(Nyx's POV) "what if sumama silang lahat?" Kinakabahan kong tanong kay Naya. "Then?" Nagtatakang tanong sa akin ni Naya. "Anong then? Hindi ka na galit?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Galit ako" Simple niyang sagot sa akin. "Oh? Bakit ngayon okay lang sayo na sumama sila?" She look at me matapos kong itanong iyon, papasikat pa lang ang araw pero andito na kami sa labas at magkausap. Wincess and Apollo are busy on the bonfire, kami naman ay malapit sa dagat at nakaupo sa buhanginan. "Ilang linggo ko ding sinubukang intindihin ang mga bagay bagay kung bakit ganon, ngayon gusto ko naman silang pakinggan, kahit yung sasabihin lang ni Joshua para maintindihan ko ng lubos kung bakit ganon, kung bakit nila nagawa yon" Seryosong seryosong sabi ni Naya sa akin. “Minsan n

