Killers 2

3702 Words
(Naya's POV) Napahawak ako sa noo ko at mariing pumikit bago ako magmulat ng mata dahil sa inis sa nambubulabog ng tulog ko, inaantok pa nga ako eh. Tsk. "andito na tayo" Agad kong nilingon yung tumatapik sa balikat ko, si Eos. Napalingon din ako agad sa paligid namin dahil napansin kong nakatigil na kami. Whoah. "tara na!" Dinig kong hiyaw ni Fredrick kaya bumaba na rin ako habang yung mga kaninang tahimik sa van ay biglang mga nabuhay at nagtakbuhan sa buhanginan. Nakaka-relax. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako, hindi ko narin alam kung kaylan pa kami nakarating pero mukang kararating lang din namin. Tumakbo na ang mga kasama namin sa may dagat at mabilis na nagsaya doon and I just get my cam and lean on the car then take a picture of them. "join them, ako na ang bahala sa gamit mo" Napalingon lang ako kay Eos dahil sa sinabi niya sa akin. "Ayoko" Tanging sagot ko lang sa kanya saka kami sabay na pumasok sa loob habang nasa labas parin sila. "mag-relax ka na sige na kami na ang bahala dito" Ngumiti lang ako kila Ate Selene at Ate Ezra habang inaayos nila ang mga dala namin, tinutulungan din sila nina Styx, Romer at Ivan, malinis na dito, siguro nag-bilin na sila sa caretaker ng isla na maglinis. Umikot na lang muna ako sa kabuuan ng tinuluyan naming lugar. Maganda ang tinuluyan naming bahay, sabi nila rest house daw nila Eos to na nakapangalan kay Nyx. Classy ang interior designs ng tinutuluyan namin at parang sinauna pero may touch narin ito ng modernity. Nananatili parin ang ganda ng bahay kahit na parang wala namang nakatira dito. Marami ding kwarto sa taas pagakyat ko doon kaya single room na ang kinuha ko, para wala akong kasama dahil gusto ko ng mas tahimik na paligid. Matapos kong ibaba ang gamit ko sa may kama ay lumabas agad ako sa veranda at tumanaw sa labas ng napili kong kwarto. Tinatanaw ko na lang sila mula dito, nakaka-relax talaga, nawawala kahit papaano ang pagod ko nung nasa America pa ako. Ilang sandali lang akong nanatili sa may veranda bago ako muling bumalik sa loob at saka ako kumuha ng short na pamalit, nagsuot na lang din ako ng jacket at kinuha kong muli ang camera ko saka ako bumaba at lumabas, nagyapak na lang din ako para feel na feel ko ang buhangin. Muka namang busy din sila at nasa labas pa yung iba kaya wala akong naabutan sa baba, dumire-diretso na lang din ako sa labas at dumiretso ako sa dagat, ang sarap sa pakiramdam kahit malamig. Napalingon akong bigla nung may nag-flash sa tabi ko habang nakatanaw ako sa malawak na dagat kaya napakunot agad ang noo ko. "stop that" Saway ko kay Frion at natawa lang naman siya sa akin, baliw talaga ang mga kasama ko dito. "wow! nice Naya! Dalaga ka na" Patutsada ni Simon na kalalapit lang din sa amin. "hanep pre si Naya ba yan? Himala si Naya nag-short!" Dagdag pa ni Fredrick kaya sinamaan ko lang sila ng tingin. Natawa lang naman si Apollo sa kanila. "waah! Naya? Maghulos dili ka" Hiyaw ni Apollo saka sila tumakbong apat. Tsk. Pakitaan ko ba naman sila ng knife eh, ewan ko na lang talaga kung hindi ka tumakbo. Nag-cross arm na lang ako saka napa-irap sa kawalan, almost perfect vacation na sana kung hindi lang kasama ng mga to. i mean okay lang na kasama sila kaya lang kasi most of the time hindi sila nakakatuwa, they dont know kung kelan nila dapat guluhin ang isang tao o hindi. yun ang pinakanakakainis, kahit pa namiss ko iyon, hindi ko yun gusto sa ngayon. "Naya come here?" Yaya sa akin nina Nyx na nasa may ilalim ng puno sa tapat ng bonfire. "Ayoko" Tanging sagot ko sa kanila at hindi ko na sila pinansin. Nagsasaya na sina Nyx, Cielo, Helena at Marielle habang nagaayos