Chapter 2
The Game
Allison's point of view
Nagising ako na tirik na tirik na ang sikat ng araw, humikab ako at kinusot ang mata ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo
Napailing nalang ako at nanatiling nakahawak sa pader para maiwadan ang pagtumba. Nagdilim ang paningin ko, agad kong kinuha ang tubig sa side table at agad itong ininom. Randam ko ang pagbigat ng paghinga ko.
Nang makalapit ako sa aparador ay saglit akong sumandal dito bago buksan. Nang buksan ko ito ay kumuha nalang ako ng isang pajama at oversized-shirt.
Muli ko pang pinakiramdaman ang paligid at saka nagpasya na pumunta sa banyo. Naglalakad palang ako sa pasilyo papuntang banyo ay agad na nagtaasan ang balahibo ko, nakaramdam ako ng kung anong presensiya sa likod ko, katulad ng naramdaman ko habang naglalakad kami sa pampang kanina.
Napalunok ako at bahagyang kinilabutan sa mga isipin, hindi ko maintindihan pero ramdam ko siya. Ramdam na ramdam ko ang presensiya niya.
Parang may nakatingin sa akin. Mali. Sigurado akong may nagmamanman sa akin. Bakit siya sumusunod sa akin? Anong kailangan niya?!
Binalewala ko na lang ang takot at pumasok sa bathroom dala ang aking mga damit.
Binuksan ko ang gripo, napaiwas ang kamay ko sa tubig at bahagyang napadaing nang maramdaman ko ang pagtama ng napakainit na tubig sa aking balat. Pero dahan-dahan ko ulit nilapit ang aking balat, napahinga na lang ako nang maramdaman ko ang maligamgam na tubig.
"Baka guni-guni ko lang 'yon. Oo, baka guni-guni ko lang iyon. Chill, Allison, you're being paranoid!" Bahagya akong natawa at napapailing pa. Para akong nababaliw na kinakausap ang sarili ko.
Pero alam kong hindi lamang 'yon guni-guni. Totoo ang nararamdaman ko, alam ko. Nakasunod pa rin siya sa akin, nagmamatyag sa mga kinikilos ko.
Naghilamos na lang ako at binasa ang tuwalya ko para magpunas. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa lamig, hindi ko maiwasan ang paglinga na parang baliw.
Bahagya akong tumigil nang maramdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin. Mula sa gilid ng aking mata ay naaaninag ko ang isang anino. Binigyan ako ito ng isang nakakapangilabot na ngiti.
Anino ng kamatayan naming lahat. Sisirain niya kami, papatayin niya kami!
Pumasok ako sa paliguan at pinisil ang kamay ko. Kaba ang namayani sa loob ko sa mga oras na ito.
Sino siya? Anong kailangan niya sa amin?!
Nagdamit lang ako at binalewala na lang ang presensya ng anino. Kahit nna kinakabahan ay nagpatuloy lang ako para agad na matapos. Alam kong kaunting minuto na lang ay susuka na ako sa labis na takot.
Tangina, bakit ba ayaw ako lubayan ni kamatayan?! Wala naman siyang mapapala sa akin! Wala siyang mapapala sa amin.
Nang matapos ako ay binilisan ko ang paglalakad pabalik sa kwarto, tinawag pa ako ni Kenn pero hindi ko na siya nilingon dahil sa pagmamadali.
Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ko na bahagyang nakaawang ang pintuan ng aking silid, pero mas dumoble pa iyon nang makita ko na nakalabas na ang susing nakuha ko sa fountain. Alam kong ito ang diyamanteng susi dahil sa pagkinang nito kapag nasisinagan ng araw.
Paano siya nakapasok sa kwarto ko?! Ano ba ang kailangan n'ya sa akin?! Ano ba talaga ang pakay mo?!
Dinampot ko ang diyamanteng susi at ibinulsa. Luminga-linga pa ako para tignan kung malapit lang siya sa akin. Mahigpit akong napahawak sa susi nang makita ko siyang nakasilip malapit sa parador.. nakangisi at parang nagbabanta ang kan'yang ngiti.
