CHAPTER 1
Series 1
=Samantha Perez
Parang may biglang naghulugan na mga magagandang bulaklak sa paligid nang makita ni Samantha si Yohann na papalabas sa bahay ng mga ito.
"Hi mahal kong Yohann! Good Morning!" Nakangiting bati ni Samantha kay Yohann De Silva, ang kanyang childhood crush/kapitbahay.
Saglit na tinignan lang siya nito at umalis na.
Wala sa sariling napanguso siya. Haay, deadma na naman ang beauty niya.
Pogi parin talaga ang mahal niyang Yohann kahit nakasimangot. Paano pa kaya kapag ngumiti na? Tiyak, kailangan niyang magdoble ng panty para kung malaglag man ang isa, may extra pa siya.
Wala sa sariling napangisi siya sa naisip. Umandar na naman ang kalokohan niya.
"Teka lang naman mahal kong Yohann!" Dali dali siyang tumakbo papunta sa harap ni Yohann, iniharang niya ang kanyang katawan sa pagbukas sana nito ng pinto ng driver seat ng sasakyan. "Isabay mo na ako, flat kasi yung gulong ng kotse ko." Nakangiting pagsisinungaling niya. Napanguso lang siya ng sumimangot ito lalo.
Magkasalubong na magkasalubong ang dalawang kilay nito, at kung naging thumbilina siya, tiyak na baka maiipit siya sa dalawang kilay nito. Mukhang may dalaw na naman ang mahal niyang Yohann.
Napaatras siya ng lumapit bahagya si Yohann at naiinis na nakapamaywang na nagsalita ito.
"Pwede bang tigil tigilan mo ako Samantha? Alam kong hindi flat yung kotse mo. Alam na alam ko na yang mga style mo kaya pwede ba? Umalis ka diyan at baka malate pa ako sa klase natin dahil sayo."
"Good morning." Malambing na bati niya ulit dito. Ibinigay niya rito ang pinakamatamis na ngiti niya at hindi pinansin ang pagsusungit nito.
"Anong maganda sa umaga kung mukha mo ang una kong makikita? Nakaharang ka pa sa harap ko."
"Gaganda ang umaga mo kasi ako ang kaharap mo."
Hindi na ito umimik pa at nakapamaywang na sinimangutan lang siya.
"Halika ka na. Alis na tayo." Aya niya rito.
"You have your own car so use it. Huwag mo akong gawing driver mo."
"Ang sungit mo talaga sakin mahal ko, kaya love na love kita eh. Sige na naman please? Pasabay?" Nagpacute pa siya rito pero tinaasan lang siya ng kilay. Haaaay, pakipot talaga.
"Isa..."
She smirked. "Dalawa...?"
"Samantha!" Inis na hinilot ni Yohann ang sintido nito habang naiinis na nakatingin sa kanya. Parang gusto siya nitong tirisin sa pangungulit niya rito. "Hindi ka talaga titigil?! Napakakulit mong babae ka! Ayokong malate sa klase!"
Ngumuso ulit siya. "Pasakay lang naman sa sasakyan mo." Pangungulit niya pa. "Huwag ka naman madamot sakin. Kung gusto mo magbabayad ako sayo ng pamasahe, maisakay mo lang ako."
"Ano? Ano ako, jeepney driver? Tricycle driver?"
"Hindi ah." Ngumiti siya ng matamis rito at pinakutitap ang mata. "Pwede namang lover mo nalang. Ayaw mo pa kasing magmahalan tayo eh para may peace of mind ka na."
Napahilamos naman ito sa mukha. Naniningkit na lalo ang singkit nitong mata.
"Ang gwapo mo talaga mahal kong Yohann. Gwapo na nga, cute pa." Pambobola niya pa.
Sige lang Sam, bolahin mo pa...
"Alis Samantha. Ayokong malate."
"Pasakay lang eh! Ang damot mo!"
