KABANATA 01
Ate, pupuntahan ba natin sina Nanay at Tatay ? --- naiiyak na sabi ng kapatid. Si Apollo Greg Yuzon anng pangalan ng aking kapatid at totoy ang kanyang palayaw anim na taong gulang palang siya , at ako naman ay si Arisa Bade Yuzon bente anyos. Nilapitan ko anng aking kapatid at agad na pinunasan anng tumutulong luha , naiiyak na naman siya , at dahil naalala anng pag kamatay ng aming mga magulang .
Isang trahedya anng nangyari sa buhay namin ni Totoy , isang buwan anng nakalipas ng nabalitaan namin na bundol ang trysikle na sinasakyan ng aming mga magulang, pauwi na sana sila galing pamelengke, ng isang aksendinte anng nangyari isang truck anng bumangga sa kanila halos gumapang ako sa kinakatayuan ko ng malaman anng lahat nng nangyari.
Hindi ako makapaniwala sa pangyayari pero ng makita ko anng malamig na bangkay ng aming mga magulang ay doon na ako tuluyang umiyak nang umiyak na halos maubus kona anng luha ko sa kakaiyak nng makita sila…
Sinamahan ako ni Tiya Sally na pumunta ng presento para harapin anng driver ng truck .. Pagdating naminn ay tiyak ko na siya na anng nakaupo sa harap ng mesa , habang kinakausap ng mga pulis .. Muling nagbadya ng luha anng aking mga mata ng makita anng taonng pumatay sa mga magulanng namin .. KInausap kami ng pulis at tinanonng kong magsasampa kami ng kaso ..
Maam , humihingi po ako ng tawad sa nagawa kong kasalan .. Hindi ko sinasadya na mabangga anng trysikle na sinasakyan ng mga magulang mo .. – naiiyak na sabi ng driver.
Hindi kona napigilan anng pag-iyak , ganito lanng ba anng sasabihin ni Manong hindi niya sinasadya na mamatay anng aminng mga magulang …. – Hindi ako makasagot sa kanya dahil puno ako nng sakit ang puso ko …
Ilanng sandali ay nakiita naminn anng asawa nng driver at anng anak nitong lalaki , na halos kasing edad ni Totoy .. Tulad ko ay umiiyak rin siya …
Nakaramdaman ako ng awa dahil kong maipapakulong naminn siya ay wala rin siya ng tatay.
Tiya kayo na po anng magpasya .- naiiyak kong sabi. Tinawagan rin ni Tiya Sally anng mga tiya at tiyo namin.
Ilang sandalii ay may mga tanungan parin naganap sa gitna nng driver at ng pulis . Meron rin palang kasama anng driver na nag witness na hindi ito sinasadya nng driver dahil nawalan siya nng preno .. Dumating nga anng isa pang imbestigador na nag check nng truck na ginamit , at tama nga anng paliwnanag nito nawalan ito nng preno kaya nabangga ang trisikel.
Napagdesisyunan na aksidente anng nangyari , at hindi na kami sumampa ng kaso , at tutulong nalang ang driver at kumpanya nito sa palibing nng mga magulang naminn..
Bago kami naka alis ni Tiya Sally , ay muli kamming kinausap ng driver at asawa nito ..
Pasensya po , humihingi kami ng tawad sa nangyari ..- sabi naman nng asawa niya …
Buonng buhay ko po itonng pagsisihan .. – pagsisi ng driver.
Carding , aksidente anng nangyari , kong ikaw rin ay hindi mo gusto na makabangga at makapatay nng tao .. – naiiyak na sabi nng asawa ..
Patawarin niyo sana ako ..—nagmamaakaawanng sabi ng driver .
Hindi niyo po sinasadya , pero namatay po ang mga magulang naminn. – hindi kona pigilan magsalita , Oo dahil sa aksidenting iyon ay namatay sila , at kami ngayon ay ulila ..
Patawad iha ..—umiiyak na sabi ni manong driver, lumapit sa kanya ang anak nito ay niyakap .. Naawa na naman ako ...