parin yung iba ng pagkain namin. ------------------------------- (Flashback) "Naya? Naya? insan? Gumising ka" Dinig kong hiyaw ni Apollo habang umiiyak siya. "Naya anak?" Naririnig ko din na humihiyaw si Daddy pero napakabigat ng katawan ko, hindi ko maimulat ang mga mata ko "insan? Pakiusap! Naya?" "Naya? Come on, wake up" Naririnig ko sila, pero hindi ko maramdaman ang katawan ko, hindi ko maimulat ang mga mata ko, I felt someone carry me pero hindi ko siya makilala, pagod na pagod na ako. "Naya? Naya?" Sinong umiiyak? Bakit sila umiiyak? "Naya? Pakiusap, wag kang ganito!" (End of Flashback) --------------- Nagising ako sa ibang lugar kasama ang ibang tao matapos ang mahabang panaginip na yun, sa america ako nagpagaling at naka-recover sa matinding pinsala na natamo ko sa mga nangyari, at simula ng magising ako I started investigating and working with Dad kasama ng buong team na binuo nila, sabi kasi ni Dad simula ng pumasok kami ni Apollo sa school they build a group, sikretong grupo sila that is called task force venom x. Ang mga mission nila ay may kinalaman sa DRU, sa Venom X at kila Victoria. Dahil din doon ay nakasama ko sina Nigel sa mga missions namin. Every interrogations noon kay Victoria, andon ako at nakikita ko ang hayop na yun, naririnig ko siya at nakakausap, maliban sa huling interrogation kung saan siya binawian ng buhay. Napayuko ako, saka ko pinunasan ang pisngi ko na nabasa na naman ng mga luha. Kapag naaalala ko yung mga nangyari sa america naiinis ako, kapag naaalala ko yun pakiramdam ko hindi ko nagawa ng mabuti ang trabaho ko. "Naya?" Pinunasan ko agad ng maayos ang muka ko saka ako humarap sa tumawag sa akin. Its Frion. "bakit?" Tanong ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin. "ah! kakain na daw, tara na?" Yaya niya sa akin kaya tumango ako. "susunod ako mauna ka na" Tumango lang si Frion sa sinabi ko saka siya umalis, and I just sigh so many times bago sumunod sa kanya sa loob. (Eos's POV) "Akala ko ba nagbakasyon si Naya, Apollo? Di ba nga kaylangan niya ng pahinga kaya nag-extend sila ng stay sa America noon" Nagtatakang tanong ni Nyx kay Apollo habang naghahanda kami ng kakainin naming lahat. "Ewan ko din Nyx, yun din ang alam ko kaya nga ayaw nila akong papuntahin don noon kasi kukulitin ko daw si Naya" Sagot ni Apollo na may kahalong reklamo, yun din ang dahilan kaya hindi namin siya napuntahahan ni nakakausap noon kahit sa tawag. "Nung kausap ko kasi siya parang pagod na pagod siya at gustong gusto niyang mapag-isa, yan kasi sumama pa kayo" Nyx said na may kasama pang sermon, maya maya ay natahimik sila sa mga kadaldalan nila ng dumating siya saktong sakto naman na nakahanda na ang mesa. "Insan oh! Kain na" Inabutan agad siya ni Apollo ng inihaw na kinuha naman niya agad saka siya naupo kaya naupo narin kami. "kainan na!" Hiyaw ni Fredrick saka kami nagsimulang kumain, maya maya naman ay bumalik na sila sa kadaldalan nila na akala mo walang nangyare. "nga pala kamusta ang mga bakasyon niyo?" Maya maya ay tanong ni Styx na ikinatawa lang nila. "sa amin okay lang, umuwi kami nila mom sa probinsya namin, dun kasi inilibing si kuya dinalaw namin siya" Nakangiting kwento ni Helena sa amin. "Ako naman sa bahay lang, nagkaroon ng mini reunion, saka kahit papaano naman naayos na yung gusot sa pamilya namin" Bakas sa maaliwalas na muka ni Cielo na masaya siya sa kwento niya kahit hindi siya nakangiti. "kami naman ayon masaya din, lagi kaming magkasama ni Simon kahit na nasa bahay kami" Kwento din ni Fredrick. "oo nga kung san san lang kami gumala ni Fredrick, minsan kasama namin si Frion, madalas dumadalaw kami sa mga kulugo o kaya kay Joshua" Dagdag