(Naya's POV)
"Now lets call Eos, Nyx, Styx, Ivan, Romer and Marielle!"
Umakyat agad sila sa stage pagkasabi nun ni Ate Ezra, hindi naman na bumaba ng stage si Ate Selene.
"Hindi tayo magpapatalo sa mga yan, ate Ezra come on? Hit that song!"
Biglang tumugtog ang baby shark at nagsayaw sila pagkasabi nun ni Nyx, at tawa na lang kami ng tawa dahil para silang mga baliw s stage, they are too cute. Natawa na naman ako ng mapatingin ako kay Eos na chini-cheer ng mga dark reapers. Yung puso ko, halatang hiyang hiya siya pero ang gwapo niya parin. What the hell? Bakit ganito?
"Para sa kaalaman ni Naya, Eos did this, tumulong lang kami, kaya siya ang sisihin mo Naya, you know your family didn’t want this kasi alam nila na ayaw mo but all of this was Eos’s fault!"
Siya pala talaga ang may pakana nito? Nakakainis talaga sila, natawa na lang ako sa sinabi ni Ate Ezra.
"Naya? Gaya ng tattoo ni Ezra sayo, fly high aim high, okay? kaya natin tong lahat, you know I love you like how I love Nyx! Happy birthday!"
Ngumiti si Styx and I just smile wider, I knew, I knew that he did. Ipinasa ni Styx ang mike kay Romer na katabi niya na tinawanan ko lang din dahil nakikita kong nahihiya siya.
"Naya? Alam mo nung una duda talaga kami sayo pero alam mo mali pala kami, Salamat kasi kahit na pinagdudahan ka namin you never think bad to us, Happy birthday!"
Napapakamot na lang ng ulo si Romer sa sinabi niya at natawa lang naman ako dahil doon.
"Naya? alam ko g*go ako, pinagdudahan ka namin ng sobra sobra noon, pero Naya pinatunayan mo sa amin na mali ang iniisip namin sayo kahit hindi mo namamalayan na ginagawa mo na yun, yung pagtulong mo sa akin sa mga infected at sa spinning wheel, Naya? hinding hindi ko yun malilimutan kaya salamat at happy birthday!"
Mahabang message ni Ivan saka niya ako nginitian and I did the same.
"Ako na no? Ha?”
Natawa kami sa pagtataray ni Ate Selene sa kanila, si Ate talaga.
“Hey cutie? I love you, salamat din! Sorry sa pagsisinungaling ko, ayaw ko talagang gawin yun napilitan lang ako, don’t make me cry ever again okay? Happy birthday!"
Natawa ako sa sinabi niya lalo na ng samaan niya ng tingin si Nyx saka siya ngumiti sa akin.
"Ako na ate Selene no?”
Sabad ni Nyx na tinawanan na naman namin.
“Hey Naya? You know what I just wanna say thank you, thank you, thank you and happy birthday! Alam mo na yun kung bakit, sa maraming dahilan na yun thank you"
Nagtawanan sila pero nagngitian lang kami ni Nyx saka ko siya kinindatan. Napatingin ako sa katabi ni Nyx na Si Eos ng ipasa niya ang mike dito. Panay kalokohan na naman ang sasabihin niyang for sure.
"Naya?"
Tawag niya sa akin na parang kinakabahan pa kaya natawa ako.
"Eos?"
Seryoso kong tawag sa kanya na ikinalukot ng muka niya at ikinatawa ng mga kasamahan namin.
"Tsk!"
Nag-poker face siya sabay kamot ulo at natawa lang naman ako dahil doon.
"Naya? Happy birthday! salamat sa pagdating sa buhay naming lahat, Salamat dahil sa pagdating mo ay kasama ang napakaraming sagot sa lahat ng tanong namin mula noon hanggang ngayon, Salamat sa lahat lahat! Nung nagalit ka kanina kasi na-surprise ka im not hurt at all Naya, okay lang yun sa akin kasi alam ko naman na ayaw mo talaga ng ganito but I insist, I insist kasi ganito ka ka-importante sa akin at alam ko na ganon din ang nararamdaman nila, I insist because I wanted to celebrate this day, the day you were born for us Naya, I don’t even care kung hindi ka pumunta because I knew you, you wont lie and pretend para lang wag masaktan ang iba and thats what I love the most about you, and I just wanna let you know na Mahal na mahal kita! Alam mo naman na yun hindi ko na uulitin"
Pakiramdam ko ay na-estatwa na lang ako sa kinauupuan ko sa kahihiyan dahil sa sinabi niya, what the hell? Did he just announce that sa lahat? Biglang nagtalunan yung mga kasama namin dahil sa sinabi niya at ang mga kasama niya sa stage ay pinagsasapok siya, yung mga nasa baba naman ay nagkakagulo na sa panunukso sa amin. What the hell? Nakakahiya talaga, trip na trip niya ang ganyang confession.