Tinulungan rin ako ni Tiya Sally na ipaliwanag anng lahat kay Totoy at Mabuti ay naintindihan naman ng aking kapatid.. Si Tiya Sally anng pinaka-close kong tiya , at noong umuuwi siya galling trabaho , ay meronng akong palaging pasalubong . Kapatid siya ng Nanay ko , at halos kahawig sila ng mukha ni Nanay. Maganda si Tiya Sally , pero hindi na siya nakapag-asawa . Hindi ko alam kong dahil ba iyon sa trabaho niya, o dahil ayaw niya nang mag-asawa.
Oo Totoy , dadalaw tayo kay Nanay at Tatay bago tayo lumuwas ng Maynila– nakangiting sabi ko..
Ate, kay Tiya Sally na tayo titira? -- malungkot nitong tanonng ayaw niyang umalis , dahil nararamdamaan niyang nandito sa bahay sina Tatay at Nanay .
Oo Totoy , Si Tiya Sally na anng mag-aalaga sa atin.. – nakangiting sabi ko ulit .. Pilit na pinapalakas anng kalooban , kahit na alam ko sa sarili ko na nasasaktan parin ako sa pagkawala nng mga magulang naminn.
Masaya kaming pamilya noon, Pagdating ko galling klase, ay nasa pintuan na naghihintay si Tatay , agad niyang kukunin anng bag kong dala at sabay kaming pumapasok ng bahay , si Nanay naman ay abala sa kusina para maghanda nng meryenda namin. Si totoy naman ay abala sa paglalaro sa sala..
Simpleng buhay at kuntento na ako noon, pero ngayon ay hindi kona alam anng gagawin ko dahil Nawala anng dalawang importanteng tao sa buhay ko , hindi ako sanay na hindi sila makita , dahil araw-araw ay masaya kaming nagkukulitan, sa bawat sulok ng bahay ay naalala ko sila .. At kong hindi ko pa pipigilan anng aking mga luha ay kusa itong tumutulo dahil sa lungkot na nararamdaman.
Hindi ko pinapakita kay Totoy anng pag-iyak ko dahil ayoko na makita niya akong mahina , at gusto ko ay lumaki siyang matapang at handa sa lahat ng pag-subok ng buhay ..
Na mi-miss kona sina Tatay at Nanay ate .. – nalulungkot na naman nitong sabi ..
Lumuhod ako sa harapan ni Totoy at agad siyang niyakap , Totoy huwag mo nanng isipin sina Tatay at Nanay masaya na sila sa langit , kasama na nila si Papa Jesus ..
Talaga ate , kasama nila si Papa Jesus ?? – nahimigan kong ngumiti.
Oo totoy, kaya huwag kanang umiyak huh , malulungkot sina Tatay at Nanay kapag Nakita ka nilang umiiyak .. – tahan ko sa kanya .
Okey ate.. Big Boy na ako .. Hindi na ako iiyak para hindi malungkot sina Tatay at Nanay ..—agad niya naman pinunasan ng kanyang kamay anng mata nitong umiiyak .
Very good , halika kana mag -ayos na tayo ng mga gamit , para makabisita tayo kay Tatay at Nanay mamayang hapon ..-- agad kaming tumungo sa aming kuwarto ..
Kinuha ko anng itim na malaking bag , at doon ko nilagay anng aming mga damit .. Sa isangg bag naman ay anng konting laruan ni Totoy .. Hinanap ko pa anng mga importante kong dokumento kong sakaling makapag-aral ako doon , mga iilang libro at aklat na nilagay ko rin sa itim na bag.
Bigla akong natigil ng mapansin hindi na umiingay si totoy, at nagulat ako ng lumingon sa kama ng makitang nakatulog na siya .. LInapitan ko ito at agad na umupo sa kama..
Hinawakan ko anng maliit niyang pisngi , magkamukha kami ni totoy , pareho kaming may morrenanng kulay ,mabilog na mata , at may katangusan anng ilong , ang sabi nga nng mga tiya namin ay pwede kaming mapagkamalang mag -ina dahil pareho kami nng itsura .. Nakangiti ako pinagmasdan anng aking kapatid , maliit paman siyang tingann ay masaasabi kong lalaki siyang poging lalaki , namana niya ito kay papa , ako naman ay sinasabihan na namana ko kay mama anng aking mukha , at ibang kasarian.