na kwento ni Simon. "Sa akin naman may konting pagbabago, nabuo bigla yung broken kong pamilya kaya okay din siguro yun" Natawa sila sa kwento ni Frion, magisa na lang siya sa buhay dahil separated na ang parents niya sinusustentuhan na lang siya ng mga yon. "Ako naman ayos lang, nakakasama ko naman kayo di ba?" Natawa kami kay Apollo, madalas kaming magkakasama kahit saan dahil wala si Naya. "ikaw Naya? Kamusta ka don? Masaya ba don?" Napatunghay si Naya sa tanong ni Nyx sa kanya at napatigil siya sa pagkain. "okay lang, walang time mag-gala pero maraming time magpahinga" Kwento ni Naya na parang bored na bored siya. "ang layo naman ng sagot mo sa hitsura ng muka mo" Nyx said saka siya tumawa, natawa lang din ang mga kasama namin pero sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya. “Alangan namang tumawa ako eh wala namang nakakatawa sa paghiga maghapon sa hospital” Inis na sagot ni Naya saka niya ibinaba ni yung hawak niya saka siya umiwas ng tingin habang marahang ngumunguya. Pinanlakihan ko naman si Nyx ng mata na agad niyang ikinatigil, yan na nga ba ang sinasabi ko sa kanya. She cleared her throat saka siya mabilis na tumayo pero agad ko siyang pinigilan. "kami ang kausapin mo Naya, kami ang kaylangan mo ngayon, its okay, pakawalan mo kung anumang iniisip mo ngayon para gumaan ang pakiramdam mo." Napatigil siya sa paglakad palayo dahil sa sinabi ko at sa paghawak ko sa braso niya, agad naman siyang napatingin sa akin. "Wala to, okay lang ako, anyways hows the investigation? Yun ang gusto kong pagusapan" Nagkatinginan kami nila Apollo dahil sa tanong niya, alam niya na nagiimbestiga kami? "So tama ang hinala ko na hindi ka basta basta nagbakasyon sa America?" Natigilan siya sandali saka siya napatango, andon si Tito even Victoria, Posible talagang makisalo siya sa ginagawa nila tito, knowing her. "the recovery for me really takes time, pero the rest days ay tinutulungan ko na sila Dad sa investigations nila, then umuwi na kami kasi tapos na ang issue sa kanya, alam niyo naman na siguro na pinatay siya” Natahimik lalo kami lalo na ng matigilan siya at itinukod ang dalawang kamay sa magkabila niyang tenga na parang pinipigilan niya ang sarili niyang maging emosyonal sa ngayon. "nung maging okay ako saka lang sinimulan yung interrogation kasi ayaw niya noong magsalita, halos doon narin ako gumaling sa interrogation room kasi hindi siya magsasalita ng wala ako, ang weird niya no?” Mahina siyang natawa sa sinabi niya pero hindi ako natatawa doon, naaawa ako sa kanya kasi hanggang doon ay pinahirapan siya ni Victoria at wala kami doon. Hindi namin siya matulungan doon kasi malayo kami. “Marami naman kaming nakuhang impormasyon na nagpatotoo ng lahat ng tanong at hinala natin kahit na ganoon ang sitwasyon namin, nakakabadtrip lang, yung huling sandali niya wala ako doon, hindi ko na siya naabutang buhay, bago siya mamatay nagsalita siya kahit wala ako, nakakabadtrip di ba? Kung kaylang yung huling sasabihin niya ang gusto kong marinig saka naman ako wala don" Bakas na bakas ang inis sa kanya sa mga oras na to, talagang hanggang doon pinaglaruan siya ni Victoria. "who killed her?" I ask her na agad niya ikinatingin sa akin saka siya napabuntunghininga. "their boss" Simpleng sagot niya. "boss?" Takang tanong namin sa kanya. "yeah sa maniwala kayo at sa hindi may boss pa siya, may mga kasamahan pa siya, actually they are seven, pito sila sa mga kahayupan nila, Dad said maybe they are some organized group na ang layunin ay gumawa ng venom x, tinawag niya pa ang sarili niya na first, ibig sabihin siya ang una sa anim na galamay ng boss nila, just imagine how frustrated I