Natulos siya sa kinatatayuan dahil sa gulat ng makita ang dalawang bisita ni Yohann. Ni hindi na niya nagawa pang maihakbang ang kanyang paa at makabalik sa itaas dahil sa gulat. "Sammy?!" Gulat na gulat din ang mukha ni Isiah habang tinitignan siya. Katabi nito si Lucas at Yohann. Pasimple niyang tinakpan ang dibdib niya gamit ang kamay ng mabilis na naglakad ito patungo sa kanya. Nakabuka pa ang dalawang kamay nito na parang yayakapin siya. "It's been awhile. Let me hug you." Tumaas ang sulok ng labi ni Samantha ng mapansin niya ang malokong ngisi ni Isiah. Kailan kaya ito bumalik? Ang alam niya ay ilang taon itong nasa ibang bansa. "Don't you dare isiah!" Dumagundong ang galit na sigaw ni Yohann at inunahan nito si isiah na makalapit sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba." Mahigpit na