"A-yo-ko."
Bigla siyang napangisi. "E kung sayo nalang ako sumakay?" Pilyang sabi niya. "Hindi naman ako mabigat eh.
Ewan niya ba't biglang namula ang pisngi nito. "Alis!" Sigaw nito pero hindi nakatingin sa kanya.
"Ang sungit naman ng mahal ko." Nakasimangot na umalis nalang siya para makasakay na ito sa kotse nito. Next nalang niya ulit ito kukulitin, dahil baka mabigwasan siya nito ng wala sa oras sa pangungulit niya.
Mabilis namang sumakay si Yohann sa sasakyan nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin at agad na pinaharurot ang sasakyan nito.
Napailing nalang siya at bumagsak ang balikat niya dahil sa ginawa nito. Hindi talaga ito tinatablan ng beauty niya.
Nakasimangot paring kinuha nalang niya ang compact mirror sa kanyang bag to check her face.
Napapaisip tuloy siya kung ano ang hindi magustuhan ni Yohann sakanya.
Maganda naman siya ah?
Sa ganda, puti at kinis niya ay maihahalintulad siya sa mga artista. Maganda at bagsak na bagsak rin ang buhok niya na kulay dark brown.
May kumukuha pa nga dati sa kanya para mag artista pero wala siyang hilig doon at hindi niya makita ang sarili na nag aartista, kundi ang makita ang sariling may bitbit na sanggol habang magkahawak kamay sila ni Yohann na naglalakad sa park.
Umiling nalang siya sa napuntahan ng utak niya.
at isa pa, priority niya ang pag aaral-
"Ano pang tinutunganga mo diyan?"
"Ang lalim ng iniisip mo ah!"
Napabaling siya sa dalawang nagsalita. Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala niya si Sophia, sa likod nito ay si Crista, sa sobrang lalim ng iniisip niya.
Dalawa sa mga ito sa apat niyang kaibigan.
Si Sophia na unang nagsalita ay nakabigbike, nililipad lipad pa ang mahabang buhok nito.
Sa kanilang limang magkakaibigan ay dito siya gandang ganda dahil para itong human doll.
Samantalang si Crista naman ay nakasakay sa pink mini cooper nito, kulay pink din ang mahabang buhok nito na bumagay naman dahil sa kaputian nito. Half Korean ito kaya ito ang pinakamaputi sa kanilang lahat.
Hindi rin halata kay Crista na mahilig ito sa pink. Hindi talaga. Promise.
"Si Yohann ka-" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bumwelong pinaandar na ni Sophia ang bigbike nito at paharurot na nagdrive.
Naiwan siyang nakanganga sa pag iwan ni Sophia.
"Basted ka na naman ba?'' Natatawang sabi naman ni Crista. Nakatapat na ang sasakyan nito sa harap niya.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me? Sa ganda kong to? Pakipot lang yun pero ang totoo gusto rin ako ni Yohann." confident pang wika niya dito.
"Talaga ba? Kaya pala sambakol ang mukha mo pagdating namin."
Sa halip na mainis ay makakalokong nginitian niya ito nang bigla siyang may maalala.
"Si kuya oala pabalik na raw dito next week." pang-aasar niya rin dito.
Grabe kasi ang pagkagusto nito sa kuya Clyde niya pero hindi naman iyon alam ng kapatid niya.
Nagtatrabaho na ang kuya niya sa kompanyang pagmamayari rin nila .
Apat na taon rin ang tanda ng kuya niya sa kanya.
Namumulang umingos lang uto.
"O Siya, bilisan mo at baka malate na naman tayo sa klase, tignan mo si Sophia, nanawa na ata kaka-Yohann mo at nauna na." tawa pa nito sabay ngiti at pinaandar narin nito ang kotse nito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya patungkol sa kapatid niya pero napansin niya ang pagningning ng mata ng kaibigan.
Hindi man nito sabihin, halatang excited ito sa pag-uwi ng kuya niya na galing business meeting sa ibang bansa.
Tiyak na excited na itong ikwento sa mga kaibigan nila na uuwi ang kuya niya dahil makikita na naman nito ang kuya Clyde niya na sinisinta nito.
Sinabihan na niya ito dati na sa iba nalang ito magkagusto dahil babaero ang kapatid niya pero ayaw nitong makinig.
Buti nalang talaga at hindi ito kagaya niya na bukas ang pagkagusto kay Yohann.
Ito kasi ay kontento lang na hanggang tingin lang ito sa kuya niya na ipinagpapasalamat naman niya.
Hindi niya kasi alam kung anong gagawin ng kuya niya kung malaman nito na may gusto si Crista dito.
Baka mamaya paglaruan lang nito ang kaibigan niya.
Iyon ang ayaw niyang mangyari.
Babaero pa naman ang kapatid niya.
Pero dahil nakikita niya ang sobrang pagkagusto nito sa kapatid niya ay minsan siya na ang gumagawa ng paraan para makita ni Crista ang kuya niya.
Alam niya kasi ang pakiramdam 'pag hindi mo nakita ang taong gusto mo, nakakalungkot at parang hindi kompleto ang araw mo. Hindi niya alam pero ganoon kasi siya kay Yohann. Hindi kompleto ang araw niya 'pag hindi ito nakikita. Magbebente palang siya pero alam niya sa sarili na malalim ang pagkagusto niya kay Yohann.
Mahal na mahal niya si Yohann pero pakiramdam niya ay hindi naniniwala sa kanya ang binata, samantalang ginagawa naman niya ang lahat para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito.
Balik sa kaibigan niya, habang si Crista naman ay bibihira nitong makita ang kapatid niya dahil abala ang kuya Clyde niya sa negosyo nila, at dahil ayaw niyang malungkot ang kaibigan niya ay gumagawa siya ng paraan para pasimpleng makita ni Crista ang kuya niya.
Napapabuntong hiningang pumasok nalang siya sa bahay nila para kunin ang susi ng kotse niya.
"O, akala ko nakaalis ka na Iha?"
Bungad ng kanyang yaya Using.
"Naiwan ko po yung susi ng kotse ko ya." Sabi nalang niya. Parang tinamad na siyang pumasok pero hindi siya pwedeng lumiban sa klase. Ilang buwan nalang kasi ay magtatapos na sila sa kolehiyo.
"O sige, bilisan mo baka malate ka pa."
"Opo."
"Naku naman!" Sa isip isip ni Samantha.
Pasimple siyang naglakad papasok sa classroom nila dahil late na siya sa klase. Nagdidiscuss na kasi ang professor nila.
Dahan dahan siyang pumasok at sinenyasan ang mga kaklase na huwag maingay.
"Miss Perez, why are you late ?"
Napatayo siya ng tuwid ng magsalita sa likod niya ang prof nila. Akala pa naman niya hindi siya mapapansin nito dahil abala ito sa pagsulat sa white board at nasa dulo pa ito, malayo sa pintuan.
Tumuwid siya ng tayo at ngumiti. May kalokohan na naman kasing pumasok sa isip niya. "Ayaw mo akong isabay ha? Tignan natin ngayon .."
"I'm sorry sir for being late, but Yohann is the reason why I'm late sir." Sabay turo niya kay Yohann na nakakunot noo na.
Lihim siyang natatawa sa naiisip niyang gawin. Umandar na naman ang kapilyahan niya.
"And why is that?" Namaywang pa ang prof nila.
"Si Yohann po kasi sir, ang hirap habulin." Pigil na pigil siya sa pagtawa habang hinihintay ng prof nila ang sasabihin niya. "Ang hirap po kasing habulin ang puso ni Yohann, pero kahit po ganun, hindi po ako mapapagod hanggat mahuli ko ang mailap niyang pus." aniya sabay kindat pa siya sa huli.