Nilibot ko na lang muli ang lahat ng tables to make sure na okay lahat sila, nasa garden ang lahat ng mga kaibigan namin at nasa loob ang ibang bisita kasi madami. May mga kaibigan din kasi sila dad at Mom na dumating pati sina Mamu at Papu even Apollo’s brothers, pati mga kaybigan ni Dada dumating din kaya ang sinakop narin ng party na to ang party hall ng hotel.
"Happy birthday!"
Napalingon agad ako sa nagsalita at nanlaki agad ang mata ko, its Cyan and Blue.
"Bakit ngayon lang kayo?"
Nagkatinginan sila sabay kamot ulo pareho ng mameywang ako sa harapan nila, natawa na lang din ako para talaga silang kambal.
"Hindi kami invited, pumuslit lang kami para magbigay ng regalo at batiin ka"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nila.
"Who say's that? Dun na tayo sa garden andon sila"
Hinila ko na yung dalawa papunta sa garden at sakto naman na nakasalubong namin si Dad and Mom.
"Mom? Dad?"
Tawag ko sa kanila at nilingon naman agad nila kami kahit busy sila sa mga bisita. Nagpaalam muna sila sandali sa mga kausap nila bago lumapit sa amin.
"I want you to meet Cyan and Blue! Sila ang may malaking itinulong sa amin sa lahat"
Napatingin sa akin ang dalawa ng sabihin ko iyon and Mom and dad look at them also, tapos niyakap sila ni Mom at tinapik naman ni Dad ang mga balikat nila, hinayaan ko silang magusap sandali pero maya maya lang din ay nagpasalamat na sila Mom and Dad saka sila nagpaalam para makakain na ang dalawa kaya sinamahan ko na muli sila na pumunta sa garden.
“Cyan? Blue bakit ngayon lang kayo? Malapit ng matapos ang kasiyahan ah, hindi namin kayo ma-contact, bakit ganon?”
Salubong sa amin ni Apollo kaya tiningnan ko lang sila na agad nilang ikinatawa.
“Dont tell me ayaw niyo lang talagang pumunta?”
Pinaningkitan ko sila ng mata at natawa lang naman sila.
“Apollo? Hanapan mo sila ng upuan saka pakainin mo sila wag kang pumayag kapag hindi kumain, may susunduin lang ako”
Natawa lang sila sa akin kaya natawa na lang din ako saka ko sila tinapik sa mga balikat nila at nagpaalam para sunduin yung mga huling dumating.
"Ano? Wala talaga kayong balak? Matatapos na ang party ko ah"
Sermon ko sa kanila habang naka-cross arms ang kamay ko habang nakasandal ako sa may pinto sa entrance ng party hall. Natawa lang naman agad sila sa akin.
"Naya? Ang ganda mo ngayon! Nice"
Bati sa akin ni Cholo na ngayon ay ang kanang kamay na ni Helios.
"Bwisit ka Cholo ah! Ngayon mo lang ba nalaman nyan? Matagal na akong maganda ah, ngayon ka lang ba na-inform?"
Nagtawanan lang naman sila bago kami nagsimulang maglakad, iniwan na muna namin ang regalo nila sa akin sa table saka ko sila dinala sa garden sa mesang idinagdag doon at kalapit nila ang buong hellem g**g.
"Oh? Sila Helios oh! Bakit ngayon lang kayo? Para kayong si Cyan at Blue"
Natawa lang ako sa kanila.
"Apollo!"
Bati ni Helios kay Apollo at binati na ng buong viper ang buong hellem at ganon din ang hellem sa kanila.
"Bakit nga ngayon lang kayo?"
Tanong ni Apollo sa kanila.
"Natakot lang si Helios kay Naya, Apollo!"
Siniko ni Helios si Cholo dahil sa sinabi nito na tinawanan lang naman namin.
"Maupo na kayo dyan, sige na!"
Nagsi-upo na sila at nagsimula naring magkainan.
"Insan? Relax ka lang ano ka ba? ako ng bahala dyan kila Helios!"
Apollo said na tinawanan ko lang din.
