just roll my eyes and get in the car, bullshit. I just want peace and rest. Ang iingay kaya nila. “Just relax or sleep, hindi ako magiingay” Napatingin ako kay Eos ng sabihin niya yun sa akin, ngumiti pa siya saka siya nag-seat belt at nagsimulang mag-driver. Sa simula pa lang ng byahe namin ay tahimik naman kami ni Eos, I felt at ease realizing that its the peaceful and a quiet ride that I wanted. Mahabang byahe din ang tinahak namin bago kami makarating sa daan na medyo isolated na, nagsisimula ko ng maramdaman na lumalayo na kami sa syudad. I hurriedly turned on my speaker and set it on a full volume saka ko tinanggal ang seat belt ko at saka ko bahagyang ibinaba ang sandalan ng kinauupuan ko saka ako naupo doon. Then I hurriedly get my cam ng makuha ko na ang tamang taas na gusto ko saka ako kumuha ng litrato, maganda ang tanawin sa daang tinatahak namin, kahit papalubog na ang araw ay dumagdag pa nga ito ng ganda sa tanawin, at mas nakakadagdag pa ng magandang pakiramdam ang sariwa at malamig na hangin na dumadampi sa balat ko, totoong nakaka-relax. Kahit papano nawawala ang inis ko. "Naya? Take us a picture!" Napatingin ako kay Apollo ng ilabas niya ang ulo niya sa bintana ng van, nauuna kasi ang van na sinasakyan nila sa amin ni Eos. Baliw talaga ang mokong na to, kinuhanan ko na lang siya ng litrato para matahimik na siya at ginawa naman niya iyon. Mabilis kong tiningnan ang mga kuha ko kay Apollo at natawa na lang ako sa mga kalokohan niya, maya maya ay napalingon ako kay Eos dahil narinig ko na sinasabayan niya yung kanta. Its owl city's song, alligator sky. Napangiti na lang din ako and I take a picture of him, he then look at me marahil ay dahil sa tunog ng cam kaya natawa ako, lalo pa akong natawa ng tingnan ko ang litrato niya dahil ang epic ng muka niya doon. "Why?" Agad niyang tanong pero hindi na ako nakasagot dahil sa katatawa ko. "Baka mahulog ka!" Saway niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at tumawa lang ako ng tumawa, maya maya naman ay natawa na lang din siya. I just continued taking pictures habang nagmamasid sa paligid, ang tuod ko namang kasama ay enjoy na enjoy din sa pagda-drive at pagkanta niya. "Wohoo I love vacation!" Hiyaw ko and I heard Eos laugh at me so I hurriedly look at him. "Bakit?" Tanong ko agad sa kanya at natawa lang naman lalo siya dahil doon. "Muka ka kayang baliw, parang hindi ikaw yan" Hiyaw niya sa akin para magkarinigan kami na ikinagulat ko naman, natawa muli siya marahil sa reaksyon ko. "Ano? Ayos ka ah!" Natawa na naman siya dahil sa sinabi ko langya talaga ang isang to. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko na lang ang pagkuha ko ng litrato and I stop nung talagang madilim na pero nakatanaw parin ako sa kumukuti-kutitap na ilaw sa kabayanan na natatanaw mula rito, ang ganda talaga at nananatili ko paring hawak ang camera ko dahil kumukuha parin ako ng litrato paminsan-minsan. "How are you?" I look at Eos ng bigla niya akong tanungin kaya naupo na ako ng maayos at medyo hininaan ko na ang tugtog para magkarinigan kami. "Okay lang naman ako hindi naman ako pinabayaan nina Dad eh, kayo kamusta kayo?" Napangiti siya sa tanong ko saka siya natawa kaya napakunot na naman ang noo ko, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Kanina pa siya. "Hindi pa kami, nanliligaw pa rin ako sa kanya hanggang ngayon" Maya maya ay sabi niya na ikinaiwas ko agad ng tingin. nakakahiya talaga ang mokong na to. "Gunggong, tsk!" Hiyaw ko sa kanya at lalo naman siyang natawa sa reaksiyon ko sa sinabi niya, magkapatid talaga sila ni Nyx. "Okay naman kami, moving forward na gaya ng sabi ni Apollo, saka may hinihintay talaga akong --- Binatukan ko agad siya kaya hindi niya na naituloy ang sinasabi niya “aray! Bakit ba?" Angal niya sa akin at sinamaan ko lang naman siya ng tingin, puro talaga kalokohan ang isang to. "Kinakausap kita ng matino ah!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa niya lang, napaiwas muli ako ng tingin sa kanya. "Matino naman ang sagot ko hindi ba?" Hinampas ko agad siya, pero tumawa lang siya lalo. Tingnan mo siraulo talaga, hinampas ko na nga tumawa parin. Natawa na lang din ako sa mga kalokohan naming dalawa, kahit kasu papaano ay na-miss ko sila --- sila, hindi siya, sila. Tsk. "Naya?" I look at him matapos naming matahimik at parehong tumanaw sa tanawin sa unahan namin. "Na-miss kita!" Sinulyapan niya ako sandali bago siya bumalik ng tanaw sa unahan namin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at bumalik na lang din ng tingin sa unahin namin. Na-miss ko din ang mga baliw na to, na-miss din kita Eos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
46.9K
bc

NINONG

read
393.0K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
210.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Professor's Wife

read
461.6K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
59.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
551.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook