(Naya's POV) Ipinaliwanag namin ang lahat kay Wincess at sinabi namin ang lahat sa kanya maliban sa isa at yun ay ang pagiging antidote carrier namin. Hindi namin yon pwedeng basta basta sabihin sa ibang tao, hindi pa ngayon. At Hanggang ngayon nagtataka parin ako sa kung anong meron sila ni Cyan dahil hindi ako naniniwalang basta na lang sila magkatrabaho, may something kasi sa kanila nararamdaman ko iyon. "Kung hindi ang tatay mo ang nagpadala ng sulat na yon ang sasabihin doon ay iba, something like kung gusto mong makita ang tatay mo hanapin mo ako, mga ganong bagay, at naniniwala akong tatay mo nga ang nagpadala niyan dahil marahil nung mga panahong nag-iimbestiga siya malamang ay sa DRU siya dinala ng mga paa niya, at doon niya marahil nalaman ang pangalan ni Naya, dun ang lung