Dala ang maleta at bagpack ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Wala na akong pakialam kung mahulog ako sa hagdan, basta ang mahalaga ay makatakas ako sa impyernong ito.
"Allison!" Narinig ko ang pagtawag nila ngunit hindi ko na ito pinansin. Dali-dali akong tumakbo at binuksan ang pinto para makalabas.
"Allison! Hey! Saan mo balak pumunta?!" Nanatili akong tumatakbo kahit na patuloy sila sa pagtawag sa akin. Ibang klase ang kabog ng dibdib ko, at aaminin kong takot ako, takot na takot ako.
"Allison! Kausapin mo ako! Ako 'to si Kenn, ano bang nangyayari?!" Napatigil ako sa harap ng fountain. Nanginginig akong tumigil sa harap nito at naiiyak na umupo. Nangangatog ang tuhod ko. Nag-umpisang akong humagulgol.
Kasama lang namin si kamatayan. Isa sa amin ang kamatayan na kinatatakutan ng lahat. Natatakot ako sa maaari niyang gawin.
Nang makalapit sa akin si Kenn ay hindi siya nag-atubiling sugurin ako ng yakap at halikan ang noo ko. Ingat na ingat niyang hinaplos ang ulo ko na parang natatakot siyang mawala ako. "I am so afraid, Al. Akala ko iiwan mo na ko.. akala ko aalis ka na. I am so scared. Hindi ko na kaya na mawala ka pa... ulit."
Napahagulgol ako at ginantihan siya ng yakap. "Papatayin niya tayo, Kenn. Sa panaginip ko, wala tayong ulong lahat... maliban sa isa. Isa sa atin ang magsisilbi nating kamatayan... Umalis na tayo rito..."
"Shh.. it is just a nightmare.. I am here.." Niyakap ko rin siya at umiyak sa kaniyang balikat. Nagulat na lang ako nang lumapit sa akin si Ethan at yakapin ako. Kumawala rin siya pero hinawakan niya ang pisngi ko at pinawi ang luha na dumadaloy roon.
"Nandito pa ako, huwag mo akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko. Al. 'wag ka na matakot."
Natameme ako sa sinabi niya, bumilis ang t***k ng puso ko. Halos lahat sila ay natahimik at halatang nagulat sa ginawa ni Ethan.
Maging si Kenn ay parang gulat na gulat. Si Zellaine ay ginawaran ako ng isang ngiti at si Yssa naman ay pinanliliitan ako ng mata. Puno ng lungkot, galit at selos ang kanilang mga mata.
Sa huli ay lumapit na si Yssa at humawak kay Ethan. Si Zellaine naman ay tumalikod para bumalik sa loob.
Napaubo na si Yssa para kunin ang atensyon namin. "Let's cut the drama. Stop being paranoid. Kumain na tayo at handa na ang pagkain, masamang pinaghihintay ang pagkain." Umirap siya at tumalikod na.
Nakailang hakbang na siya pero muli siyang humarap. "Ano, Ethan pipiliin mo yan kaysa sa akin?" Nakapameywang pa siya. Napailing na lang si Ethan at parang nag-aalangan na tumingin sa akin. Tumango siya simbolo ng pagsang-ayon.
"Una na ko. Sunod na agad kayo." Peke akong ngumiti at tumango. May nalasahan akong kung anong mapait sa dila ko. Sobrang pait na parang masusuka ako.
Lakad-takbo siyang sumunod kay Yssa. Inakbayan niya ito at nagsimulang mag-usap.
Iba na naman ang pinili niya. Talo na naman ako. Lahat meron ako, pero si Ethan... kulang pa rin si Ethan.
"Ayos lang 'yan. Naniniwala akong babalik din siya sa atin... sa'yo..
At sa oras na bumalik siya sa'yo.. tatanggapin ko ang lahat.. kasi d'on ka sasaya."
Awang ang labi ko sa sinabi niya ngunit ngumiti lamang siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Pinagsalikop niya ito at muling nagsalita, " Pero hanggang wala pa siya ngayon... hayaan mo akong alagaan ka... hayaan mo akong mahalin ka higit pa sa kaibigan."