Nagtawanan naman ang mga kaklase niya kabilang na doon si Crista at Jennie na kaibigan niya, samantalang si Denise na kaibigan niya ay parang nahihiya sa mga pinagsasabi niya.
"Hay naku miss Perez, Maloko ka talaga." Nakangiting iiling iling nalang ang kanilang prof. Buti nalang vibes sila ng prof niya.
"Maloko po ako prof, pero pagdating po kay Yohann, hindi ko po kayang magloko." hirit niya pa pagkatapos ay kinawayan si Yohann. "Diba Mahal kong Yohann? Pangako, hindi kita lolokohin, tandaan mo yan. Loyal ako sayo."
Nagtawanan ulit ang buong klase nila.
"Go Sam!"
"Akin ka nalang Sam! Ayaw ata ni Yohann!"
"The best ka talaga Sam! Ipagpatuloy mo lang yan at makakamit mo rin ang matamis na oo ni Yohann! Nandito lang kami sa likod mo, papanuorin ang mga kalokohan mo."
Napanguso siya ng marinig ang sinabi ng huling sumigaw.
Napansin niyang lukot na lukot ang mukha ni Yohann at halata sa mukha nito ang inis kaya kinindatan niya ito at may pagkagat-kagat pa siya sa labi.
Naghiyawan at nagtawanan ang mga kaklase nila habang siya'y pilyang nakangiting nakatitig kay Yohann.
Si Yohann naman ay namumula na ang magkabilaang tenga nito, hindi niya lang alam kung dahil sa hiya o galit.
Pailing iling nalang ang prof nila. Buti nalang sinakyan nito ang sinabi niya at hindi siya pinagalitan sa kalokohang pinagsasabi niya.
"Enough class! Let's proceed!"
Tumikhim muna siya ng may maisip na naman. "Last na prof promise." Ngiting ngiting sabi niya sa prof nila. Nang tumango ito ay tumingin siyang muli kay Yohann. Agad ring nagsitahimik ang kaklase nila at hinintay ang sasabihin niya.
"Yohann!" Sigaw niya. Pulang pula ang mukhang pinanlilisikan siya ng mata ni Yohann. Halatang hiyang hiya ito sa kalokohan niya at parang gusto siyang sugurin at patahimikin.
"I'm not an organ donor, but I'd be happy to give you my heart, so please, love me back."
"Kaloka ka talaga kanina Sam!" natatawang binatukan siya ni Crista.
Break na nila at nakatambayan na sila sa isang malaking puno.
"Kaya nga, mana ka talaga sakin." Jennie even flipped her hair. Sa mga kaibigan niya, eto ang playgirl sa kanila. Papalit palit ito ng boyfriend na parang nagpapalit lang ng damit. Pag ayaw na nito ng binili nitong bagong damit, bibili na naman ito ng bago.
Matangkad at sexy kasi ito kaya habulin ng lalaki . Puno din ng kalokohan ang isip nito.
Papasa din ito bilang modelo dahil sa tangkad nitong five seven or eight or nine? Hindi niya sigurado. Basta matangkad ito.
"Ano bang ginawa mo?" nakahigang nakapikit na tanong ni Sophia .
Sa kanilang limang magkakaibigan ay ito lang ang naiibang kurso.
Business administration ang kinuha nilang apat samantalang ito ay culinary.
"Heto nalang panuorin mo." Sabay abot ni Crista ang phone nito.
"Vinideohan moko??!" Nanlaki pa ang mata niya dahil hindi niya inakala na kukunan pa siya nito ng video.
"Remembrance." tatawa tawa pang sabi nito. "Alam ko namang may gagawin kang kalokohan. Kilala na kita Sammy, sa hilatsa palang ng mukha mo no? Kilalang kilala na kita kaya niready ko agad ang cellphone ko. Ang galing ko diba?"