“Nasan sina Cyan?”
Tanong ko kay Apollo.
“sinama sila ni Tita”
Tumango na lang ako kay Apollo.
"Sige papasok lang ako ulit sa loob, ang daming naghahanap ng kagandahan ko doon, kaylangan nila akong masilayan"
Natawa lang sila sa akin kaya Iniwan ko na sila at pumasok muli ako sa loob para balikan sila cyan. Pagbalik ko nagku-kwentuhan na sila nila mom.
"Tapos na kayo?"
Tanong ko sa dalawa ng makita ko sila na kasama ni Mom sa isang table sa party hall.
"Yeah!"
Sabay nilang sagot sa akin.
"Mom? Isasama ko sila sa labas, okay lang ba?"
Tanong ko kay mom at agad naman siyang ngumiti.
“sure honey, enjoy baby!”
Tumango na lang ako sa kanya kaya lumabas na kami, pagdating namin doon sa garden ay dikit dikit na ang mga upuan nila at nagkakasiyahan na sila habang nagiinuman.
"Di yata tayo belong? Gumawa na lang tayo ng sarili nating table"
Natawa lang yung dalawa sa akin saka kami naupo sa table na di kalayuan sa mga yun.
"Ano bang nakakatawa? Kayo talagang dalawa"
Natawa lang ulit sila kaya natawa na lang din ako. Napalingon ako sa patay na karaoken na malapit sa amin kaya binuksan ko yun at nagpakuha ako ng maraming beer para inumin namin, nakatingin lang naman sila sa akin na parang gulat na gulat pa, nagsalang ako ng kanta saka ngumiti sa kanila.
“wala kasi kayo kanina, hindi niyo nakita ang concert ko”
Nagtawanan kaming tatlo ng sabihin ko iyon. Tumayo ako saka ako humarap sa kanilang lahat.
“yung mga hellem dyan tumalikod kayo nakita niyo na ang free concert ng pinaka-magandang dyosa ng taon kanina, para na lang sa mga bagong dating to”
Nagtawanan sila sa sinabi ko kaya natawa lang din ako.
"You know losing the twins and lola gave me another reason not to celebrate anything that I usually celebrate with them, pero you change it guys! Thank you for this day! I love you all!"
Itinago ko ang mga luha ko sa mga ngiti ko at nakatingin lang naman silang lahat sa akin.
“At dahil dyan kakantahan tayo ni Cyan”
Iniabot ko kay Cyan yung mike na agad na ikinatawa ng lahat, napakamot siya ng ulo pero kumanta naman siya lalo lang tuloy akong natawa saka ako naupo para makinig na lang sa kaniya.
"Woooooh Party!"
Hiyaw nila saka kami sinugod sa pwesto namin, kanya kanyang inom at kantahan ang mga kasama ko pero hindi ako sumasali sa kanila, hahawak pa lang kasi ako ng alak kinukuha na Eos, eh ayoko namang kumanta. Pero kahit na ganoon nakakatuwa parin, at least I knew how happy it is ng hindi ako lasing. Pakiramdam ko nga yung mga nawala sa amin, pakiramdam ko bumalik lahat yun ng doble pa.
"Kumanta ka na lang Eos wag mo ng tingnan si Naya!"
Napalingon ako sa mga kumakanta at napatigil ako sa pagmumuni-muni ang lakas ng boses ni Apollo. Teka, kumakanta si Eos?
"Mahal kitang labis, susubukan ko kahit wala kong palasyo na abot hanggang langit! At sa bawat na ayoy magkasama hangad ko ay ligaya! Oh aking Naya!"
Kanta ni Eos na tinawanan lang naming lahat. Habang chinicheer siya ng iba naming kasamahan.
"Kapal mo talaga Eos!"
Hiyaw ni Apollo sa kanya. Natawa na lang ako sa kanila saka ko sila hinayaan sa mga kalokohan nila, lumipat na lang din ako ng mesa naupo ako kasama sina Ate Selene at all girls kami dito.
"Ang cool!"
Hiyaw ni Nxy habang nakatingin sa mga yun na nagkakasiyahan.
"Oo Nyx, alam namin na enjoy na enjoy ka sa party ni Naya okay? Party mo ba to"
Nagtawanan kami sa bangayan nina Cielo at Nyx at natawa lang din naman sila sa mga kabaliwan nila.
"Hoy? Pakanta naman kami!"
Hiyaw ni Helena sa kanila, nagkatinginan kami dahil sa kanya lasing na ba siya?