Aalagaan kitang mabuti Totoy , pinapangako ko kay Nanay at Tatay na lalaki kanng mabuting bata…
Nagpatuloy ako sa pag-aayos, At nakita ang isang picture frame na nakalagay ang litrato naming apat .. Masaya kaminng nasa litrato at muling tumulo anng aking luha .. Huminga ako ng malalim at agad na nilagay sa bag . Ito nalang anng alala naminn kay Nanay at Tatay ..
Nagulat ako ng biglang nag-ring ang phone ko .. Agad ko iyong kinuha at sinagot ng makitang si Tiya Sally ang tumatawag ..
Hello Arisa – agad na bati ni Tiya Sally .
Hi Tiya Sally, magandang hapon po ..—sagot ko naman ..
Kamusta na kayo ni Totoy, nakapaghanda na ba kayo ? – nag-aalang tanong niya . Matapos ma proseso anng mga papeles na kailangan sa libing nina Tatay at Nanay ay agad na bumalik si Tiya Sally sa Maynila .
Ah opo Tiya Sally , nakapaghanda na kami … -- napabaling ako kay totoy aat baka magising sa boses ko ..
Mabuti , bukas pag -alis niyo ng umaga , mag text kayo agad sa akin, para makabyahe ako papuntang pier ..—mahinahon sabi niya .
Opo Tiya .. –
Susunduin ko kayo , at ipapakilala ko kayo kay Madam .. – Mahinanng sabi niya pa. Bigla akonng kinabahan ng marinig anng sabi niyang Madam .
Oo nga pala namamasukan si Tiya Sally sa isanng mayamanng taga Maynila . Kaya siguro Madam anng tawag niya .. Bigla akong napabaling kay Totoy ng makitang gumalaw ito at mukhang kakagising lang ..
Oh, sige na Arisa ipababa kona ito .. – paalam ni Tiya
Okey po Tiya Sally , Maraming Salamat po .. –
Ate, sino yong kausap mo ?..- bumangon siya at agad na lumapit sa akin.
Ah si Tiya Sally totoy, kinakamusta niya tayo ..—paliwnanag ko naman .
Ah okey po .. Ate dadalaw na tayo kay Tatay at Nanay magpaalam na tayo … --- nakangiting sabi pa ng kapatid ko ..
Sandali Totoy , umupo ka mona at tatapusin ko lang ang ginagawa ko ..
Sinunod niya anng sinabi ko, at ako naman ay nagmamadaling tinapos anng pag -aayos. At ng matapos ay agad kong pinabihisan si Totoy ng short at puting t-shirt .. Ako naman ay nag-suot rin ng itim na jeans at putiinng blouse .. Nagdala kami ng Kandila at pusporo .. Kinuha ko rin anng isang bugkos ng bulaklak .
Sumakay kami ng trysikad para marating naminn ang puntod nina Tatay at Nanay ..
Maraming Salamat po kuya Nelson ..—agad na binayaran siya .
Walang anuman Arisa, huwag na kayong magbayad at ibaon niyo nalang iyang sap ag-alis niyo bukas ni Totoy .. – nakangiting sabi pa ni Kuya Nelson,
Kuya Nelson tanggapin niyo na po at nakakahiya naman hindi kami nag bayad..—pamimilit ko .
Huwag na Arisa, napaka buti ng mga magulang mo sa akin , at kulang pa iyang bayad mo para mapasalamatan ko sila .. – mahaba nitong paliwanag. Ako naman ay muling naalala sina Tatay at Nanay , ooo nga marami silang natulungan …
SIge na aalis na ako Arisa, Totoy ba -bye ..—paalam nito sa amin..
Agad naman na tumakbo si Totoy sa puntod nina Tatay at Nanay ..
Totoy mag-ingat ka sa pagtakbo at baka madapa ka .. --- pag-aalala ko habang sinusundan siya ..
Umupo siya sa puntod at ako naman ay agad na sinindihan anng kandila ..
