(Naya's POV) Ikinunot ko lang ang noo ko pagdating ng mga batang yun sa cafeteria na agad naman nilang nahalata marahil dahil kitang kita ko ang kaba nila. Pinakain muna sila ni Helena bago kami magsimula kaya agad naman silang kumain. "gusto kong i-recruit kayo kaya nag-paalam ako kay Naya, pero hindi ko alam kung papayag siya, saka may isa pa akong pabor na hihingin sa inyo" Nasamid silang lahat saka sabay sabay na tumingin sa amin. "ano ba naman kayo" Sermon sa kanila ni Helena, mga bata pa talaga sila. Kawawa lang sila sa DRU kapag nagkataon. "A-ano po yun ate Helena?" Tanong nung isang batang babae na may salamin. "I want you to chose kung sino sa inyo ang pwedeng G11 representative, isasama namin yun sa entry namin para sa election, we need two, kayo lang ang kilala namin