"Kanta tayo!"
Helena said saka siya nagtangkang tumayo pero hinila siya pabalik ni Cielo.
"Naku! Maupo ka na lang, lasing ka na!"
Pigil sa kanya ni Cielo.
"Ayoko! Kakanta ako! Gusto kong kantahin yung paboritong kanta ng kapatid ko, kung andito sila mas masaya siguro"
Napatitig lang ako sa kanya ng sabihin niya iyon, napatingin lang naman sa akin ang mga katabi ko.
"Naku naman Helena!"
Sermon sa kanya ni Cielo pero niyakap ko lang siya, pareho kami ng iniisip sa mga oras na to, parehong pareho kami. Hindi ko narin napigilan ang maiyak, mas masaya sana talaga kung andito sila.
Natawa na lang ako ng yakapin din kami ng iba pang mga girls at maya maya ay tinawanan lang namin ang isat isa.
“Kami naman, shupi na kayo dyan”
Pang aabala ni Ate Selene sa mga kalalakihan dun na hindi na naka-angal kaya natawa na lang din kami at maya maya lang ay kaming girls naman ang reyna ng karaoke.
"Kumanta ka lang para sa akin Naya, promise mananahimik na ako!"
Nabubulol na ang dilang sabi ni Helena sa akin.
"Manahimik ka na Helena! Lasing ka na kaya"
Sermon ko sa kanya.
"Sige na, kumanta ka na!"
Tumayo ako at nagsalang ng kanta na gusto niya matahimik lang siya, nginitian niya naman kaagad ako ng gawin ko yun.
“guys? Wag kayong makinig para lang kay Helena to”
Natawa sila sa sinabi ko pero ang totoo ay nahihiya naman talaga ako.
~ Meron pa bang isa pang ikaw, Sa'n hahanapin, sabihin sa akin, kung meron pa bang isa pang ikaw, ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso, meron kaya, meron pa bang tulad mo ~
Tumayo si Helena sabay palakpak sa akin kaya natawa na lang din ako. Nami-miss niya siguro yung kapatid niya.
"Alam mo Helena, birthday ko to eh, ikaw dapat ang kumakanta para sa akin"
Natawa lang siya sa akin.
"Sorry na Naya!"
Inakbayan ko na lang siya saka ako kumanta, kumakanta ako ayon sa request niya hanggang sa makatulog na siya, nakakapangal man pero okay lang, napapasaya ko naman siya.
(Apollo's POV)
Naguwian na sila Helios at ang grupo niya, even Cyan and Blue pati narin sila Nigel, yung ibang bisita naman ay kanina pa umuwi, yung ibang Hellem ay umuwi narin kanina pa at kami na lang nina Eos, Nyx, Styx, Ate Selene, Ate Ezra, Romer, Ivan, Marielle, Joshua, Fredrick, Frion, Simon, Helena at Cielo ang naiiwan dito.
Si Naya busy daw sa loob, ewan namin kung anong ginagawa. Baka tinitingnan niya si Helena sa unit nito, kumuha kasi ng ilang unit dito sa hotel sina Eos para sa amin, para hindi na kami umuwi pa sa bahay. Sila tita natulog na daw, pati sina kuya at sila mom, kami na lang talaga ang gising.
"Alam niyo ba?"
Maya maya ay sabi ko sa kanila na ikinatigil ng kwentuhan at tawanan nila.
"Ano na naman yun Apollo?"
Tanong sa akin ni Nyx, lasing na talaga ang mga kasama ko.
"Alam niyo ba na may multo daw dito sa garden na to?"
Bulong ko sa kanila na parang ikinagulat naman agad nila.
"Ano?"
Reak nilang lahat kaya nanlaki ang mata ko dahil doon, takot lahat sila sa multo? Teka, ako din pala, sabi kasi ni Naya may multo dito.
"Waaah!"
Sabay sabay naming sigaw saka kami nagtakbuhan ng may tumalon sa gitna ng mesa namin, mom? What the hell?
"Waaah!"
"Tol tulong?"
Hiyaw nila saka kami nagtakbuhan, tumakbo na lang din ako saka ako pumasom sa unit namin nina Kuya, langya bahala na nga sila matutulog na ako.
(Naya's POV)
Naupo na lang ako sa mesa habang tawa ng tawa dahil sa kanila, para silang mga baliw na naghihiyawan at nagsisigawan na para talagang may multo dito, ang galing ko talaga, akalain mo yun? Takot pala talaga sila sa multo?