Nanay , Tatay aalis napo kami ni totoy bukas, doon napo kami kay Tiya Sally . Baka sa Maynila ko narin ipagpapatuloy anng pag-aaral ko . --- naluluha kong sabi .. Hindi ko na isip na iiwanan ko anng lugar naminn , anng lugar na dito na ako lumaki nag karoon ng isip at ng mga kaibigan ..
Tatay , Nanay ma miss-miss kayo namin ni Ate .. --- nakangiting sabi nng kapatid ko ,
Ako naman ay naluluha na naamn ng makitang pinipigilan niyang umiyak .. Hindi napo ako iiyak Tatay Nanay dahil alam kong magkasama na kayo ni Papa Jesus , ---- sabay nitong hinagod ng kamay ang pangalan na nakasulat sa lapida nina Tatay at Nanay ..
Naiyak na naman ako , at agad na pinunasan anng aking mga luha … Nay , Tay babalik po kami ni Totoy dito , at tutuparin ko anng pangarap na nating makapagtapos ako ….
Mag-aaral po ako ng Mabuti , at aalagaan si totoy .. --- INilagay ko anng bulaklak sa gitna nina Tatay at Nanay ..
Ako rin po Tay , Nay mag -aaral din po ako at hindi magpapasakit ng ulo ni Ate.. – nakangiting sabi pa nng kapatid ko ..
Bumuntong hininga ako at pinunasan ulit anng luha , at tumingala sa langit ..
Kayo na po anng bahala sa min ni Totoy …
Nagtagal pa kami ni totoy ng halos isang oras. At nanng maka -uwi kami ay nagulat ako ng makitang nandoon sina Tiyo Alfred at Tiya Theresa at pati narin anng iilang kaibigan ko ..
Arisa, Totoy ..- si Tiya Theresa anng sumalubong sa amin , agad kaming nagmano ni Totoy ..
Tiya Theresa , naparito po kayo .. –
Oo Arisa bukas na nang umaga anng alis niyo … At gusto naming mag-paalam sa inyo ni Totoy ,,--- siya ay isang kapatid ni Tatay .
Opo tiya .. – - sagot ko naman .
Hi Arisa.—bati ng mga kaibigan ko , ningitian ko sila at agad na lumapit si Totoy sa kanila …
Mag-ingat kayo doon Arisa, Malaki ang Maynila at maraming mga masasamang tao ..- si Tiyo Alfred naman na lumapit sa amin.
Opo Tiyo , nandoon rin naman po si Tiya Sally… -- agad kong sagot .
Oo , pero mag-ingat parin kayo .. AT iyang si Tiya Sally mo ay abala sa trabaho niya . Huwag kayong umasa sa kanya na parati kayong titingnan. – paliwanag naman ni Tiya Theresa na meron din naman siyang punto ..
Opo Tiya , Tiyo .. – nakangiting sabi ko.
Arisa, tanggapin mo ito ..- nagulat ako ng biglang may inabot si Tiya sa akin na subring puti , alam kona kong ano anng nilalaman nito kaya naman ay agad kong tinanggihan .
Tiya , huwag na po meron din naman pong ipon sina Nanay At Tatay sa bank account nila , at gagamitin ko nalang po iyon pag kailangaan ..—nahihiya kong sabi .. Halos lahat sila ay tumutulong sa amin ni Totoy, at ako na itong nahihiya dahil sa subrang tulong na inaabot nila sa amin ..
Arisa, tanggapin mona , magagamit mo iyan sa pag -aaral mo .. – si Tiyo Alfred naman anng nagsalita.
Nahihiya napo ako sa inyo Tiyo Tiya , - naiiyak ko naman na sabi ..
AGad ko naman naramdamaan anng yakap ni Tiya sa akin.. –Arisa kapamilya tayo , hindi namin kayo pababayaan ni Totoy . Huwag kanang umiyak Arisa, at nakikita ka ni Totoy. -- pag-aalalang sabi Tiya
Maraming Salamat po Tiya , Tiyo .. -- Wala akong nagawa kundi anng tanggapin anng tulong nila ..
Sige na , kami na mona bahala kay Totoy , at mag -usap mona kayong mag kaibigan .- Si Tiya Theresa
Arisa – agad akong niyakap ni Cindy anng matalik kong kaibigan ..