Kinuha naman iyon ni Sophia at agad na pinanuod. "Loka loka ka talaga" naiiling pero nangingiting binalik ni Sophia ang cp ni Crista pagkatapos mapanuod ang ginawa niya.
"Pakipot kasi siya. Ayaw pa akong isabay kanina. Ayun tuloy, nakaisip ako ng kalokohan. Syempre para narin ipakita sa kanya kung gaano ko siya kagusto."
Natawa lang si Crista at Jennie, habang si Sophia at Denise ay pailing iling lang.
"Nakakahiya kaya yung ginawa mo." Wika naman ni Denise.
"Hindi kaya baka mas mainis si Yohann dahil sa ginawa mo?" Tanong naman ni Sophia.
Ngumuso siya. Sana naman hindi.
"Anyway guys may pasalubong ang momy ko." nangingiting ipinakita ni Crista ang isang pink na makeup kit.
Samantha rolled her eyes. Pink na naman.
"Dala 'to ni momy from London, let's try it?"
Napangiti Siya. Napakagirly talaga nito, spoiled din ito sa magulang, 'pano nag-iisang anak lang kasi ito.
"I like that!" Excited na wika agad ni Jennie. Mabilis na tinignan nito ang make up na dala ni Crista.
"Sige at pagandahin mo ako lalo." wika niya. Basta pampaganda game na game silang tatlo bukod sa dalawa.
"Sophia? Denise?" baling nila sa dalawang walang pakialam sa makeups.
No comment ang mga eto kaya nagpakabusy nalang sila sa pag-aayos.
"O my gosh Sam!A ng Ganda mo na lalo!" tuwang tuwa pang tinignan ni Crista ng maigi ang mukha niya pagkatapos siyang ayusan nito.
Lahat naman silang magkakaibigan ay may kanya kanyang ganda .
"Ewan ko lang kung hindi ka pansinin ng Yohann na yan." Ani Jennie. "Takang taka talaga ako, ang ganda ganda mo tapos hindi man lang siya magkagusto sayo?"
Ngumisi naman siya. Sige bolahin niyo pa ako. Gusto ko yan.
"Kaya nga, bulag ata yun eh!" Segunda naman ni Crista. "Singkit lang naman siya eh, hindi siya bulag. Ang ganda ganda mo kaya Sam."
Tama ka Crista babe.. Sige lang, bola pa...
Tinapik tapik niya ang balikat ni Jennie at Crista. "Kaibigan ko talaga kayo. Salamat sa papuri kahit obvious naman." Tumawa pa siya dahilan para mapangiwi si Crista at Jennie sa sinabi niya , napayakap pa ang mga ito sa sarili na parang biglang nilamig.
"Akin na nga 'yang salamin nang makakita naman ako ng dyosa." Sabi nalang niya. Gusto niyang makita kung may nagbago nga ba talaga sa mukha niya dahil sa pagmimake up nito sa kanya.
Proud na proud namang inabot ni Crista ang salamin sa kanya.
Ito kasi ang nag-ayos at nagmake up sa kanya.
Napangisi siya ng makita ang mukha niya sa salamin. Mas tumingkad ang ganda niya dahil sa make up. Hindi masyadong makapal at sobrang nipis lang na parang natural.
"Hay naku Yohann, mapapasa akin ka rin,wahahahaha." Gandang Ganda Siya sa sarili habang nakatingin sa salamin. "At kapag dumating ang araw na 'yon, luluhod ka sa sobrang pagmamahal sakin! Hahahahaha!"
"Ay nabaliw na."
Hindi niya pinansin ang sinabi at pagtawang iyon ni Jennie.
Pano kaya kung akitin niya si Yohann? Maaakit kaya ito?
Napakagat siya sa ibabang labi dahil sa naisip.
"Hindi pwede! Bata ka pa! Wag kerengkeng!" Panunupalpal naman bigla ng bitter niyang utak.