Hinablot niya ang bag ko at siya na ang nagdala noon. Pinanatili niyang magkasalikop ang aming daliri.
Sana ikaw na lang ang minahal ko... sana pinaniwalaan kita noon pa man... para hindi na nangyari ito. Sana parehas nalang tayong masaya.
Pumasok kami sa loob, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang muli ko siyang masilayan. Tinitigan niya ako na may halong pagbabanta. Halos manlamig ako nang ngumisi siya sa akin.
"Nanlalamig ka.. kinakabahan ka." Tinapunan ko ng tingin si Kenn. Kinunutan ko siya ng noo bilang hindi pagsang-ayon.
"I am fine. Kumain na lang tayo." Nag-umpisa kaming kumain. Kahit na binabagabag ako ng kan'yang presensiya at nagkikibit balikat na lang ako.
Mukha siyang normal, pero sa loob niya ay alam kong papatayin niya kami. Matagal niya na itong naplano, at ngayon ang pagakaktaon na hinihintay niya.
Napalinga ako nang mawala siya sa paningin ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa kaba. Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa plato ko.
Hanggang sa malalakas na sigaw at sunod-sunod na pagsabog ang pumukaw sa atensyon naming lahat. Napahawak ako sa lamesa dahil sa patong-patong na takot, kaba at katotohanan na dapat naming harapin.
Nag-umpisa na siya. Nandiyan na siya!
"Sa Garden..." saad ni Jennii, halatang nakanginginig at hindi mapakali ang mata.
Lahat sila ay napatakbo papuntang sala. Habang ako ay hindi makagalaw, nakapako ang katawan sa inuupuan.
Nagkatinginan kami ni Jennii, humahalakhak at halatang nasisiyahan sa mga nangyayari.
"Sa tingin mo makakatakas ka?! Hindi ka tanga tulad ng mga kasama natin, Allison. Hindi ka kasing sama nila, huwag mo hayaan ang sarili mo na gawin 'to. Harapin mo 'to! Huwag mo takbuhan!"
Alam kong may alam siya. Alam niya ang mga nangyayari sa paligid. Alam kong isa siya sa magiging susi para makatakas kami sa impyernong ito.
Tumayo na ako at iniwan siya. Para akong lumulutang sa labis na pagkabahala. Nangangatal ang labi ko at nararamdaman ko ang panunuyot ng labi ko.
Nang makarating ako sa Garden ay nakaramdam ako ng pagkahilo at agad na nagsuka. Dumudugo ang ilong, bibig at ulo ni Shin. Nakakalat din ang ibang parte ng kan'yang katawan. Nanlulumo ako sa nangyayari sa kaniya, para silang ginawang baboy. Nakadilat ang kan'yang mata, may bahid pa rin ng takot at pagkabigla.
"Sino ang gumawa sa kanila nito?!" Halata sa nanginginig na katawan ni Serena ang takot at pagkagulantang.
Tinitigan ko pa ang mukha ni Shin. Iba ang hulma ng kan'yang bibig, nakanganga. Nilapitan ko siya at bahagyang ibinuka ang kan'yang bibig. Kahit na nahihilo ay nagawa kong makita ang laman nito.
"Jusko..." si Kenn na ang kumuha ng papel na nasa loob ng duguang bibig ng aming kaibigan. Muli akong nahilo at napasuka. Agad akong inalalayan ni Laine.
"Yuck!" Si Celine ay bahagyang lumayo kay Kenn para maiwasan na tumulo ang dugo sa kan'ya.
Naglakad pa kami palayo. Iniiwasang matapakan ang nakahiwalay na parte ng katawan ni Shin.
Ang katawan ni Nicole ang sunod naming nakita. Nakahiwalay na ang ulo nito sa kan'yang katawan. Malapit sa ulo niya ay ang kan'yang katawan na walang kamay at isang paa.
Mula sa likod ay rinig-rinig ko ang pagkaduwal ng iba. Halos maiyak mga nakikita ko, gusto kong magwala. Si Kenn na ang bahagyang nag-awang sa bibig ni Nicole. Napalayo siya nang bigla itong dumilat.