Kung magtakbuhan sila akala mo talaga katapusan na ng mundo, hindi ko malaman kung takot ba talaga sila sa multo o lasing lang talaga. Napalingon ako sa direksyon kung saan ko nararamdaman ang presensya ng isang tao at napatigil sa pagtawa.
"Tuwang tuwa ka ah!"
Napakunot ang noo ko ng lumabas ang nagsalita sa madilim na parte ng garden, Si Eos? akala ko tumakbo din siya? Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa, saka siya naupo sa tabi ko dito sa mesa.
“Sinong hindi matatawa eh ang lalaking duwag ng mga yun”
Natawa lang din siya sa sinabi ko saka kami natahimik maya maya.
"Naya?"
Napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako.
"Ano?"
Sagot ko sa kanya na ikinangiti agad niya, bakit ba ako kinakabahan? Pakiramdam ko wala na akong marinig kundi ang kabog ng dibdib ko.
"Naririnig mo?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"A-alin?"
Kinakabahan kong tanong, is it possible? naririnig niya kaya ang kabog ng dibdib ko? Nakakahiya!
"Yung kabog ng dibdib ko malakas!"
Napa tingin lang ako sa kanya ng sabihin niya yun and he smile kahit hindi siya nakatingin sa akin, nakatingla siya sa langit kaya napatingin din ako doon.
"Mawawala ako ng ilang araw, alam kong hindi mo naman ako hahanapin pero, in case na hanapin mo ako, ang isipin mo na lang nasa business meeting ako ha?"
San siya pupunta? Bakit siya aalis? Babalik ba siya? Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni, its unusual.
"I’ll be with Nyx, Styx and Ate Selene, babalik siguro kami before school opening!"
Dagdag pa niya, malayp ba ang pupuntahan nila?
"San kayo pupunta?"
He look at me sabay ngisi kaya lalong napakunot ang noo ko, abnormal talaga ang lalaking to, dapat hindi na lang ako nagtanong.
"Sa future in laws mo"
Sagot niya sa akin na pakiramdam ko ay agad na ikinapula ng muka ko sa hiya, siniko ko siya saka ako umiwas tingin, pero hindi ko mapigilang mapangiti, see? abnormal talaga siya, nakalimutan ko na hindi nga pala sila sa parents nila nakatira. I heard him chuckle kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Kinilig ka naman"
Natatawa niyang sabi kaya napaiwas muli ako ng tingin.
"Hindi ah!"
Kinakabahan kong sagot, nakakahiya talaga.
"We?"
I glared at him and he just smile at me, saka niya ako niyakap.
"Mami-miss kita!"
Natigilan ako sa ginawa niya pero hinayaan ko lang siya na yakapin ako.
"Hindi ka naman magtatagal ah!"
Sagot ko sa kanya na nagtataka, magtatagal ba sila? Ang weird niya talaga, ano bang klaseng pamilya ang meron siya?
"Kahit na, nakaka-miss ka parin, alam kong hindi mo papansinin ang tawag at text ko at alam ko na hindi mo ako mami-miss pero ako minu-minuto kitang nami-miss kapag wala ka sa malapit, o kapag hindi kita nakikita o naririnig"
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, Oo nga, hindi ko din alam kung bakit ba nakasanayan ko ng i-ignore ang tawag niya at matawa o ngumiti sa mga text niya kahit hindi naman ako nagre-reply, feeling ko ang weird din pero okay lang sa akin yun.
"Binabasa ko naman ang mga text mo hayaan mo na"
Sagot ko sa kanya saka ako natawa kaya natawa din siya.
"Mas okay na yun sa akin kaysa hindi mo binasa"
Sagot niya sa akin, natawa na lang din ako saka ko siya marahang itinulak pero hindi niya ako binitawan.
"Bitawan mo na ko chansing ka talaga!"
Singhal ko sa kanya pero lalo lang niya akong niyakap.
"Ayoko nga!"
Reklamo niya sa akin.
"Bitaw o suntok!"
Singhal ko sa kanya saka ako tumingin sa paligid baka may makakita sa amin nakakahiya.
"Bitaw!"
Singhal kong muli sa kanya na agad naman niyang ginawa, bumitaw na siya sa yakap sa akin saka siya tumawa.
"Salamat sa lahat lahat ng to Eos!"
Napatigil siya sa sinabi ko saka siya ngumiti sa akin, salamat sayo Eos! hindi ko to makakalimutan.