"Sophia halika na, ikaw nalang ang di ko pa naaayusan."
Napalingon siya kay Crista na kinukulit ang nakahigang si Sophia sa damuhan.
"Hindi pwede. Alam mo namang ayaw ni Lucas na nakamake up ako diba?"
"Sige na. Ngayon lang naman."
"Sige na. At isa pa, gusto kong makita ang inis na mukha ni Lucas." Natatawang sabi naman ni Jennie.
"Sige na Sophia, ngayon lang naman. Bukas hindi na. Hayaan mo ang boyfriend mo, katawan mo naman yan eh." Sabi niya din.
"Bahala ka nga. Basta ikaw ang bahala kay Lucas ha?" bumangon naman si Sophia at pinagbigyan ang pangungulit nila.
"Oo ako bahala dun. Wala naman na yun magagawa kung naayusan na kita." Tatawa tawang sambit ni Crista at excited na inayusan si Sophia.
"Sabi sakin ni Crista babe kanina uuwi na daw ang kuya Clyde mo?" Biglang sabi ni Jennie. Nang aasar na tinignan ni Jennie si Crista na inaayusan si Sophia, pagkuwa'y tumingin na sa kanya.
Saglit na napatigil naman sa pagmimake up si Crista pero ipinagpatuloy na ulit nito ang ginagawa.
Namula ang pisngi nito pagkarinig nag pangalan ng kuya niya.
"Oo. Tumawag siya kanina tapos sabi niya next week na daw uwi niya galing conference."
"Anong araw?"
"By Monday daw."
"Ang lapit na pala. Eh di makikita na naman ni Crista ang kuya mo?"
Hindi parin nila inaalis ang tingin kay crista na pulang pula na ang mukha.
Pagdating talaga sa kapatid niya ay mabilis mamula ang mukha ng kaibigan nilang si Crista.
Nagulat pa siya ng bigla namang tumunog ang cellphone niya.
Nangunot ang noo niya dahil international call ang tumatawag. Agad na naisip niya ang kapatid.
"Speaking of the devil." Iwinagayway pa niya ang cellphone sa mga ito.
"Hello kuya?" Sabi niya habang tinitignan si Crista na ngayo'y napatigil sa ginagawa.
"Sammy, pwede bang sunduin mo ako mamaya pagkatapos ng klase mo?ngayon na yung flight ko pauwi.
After six hours andiyan na ako sa pinas mamaya."
"As in ngayon na uwi mo kuya?" Sinadya niyang lakasan ang boses niya at kitang kita niya ang malawak na pagngiti ng kaibigan.
"Oo. Tinapos ko lahat ng gagawin ko dito para makauwi agad ako."
"Hindi ka didiretso sa condo mo?"
May Sarili kasing condo ang kapatid niya pagkatapos nitong grumaduate.
Regalo ito Ng magulang nila.
After din niyang makagraduate ay sinabihan na din siya ng magulang na bibigyan siya ng sariling condo unit.
"Diyan muna ako sa bahay."
"Sa bahay ka matutulog?" Nilakasan niyang muli ang boses. Ang tingin niya ay na kay Crista na pangiti ngiti.
"Oo. Bakit ba parang inuulit mo sinasabi ko?"
"Siguro may tinataguan ka na namang babae no? Kaya sa bahay ka uuwi." Sabi nalang niya, hindi pinansin ang sinabi nito.
Napansin niyang napasimangot si crista sa sinabi niya.
May pagmamaktol na ipinagpatuloy nalang nito ang pag aayos kay Sophia.
Habang ang kuya naman niya ay tinawanan lang ang sinabi niya.
Halatang tama nga ang sinabi niya, tiyak na may iiyak na namang babae dahil dito. Hay naku! Halata kasing guilty ang kapatid.
"Kuya pwede ba ako magsama ng kaibigan mamaya pag sunduin ka?"