Mami-miss ko kayong lahat .- naiiyak kong sabi .
Kami rin Arisa ma miss ka namin.. lalong lalo na si Vic .. --- mapanuksonng sabi pa ni Cindy … Sabay kaming lumaking tatlo , Ako , si Cindy , at Vic .. Palagi nila akong tinutukso kay Vic at hindi ko na iyon pinapansin dahil alam kong magkaibigan lang din kami tulad ni Cindy ..
Humiwalay ako sa pagyakap kay Cindy at tumungo kay Vic para yakapin din ..
Vic, alagaan mo yong kaibigan natin huh .. Huwag mong pababayaan … -- nakangiting sabi ko pa kay Vic nng matapos yakapin, bakas sa kanilang dalawa anng lungkot .. Unanng pagkakataon itong maghihiwalay ako sa kanila ..
Salamat sa pagkakaibigan ..--- malungkot kong ssabi ..
Nagulat naman ako ng binatukan ako ni Cindy , Baliw aalis kalang ng Maynila at hindi ito matitibag anng pagkakaibigan nating tatlo .Baliw.!. – naiinis nitong sabi .
Cindy magdahan-dahan ka kay Arisa, Alam mong aalis na siya , tapos pinabaunan mo pa nng batukan .. – nag -aalalng sabi pa ni Vic.
Tsek , concern na namann , ikaw talaga Vic, aalis na si Ariisa hindi mo paring nagawanng magtapat sa kanya ..- panunuksong sabi pa ni Cindy kay Vic.
Ito naman si Vic ay kong pwede nniya lang sampalin si Cindy ay ginawa niya na dahil ito napipikon sa madaldal naming kaibigan .
Stop na , aalis na ako bukas at ito ngayon nag -aaway na naman kayo .. – sita ko sa kanila . Bigla silanng natahimik..
Sorry .- sabay nilang sabi .. Agad ko naman na sila yinakap ulit ..
Hmmm, basta Arisa mag -ingat ka doon . At huwag ka mona mag boyfriend ..—seryosong sabi ni Vic . Hindi kona naman inasahan anng huling sinabi niya ..
Nag-iwas ako ng tingin ng makitang hindi niya inaalis anng mga titig sa akin..
Ayan ,, huwag ka daw mag boyfriend dahil gusto ka niyang ligawan ..- nakangiting sabi pa ni Cindy ..
Stop Cindy , kanina kapa huh ..- pagalit na sabi ni Vic sa kanya , at biglang tumiklop naman si Cindy.
NAgkwentuhan pa kaming tatlo .. At nng parati na ang gabi ay nag pasya na silanng magpaalam ..
Arisa, tawag at pm na lang tayo huh. Sa Groupchat natin …-- bilin pa ni Cindy …
Opo . Mag -ingat rin kayo dito .. Vic itong kaibigan natin ikaw na ang bahala ..—nakangiting sbai ko pa .. SI Cindy naman ay inarapan ako ..
Oo Arisa ako na anng bahala sa kanya .. Mag-ingatt karin at baka bibisita rin kami ni Cindy sa inyo ..—nakangiting sabi pa ni Vic.
Nag paalam sila at pati sina Tiyo at Tiya ay umalis narin , nagulat ako ng makitang may nilutong ulam na at kanin sa mesa, at meron narin dalawang plato sa mesa at mga kubyertos sina Tiya at Tiyo siguro anng nagluto , nag abala pa silang dalawa..
Napatingin ako kay totoy na naglalaro parin sa sala .
Totoy . Kakain na tayo ..-- tawag ko sa kanya, at nakitang agad naman siyang nagmartsya papunta sa akin..aakmang uupo na siya nng ..
Totoy , maghugas ka mona nng kamay bago ka kumain ..-- paalaa ko sa kanya , at agad naman na pumunta nng lababo , Tinulungan ko siyang maghugas .. At dumiretso na kami sa mesa.
Adobong manok anng niluto ni Tiya , masaya kaminng kumain ni Totoy , at katulad ni Tatay ay masarap magluto si Tiya. Ako naman ay lumaki na marunong sa gawaing bahay , paglilinis , paglalaba , at pag luluto anng tinuro sa akin.
