(Naya's POV) Binilinan ko na sila Dad sa mga possibilities pero hindi ko muna sinabi sa kanila ang napagusapan namin ni Frion, nag-paalam narin ako ng maayos sa kanila dahil hindi na naman kami makakalabas ng madalas. "Mag-iingat kayo ha?" Tumango lang ako kay mom sa sinabi niya, inihatid pa kasi nila kami sa labas ng bahay. "Naya? Apollo? Tara na!" Napalingon kami sa nasa labas ng gate at kumakaway, sila Frion at kasama sina Fredrick. Napakunot ang noo ko saka ako napatingin kay Apollo. "Sasama narin pala sila?" Nagkibit balikat lang si Apollo. "Tara na!" Muling yaya ni Fredrick sa amin. "Ingat kayo ha?" Muling pagpapaalala ni Mom sa amin. “mag-iingat din kayo Mom” Bilin ko at tumango lang naman sila sa akin, yumakap at humalik na kami sa kanila bago kami tuluyang umalis ni A