Parinig niya sa kaibigan, pasimple niyang tinignan si Crista at nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya.
"Sino? Si Pinky?" parang nag-iba ang pananalita nito pero hindi nalang niya pinansin. Nakafocus ang tingin niya sa kaibigan.
"Pinky" ang tawag nito kay Crista.
Ang paliwanag kasi ng kuya niya sa kanya noong tanungin niya ito kung bakit pinky ang tawag nito kay Crista ay sinabi nito na mahilig daw kasi sa pink si Crista kaya pinky ang itinawag nito sa kaibigan niya. Ang kuya lang din niya ang tumatawag kay Crista ng pinky, wala ng iba.
"Hindi si Crista kuya. Si Jennie, yung isa ko pang kaibigan. Siya yung kasama kong susundo sayo."
Pigil na pigil ang tawa niya pagkakita sa reaction ni Crista dahil sa sinabi niya. Kahit si Jennie ay mahinang natawa. Si Sophia naman ay napangisi at si Denise ay umiling.
Gusto lang naman niyang biruin ang kaibigan. Ang totoo niyan ay si Crista ang isasama niya. Gusto niyang pasiyahin ito ngayong araw. At ang makita ang kapatid niya ang ikakasaya nito.
Pinapandilatan siya ng mata ni Crista dahil sa sinabi niya.
Pigil siyang tumawa dahil nakakatawa ang itsura nito.
Sa singkit ng mata nito ay kayang kaya pala nitong mandilat ng mata.
Akala siguro nito ay pangalan nito ang sasabihin niya.
"Ahh ,.. Si Jennie. Pwede naman." Sabi ng kapatid niya sa kabilang linya.
Napakunot noo siya sa pagbabago ng tono ng pananalita ng kapatid.
Naisip nalang niya na nasanay siguro ang kuya niya na si Crista ang lagi niyang kasama kaya ganun ang pananalita nito.
Ang hindi alam ng kuya Clyde niya, kaya niya laging kasama si Crista ay dahil narin dito. Gustong laging makita ng kaibigan niya ang kapatid niya basta may pagkakataon.
"Sige na, patayin ko na 'to. Ingat kayo mamaya okay?"
"Sige kuya ingat ka din. Basta siguraduhin mong magpapasundo ka ha? Baka mamaya biglang ayaw mo ng magpasundo at biglang liko ang sasakyan mo sa lugar na walang bintana." Biro niya na ikinahalakhak nito.
"Baliw."
"Sige na kuya, bye!"
"Nakakainis ka talaga!" Maktol agad ni Crista pagkapatay niya ng tawag.
"Para maiba naman. Ikaw laging kasama ko pag magkikita kami ni kuya, baka magtaka na 'yun."
Inismidan siya nito. "Ewan ko sayo."
Tinusok tusok niya ang bewang nito pero hindi siya pinansin. "Eto naman, hindi na mabiro. Ikaw ang isasama ko no?" Natatawang sinabi na niya ang totoo.
"Talaga?" Biglang umaliwalas naman ang mukha nito.
"Oo."
Ngingiti ngiting humarap uli ito kay Sophia.
Napabaling naman siya kay Denise na nagbabasa. "Naks, ang ganda naman ng kaibigan namin ngayon. "Puri niya dito. Inayusan din kasi ito ni Crista, at dahil kinulit namin ito ay wala na itong nagawa pa.
"I know. You don't need to tell me that." Blangkong Sabi nito at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Nakangiwing napatitig nalang siya sa kaibigan. Ito ang kaibigan nilang beauty and brains.
Pinay na pinay ang itsura nito at Morena. Napakaganda nito pero
Masyado lang itong seryoso sa buhay.
Mukha itong maldita sa mga hindi nakakakilala dito, pero hindi alam ng karamihan ay sobrang bait din nito.
Hindi lang halata.
SAMANTHA PEREZ