"Ni-Nicole," nangangatal na saad ni Yssa. Nilapitan ang katawan ng kaibigan. "Sinong gumawa sa'yo nito?!" Nagwala na siya at nag-umpisang humagulgol, pero kahit na anong gawin niya... alam niya sa sarili niya na hindi na magigising pa ang kaibigan.
Mula sa kan'yang bibig ay makikita ang isang papel. Si Ethan naman ang kumuha niyon para sa akin.
Binuklat ito ni Kenn at idinugtong sa isa pang papel. "Magkadugtong nga ang mga papel. Kung sino man ang gumawa nito ay siguradong pinagplanuhan niya."
"Pero, tignan mo.. hindi pa lubos na kumpleto tong papel, may punit pa ang huling nakuha natin." Tinapunan ako ng tingin ni Ethan.
"May isa pang namatay. Siguradong nasa katawan niya rin ang huling papel." Ngunit si Kenn naman ang binalingan ko.
Hinawakan ni Kenn ang kamay ko, nilaro ang daliri ko at pinagsalikop ito. Hinayaan ko na lang siya at sumunod sa kan'ya. Pagdating namin ay ang lasog-lasog na katawang ni Icah ang sumalubong sa amin. Ang mga braso niya ay nasa flower pot at ang kan'yang katawan ay nakakalat sa damuhan. Ang fountain sa harapan ng isang malaking flower pot ay may talsik pa ng kaunting dugo.
Dire-diretsong lumakad si Kenn, wala na siyang pakialam sa katawan ng aming kaibigan. Mas gusto niyang makuha ang huling piraso ng papel.
Bigla niya lang binuksan ang bibig ni Icah at hinugot ang papel roon. Mula sa aking paningin ay nag-umpisa siyang pagdugtong-dugtungin ang papel.
"Isa itong sulat." Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi niya. Maging ang mga bagong dating ay nagtataka. Bakas sa kanilang mga mata ang takot at panlulumo.
Binalingan niya ulit ang sulat, kumuyom ang kamay niya at tumalim ang tingin sa papel. "Galing ito sa game master ng laro... at tinawag niya itong 'Gioco della Morte',"
"Gioco della Morte means... Death game," asik ni Maxx na may nakakatakot na tono.
Hinablot ko ang papel at binasa. Mahigpit ko itong hinawakan, gustong itapon at lukutin.
"Magandang araw sa inyo... binabati ko kayo sa pagdating sa aking muntinga palasyo. Salamat kay Jennii sa pagpapahiram ng kan'yang lugar at magagawa ko na ang aking plano." Napatingin ako kay Jennii. Tanging pagkabigla ang mababasa ko sa kan'ya. Pero sa huli ay ngumisi siya at humalakhak.
Pinanlisikan ko siya ng mata pero agad din akong bumaling sa papel."At ako... ako si Sakura... ang game master ng larong ito... lahat ng tao sa bahay na ito ay kasali, maliban sa isa. Ayun ang aalamin niyo. Never think to escape! Never call for help! I am watching! Just play the game and save yourself."
"Find the code and the key. Put it in a hole and face your death. Patikim pa lang ito..." Natapos ang sulat sa pirma ng babaeng nagpakilalang Sakura. Napakuyom ang kamao ko at nilukot ang papel.
Isa lang ang nasisiguro ko. Papatayin niya pa rin kami.
---
Third Person's point of view
Dumating sa bahay ng mga Saavedra ang isang malaking box. Nakapangalan ang pinanggalingan ng box sa babaeng si Sakura. At nakapangalan ang padala patungo kay Archer Saavedra.
Pero hindi si Archer Saavedra and nakatanggap ng padala, kun'di ang ama ni Archer na si Angelo Saavedra, binalot ng kuryosidad ang kan'yang sistema.
Nang buksan niya ito ay tumambad sa kan'yang ang siyam na maliliit na parihabang kahon, pero isa lang ang nakapukaw ng kan'yang atensyon. Nakuha ng atensyon niya ang isang kahon na may litrato ng babae. Kinuha niya ang kahon, nabitawan niya ito nang makita niya ang pangalan na nakasulat sa ilalim ng pangalan.
'Yssabella Rielle Caspian'