Pagkatapos kumain ay agad kong hinugasan anng aming pinagkainan . Si Totoy naman ay hinayaan kong maglaro sa sala.. Pumasok ako ng kuwarto para kunin ang pamalit na damit …
Isang pares na pajama at t -shirt na kulay asul anng napili kong suotin niya , at kumuha rin ako ng tuwalya…
Totoy halika dito at mag-sibin na tayo .. – tawag ko sa kanya , agad naman siyang tumakbo palapit sa akin,
Okey ate, at pagkatapos ay matutulog na ako ate , Inaantok na kasi ako .. --- sabay punas ng kamay niya sa kanyang mga mata ..
Napagod ka na naman sa paglalaro mo ..—sabi ko pa ..
Ngumiti lang anng kapatid ko , at agad na hinawakan anng aking kamay , at tumungo kami ng banyo ..
Pinag -sibin ko siya , at panay parin anng pangungulit niya .. Bata pa nga si totoy at anng alam niyang gawin ay maglaro lang . Siguro ay maghahanap mona ako ng trabaho , at ipag paliban na mona ang pag-aaral . Mabuti nalang ay graduate na ako nng Grade twelve, at kong sakaling makapag-aral ay College na ako ..
Alas kuwarto ng umaga ay nagising na ako , tiningnan ko si Totoy at mahibing pa anng kanyang tulog . Ako naman ay dumiretso na agad sa banyo para maligo .. Panay anng kakaisip ko tungkol sa amin ni Totoy. Ano kaya anng kapalarang naghihintay sa amin sa Manila .. Ano ba anng sitwwasyon ni Tiya Sally sa pinagta-trabahuhan niya? Saan kaya anng bahay niya ? Kayo na anng bahala sa amin Panginoon..
Pagkatapos maligo ay agad kong ginising si Totoy ..
Toy, gising na at maliligo kana … --- agad kong sabi … Nakita kong gumalaw siya agad senyales na gising na siya ..
Ate , maliligo po ako ? malamig po …. ---sabi niya ito habang diretsong nakatingin sa akin..
Totoy nag iinit na ako ng tubig at hindi kana malalamigan pa– paliwanag ko naman .
Sige ate .. – nakangiting sabi pa niya ..
Pinaliguan ko siya … Ate sa susunod po ako na anng magpapaligo sa sarili ko .. – seryoso nitong sabi na parang mali anng pag-paligo ko sa kanaya ..
Ako naman ay nagulat sa sinabi niya .. Bakit Totoy ? ayaw mona bang akong magligo sayo ?? – sabi ko
Hindi naman ate , Big -boy na naman ako kaya kaya konanng maligo mag-isa … -- pagmamalaking sabi pa niya .
Ako naman ay hindi naiwasan anng ngumisi sa naring kong paliwanag.
Talaga ? Big Boy kana ? – nakangiting sabi ko pa.
Opo ate, Kaya ko nanng maligo . Kaya huwag mon aakong tulugang at paliguan .. Okey ?? – dire-diretsa niang sabi ..
Ngumiti naman ako at tumango sa pag-sang ayon sa kanaya . Mabuti nalang talaga mabait anng kapatid ko ….
Nagbihis kami agad, at kumain ng almusal na nilaganng itlog na niluto ko pa kagabi , at mainit na Milo… Hbanag nag a-almusal ay muli kong ginala anng aking mga mata sa kabuan ng bahay . Ngumiti ako ng mapait dahil iiwanan na naming ni Totoy anng bahay naming, na puno nng magagandang pangyayari na magkasamang pamilya .. Sa bawat sulok ng bahay na muling naalala sina Tatay at Nanay … Mga malalakas na tawanan , at asaran ng mga magulang ko ..