was, just imagine how mad I am, what the fvck? This is stress overload" Reklamo niya na ikinagulat naman naming lahat. "y-you mean, sa pitong may pakana nito isa lang siyang nasukol natin at may anim pa?" Gulat na gulat na tanong ni Nyx sa kanya. "oo Nyx, at masyado silang organize, masaydo silang maingat, wala man lang kaming nakuhang impormasyon tungkol kay Second dun kay Victoria" Reklamo parin ni Naya. "mga hayop sila" Inis na hiyaw ni Fredrick. "malamang, alam na nung iba pa ang nangyari at mukang mas malaking g**o ang napasok natin" Styx said na ikinalingon ni Naya sa kanya. "tama ka Styx, pero kahit sino pa sila hindi ako matatakot, igaganti ko ang kambal, kahit hanggang saan makarating gaganti ako, pinatay nila ang kambal at ginawa nilang sangkap ng kahayupan nila, hinding hindi ko sila mapapatawad, gaganti ako kahit mamatay pa ako ng paulit-ulit” Tumayo na si Naya pagkasabi niya nun at umalis habang umiiyak siya, I hurriedly stop Apollo sa tangkang pagsunod sa kanya. “She’s frustrated, wag niyo na siyang inisin, ako na ang bahala sa kanya” Ako na ang agad na sumunod kay Naya at nakita ko naman agad siya dahil tumigil siya sa parteng mabato sa may dagat di kalayuan sa bahay. Dinig na dinig ko ang iyak niya kahit na malayo pa ako. "Naya?" She look at me ng tawagin ko siya kaya marahan ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap. "tahan na" Pagaalo ko sa kanya saka ko hinaplos ang buhok niya. "mga hayop sila Eos, mga hayop sila, papaano nila naatim ang ganong bagay, paano Eos" Hinayaan ko lang siyang umiyak at maglabas ng sama ng loob sa akin, tama pala talaga ang iniisip ko, hindi talaga siya totoong nagpahinga doon. "ang importante may alam na tayo about sa iba pa, okay? Ang isipin mo na lang si second naman ang kahaharapin natin ha? Makikita din natin si second?" Hinayaan ko na lang siyang umiyak sa akin para gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. Mukang alam ko na nga rin kung saan maaaring makita ang ikalawa nilang miyembro nila. Wag kang magalala Naya, tutulungan kita, ako na ang bahala mula dito. (Naya's POV) Natawa na lang ako sa tanawing nakita ko paglabas ko ng tinutuluyan namin ngayong umaga pagkagising ko. Whoah! Ang tatapang nila ah, nakakapaglaro na sila sa dagat at sa buhanginan ng ganito kaaga? Ang lamig lamig pa kaya. Napailing na lang ako at akmang babalik na sana sa loob ng mapatigil ako sa paglalakad at napaisip. Ano ba Naya? andito ka para makapag-unwind hindi ba? Hindi ka na nakakapag-isip ng matino kaya relax okay? kahit ngayon lang, don't missed this summer. What the hell? Bakit kinakausap ko ang sarili ko? Lumabas na lang ulit ako saka ko inilagay ang camera na dala ako sa triad saka ako kumuha ng litrato. Ako lang ba ang nilalamig? Is it the wind or the natural ocean breeze? Ang lamig eh. Bahala na nga, hindi din naman ako makakaligo mamaya kapag sobrang init na. Hindi kasi ako fan ng mainit na panahon, mas prefer ko ang malamig na klima. Kaya lang hindi ko alam kung bakit sobrang lamig ng dating ng hangin sa akin dito sa dagat na to, ewan. Iniwan ko na lang ang cam ko sa triad saka ako lumakad palapit sa kanila maglalakad lakad na lang muna ako sa dalampasigan hanggang masanay ako sa klima. "Naya?" Agad akong lumingon kay Simon ng tawagin niya ako pero agad din akong natumba sa tubig at lumubog pagtama ng bola sa muka ko, agad agad akong bumangon at napaubo dahil hindi ko inasahan yun. "Naya? Naya sorry" Napatayo agad ako sabay ubo saka ako lumayo sa tubig. "Ang lamig siraulo ba kayo? Ha?" Hiyaw ko sa kanila habang umuubo ako. "what the hell happened?" Hiyaw ni Eos habang nagmamadaling tumatakbo papunta sa amin, kaya agad kaming