Mga pa-alala nina Nanay at Tatay sa akin.. Ang mga tinuro nila sa akin, at hanggang ngayon ay ginagawa ko … Aalis na kami nng Kapatid ko , at sana ay maging maayos anng aminng buhay …
Sumakay kami ng trysikle patungonng terminal ng buz papuntang maynila .. First trip anng nakuha naming ticket , at nanng makasakay sa buz ay agad kong text si Tiya Sally . Saktong alas cinco y media nng umaga umalis anng Buz …
Muli natulog si Totoy sa byahe , at ako naman panay anng paglakbay ng isipan ko . Gusto ko sana makapag-enroll ngayong pasukan pero paano ko naman magagawa dahil may kapatid akong dapat bantayan.. Tapos hindi ko pa alam angg sitwasyon naming ni Totoy .. Mabait kaya anng Madam ni Tiya .. Sana naman mabait …
Sakto alas syete y-media nng umaga ay dumating na kami sa Pier … Tumawag narin si Tiya Sally ilang minutong nakalipas ay nandito na siya .. Bumuntong hininga ako at agad na ginising si Totoy ..
Toy, nandito na tayo ..—nakangiting sabi ko pa …
Agad nanman siyang nagising , at tinanaw anng bintana .. Nakita kong lumakii anng kanyang mga mata, Ohh ate , dito na tayo ..--
Oo totoy .. – Nang makitang kunti nalang anng bumaba ng Buz , ay agad na akong tumayo , kinuha anng dalawa naming bag .. At si Totoy naman ay agad na humawak sa kanang kamay ko …
Tara na at naghihintay na si Tiya Sally ..
Bumaba kami ng buz ni Totoy . At saktong pagkarating namin sa hall ng terminal, ay nakita namin agad si Tiya Sally na kumakaway pa.
Arisa, Totoy, halina kayo .. – nakangiting tawag pa ni Tiya. Agad kaming pumaroon sa kanya, at yumakap.
Tiya, kamusta po ? – agad na tanong ko ng tuluyang nakahiwalay sa yakap niya . Si totoy naman ay agad niyang binuhat ..
Okey lang naman ako. Kayo kamusta anng byahe ?? – nakangiting tanong niya pa ..
Okey naman po tiya , itong si totoy mahimbing anng tulog sa byahe ..- agad kong sagot.
Ate, Tiya napanaginipan ko sina Tatay at Nanay … - nakangiting sabi ni Totoy , nagulat naman kami ni Tiya sa sinabi niya,nagkatitigan kami ni Tiya at hindi alam anng sasabihin kay Totoy..
Masaya po sina Tatay at Nanay nakangiti po sila sa panaginip ko …--- nakangiting paliwanag ni totoy ..
Nagpakawala ng buntong hininga si tiya, at ako naman ay nakahinga ng maluwag ..
Talaga totoy , anng ibig sabihin ay huwag na kayong mag –alala ng ate niyo dahil masayang silang magkasama langit.. – malumanay na paliwnag ni tiya.
Opo tiya, -- agad na sabi si Totoy ..
Oh, tsa tayo na at hinhintay na tayo ng Taxi .. – si Tiya nng kinuha niya anng isa ko pang bag nabitbit.
Tiya kaya ko na poo,, baka mabigatan kayo at hawak niyo na si Totoy ..—pag –agaw ko sa bag niyang hawak ..
Arisa , ako na alam kong mabigat rin yang bag mo .. Kaya kona too.. -- sabi naman ni Tiya ..
Kaya naman ay wala akong nagawa kondi anng hayaan siya …
Sumakay kami sa Taxi , naka-upo si Tiya sa front seat , kami naman ni Totoy ay naka –upo sa likuran .. Nakita kong abala si Totoy sa pag-tanaw nng makikita niya sa labas ng bintana , first time ito ni totoy na makapunta ng Maynila, nakikita niya ang mga naglalakihang building at ang malawak na national high way , na ang sa amin ay two lane lang , ako naman ay dinadala ako noon nina Tatay at Nanay para mamasyal, kaya alam ko kong ano anng sitwasyon ditto , ibanng –iba sa probinsya ..
Didiretso tayo sa Mansyon, ipapakilala ko mona kayo kay Madam … --- seryoso sabi ni Tiya , kaya naman ay bigla akong kinabahan .
Madam po ? – mahinanng sabi ko …
Oo Arisa, nagpaalam ako sa kanya na susunduin ko kayo , at pinagpaalam kona rin na sa quarter ko kayo tutuloy… --- sabi na naman ni Tiya at sinundan pa ako ng tingin sa side mirror..
Pumayag po siya Tiya ? -- kinabahan kong sabi …
Oo pumayag siya , alam niya kasing mga pamangkin ko kayo.. --- nakangiting sabi ni Tiya ..
Mabuti po tiya, mabait anng Madam niyo .. – nakangiting sabi ko rin , parang nabawasan anng kaba kong iniinda dahil sa pagngiti ni Tiya ..
Stricto siya pero mabait rin.. Kaya dapat huwag kanng gumawa nng bagay na igagalit niya … --- seryosong sabi ni tiya .
Opo tiya .. --- agad kong sagot ..
Good boy po ako Tiya Sally .. – kinagulat na naman namin ni Tiya anng pag salita ni Totoy , nakikinig pala siya sa usapan namin.
Very good Totoy ..—nakangising sabi pa ni Tiya sa kanya ..
Arisa, ano pala anng plano mo sa pag –aaral mo ?- baling ni Tiya sa akin ..
Ako naman ay nagpakawala ng buntong hininga .. Ah Tiya gusto ko po sanang ipagpatuloy anng pag-aaral ko ditto , kaso lang po kulang pa anng ipon ko .. Baka po maghahanap mona ako ng trabahao at isa pa po walang mag babantay kay Totoy. ..—paliwanag ko.
Pwede naman kitang tulungan , at ako na ang bahala kay Totoy mabait naman siya .. – nakangiting sabi niya rin…
Maraming salamat po Tiya . – nakangitinhg sabi ko pa ..
Malapit na tayo .. – sabi pa ni Tiya …
Napabaling ako sa bintana att bumangkad sa akin anng malawak na ranchohan , at meron pa itong mga kalapit na kainan , o restaurant …
Makarating tayo sa Ranchohan at anng lahat ng nakiita niyo ay pinagmamay-ari nng Madam naminn .. – anunsyo ni tiya.
Hindi ko naman mapigilan anng paglaki ng aking mga mata dahil sa gulat .. talaga po tiya ?? anng yaman naman ng Madam niyo ? -- hindi ko maalis anng aking mga mata sa malawak na lupain…
Oo Arisa, ganito sila ka yaman … -- nakangiting sabi pa ni Tiya ,
Ako naman ay parang kinabahan dahil sa nalaman , kasi naman sa mga pelikula anng mga mayayaman ay mga matapobre kaya hindi malabong matapore rin anng Madam ni Tiya ..
Huminto anng taxi sa harap ng Malakinng bahay , kulay brown anng kulay ng malaking gate , at kong titingnan ay kasya anng tatlong sasakyan papasok ditto , tapos meron malaking puno sa gilid nng gate.. Nagbayad si Tiya , at bumaba ngTaxi , pagkalapit sa gate ay nag –door bell si Tiya tapos ilanng sandali ay may bumukas ng gate.
Ohh Sally , mabuti at nandito kana , hinahaanp kana ni Madam ..—ang may edad na babae anng bumakas sa amin, siguro ay hindi malayo anng edad nila ni Tiya ..
Napatingin naman ito sa amin ni Totoy .. Hello , ito na anng mga pamangkin mo ? kay ganda at pogi ..-- nakangiti itong tumingin sa amin ni totoy ,,
Magandang umaga po ..- bati ko naman ..
Mas maganda ka sa umaga iha, Anong panaglan mo ? --- nakanagiting sabi pa niya …
Arisa po , ito naman ang kapatid ko si Totoy .. -- pakilala ko .
Hello totoy , -- bati nito kay totoy,
Hi po. – nakangitnng sabat ni totoy
Ako naman si Tiya Beth ninyo .. – nakangiting pakilala niya ..
Ohh, tara sa loob – sabi ni Tiya ..
Sa ganitong paraaan ko palang nasuyod anng malawak na lugar nng kanilang bakuran . May mga malalaking puno sa gilid , at meron ding mga magagandang halaman ,. Nakita kong merong swimming pool sa gilid nng kanilanng bahay, at sa kaliwang bahagi ay merong malilit na kuwarto .. Parang hindi yata tama na tawagin bahay , dahil sa laki nito Masyon na anng tawag ditto.