napalingon sa kanya, kasunod narin niya sina Ate Selene. "okay ka lang?" Tanong agad ni Eos sa akin saka niya ako dinaluhan. "ang alat bwisit!" Hiyaw ko at natawa lang naman sila sa akin, pinagtatawanan pa nila ako? Ayos talaga. "nilalamig ka eh naka-sweat shirt ka pa nga dyan" Tiningnan ko ng masama si Simon habang inaalalayan akong tumayo ni Eos. "hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang bumato ng bola sa akin Simon" Natahimik siya at agad na napakamot ng ulo, siya naman ngayon ang pinagtawanan ng mga kasama namin. "halika na" Yaya sa akin ni Eos saka niya ako hinila sa ilalim ng puno di kalayuan sa dalampasigan at saka niya ako pinaupo sa kahoy na nakatumba doon. "Akala ko naman kung ano ng nangyari" Eos said kaya napatingin lang ako sa kanya. “Binato ako ni Simon ng bola sa muka, hindi ba masamang pangyayari yun? Ang sakit kaya, akala ko pa naman kakampi kita” Reklamo ko sa kanya, natawa lang siya saka niya hinubad ang jacket niya at ibinalabal niya iyon sa akin. “Dyan ka lang, ikukuha kita ng kape at towel, hindi ka pa yata kumakain andyan ka na, gumagaya ka pa sa kanila e mga batang hamog yang mga yan” Natawa ako ng malakas sa sinabi niya tungkol sa mga yun at natawa lang din naman siya dahil doon. “Grabe ka” Tinapik niya lang ako saka siya akmang aalis na pero hindi ko hinayaan na umalis agad siya. "what the hell?" Natawa ako sa reaction ni Eos ng yakapin ko siya mula sa likod, sigurado akong naramdaman niya din ang lamig ng tubig dahil naka-tshirt na lang din siya ngayon. "Naya?" Hiyaw niya saka ako bumitaw at tumakbo palayo sa kanya habang tumatawa. "takbo!" Hiyaw ko sa mga nasa dalampasigan habang papalapit ako sa kanila at agad din naman silang nagtakbuhan habang hinahabol kami ni Eos, nagsaboy naman agad yung iba ng buhangin sa kanya na lalo niyang ikinahiyaw. Habang tawa lang kami ng tawa, sina Ate Selene nga doon ay tumatawa sa amin habang naghahanda ng agahan. "launch the missile!" Hiyaw ni Apollo saka niya binato si Eos ng binilog na buhangin na tumama eksakto sa muka niya. Nagtawanan na naman kami dahil doon. "girls? Its our turn!" Hiyaw ni Nyx at sinabuyan naman nila ng tubig si Eos gamit ang timba ng buhangin na gamit nila sa sand castle kanina, habang nagtatago lang ako sa likod nila. "protect the princess!" Hiyaw ni Nyx saka nila ako hinila ni Helene, habang nagsasaboy parin ng tubig si Cielo. "Wah takbo!" Hiyaw ni Cielo ng sugudin siya ni Eos. Nagulat naman ako at natawa na lang dahil iniwan bigla nila ako. "hoy bakit niyo ko iniwan?" Hiyaw ko sa kanila at natawa na lang kami dahil doon habang tumatakbo parin sila Nyx papalayo sa amin, hahabulin ko na sana sila pero napatigil ako ng bigla kong naramdaman na may pumulupot sa bewang ko at kinabig niya ako palapit sa kanya. "move or die" Bulong sa akin ni Eos saka siya mahinang tumawa habang nasa likuran ko siya natigilan naman ako dahil doon. “you are way prettier when you are blushing” Agad akong napalayo kay Eos ng bulungan niya muli ako saka ako umiwas ng tingin, nakakahiya. "kumain na nga tayo nangiinggit lang yung dalawa eh" Apollo said saka nila kami inin ni Eos dito. “Kakain na” Tawag ni Styx sa amin kaya nauna na akong lumakad kay Eos at lumapit sa kanila, narinig ko naman na natawa lang siya bago sumunod sa akin. “Andyan na kami!” Hiyaw nina Nyx habang tumatakbo sila palapit sa amin. “kumain ka ng marami” Ate Selene said to me kaya ngumiti lang ako. "ang sasarap!" Sabay sabay nilang hiyaw saka sila naupo sa kanya kanyang pwesto. Ang galing talaga ni Ate Selene at Ate Ezra na magluto, well sila talaga ang cook at nurse ng buhay namin. Pft.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD