Chapter 3
Fourth Victim
Allison's point of view
Gamit ang kumot ay itinago nila ang katawan nila Shin, Nicole at Icah sa bodega. Maingat nila itong inilapag sa sahig ng silid para hindi magkalat ang mga pira-pirasong bahagi ng katawan ng mga ito.
Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagod, bahagyang napapapikit habang hinahaplos ang mga kalmot sa aking braso.
"Sisiguraduhin kong magbabayad siya. Sisiguraduhin kong mamamatay siya..." saad ni Yssa habang humahagulgol. Nakasalampak sa sahig ng sala .
"Bakit... ginawa 'yon sa bestfriend ko? Bakit... bakit? Bakit nawala sa akin ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan ko noon pa man?" Niyakap siya ni Ethan, nakaramdam ako ng labis na awa para sa kan'ya.
Napakagat labi ako dahil sa labis na awa na nararamdaman, parang pinipiga ang puso ko dahil sa nangyari. Isa rin ang takot dahil sunod-sunod na nga pangyayari sa loob ng impiyernong ito.
Alam kong iisa-isahin niya kami. Alam kong uubusin niya kami, papatayin niya kami!
Napakuyom ang kamao ko sa sulat na hawak-hawak ko, ang sulat galing kay Sakura. Hindi lang iyon ang rason ng galit ko, kun'di pati ang pagsasawalang bahala ng iba na para bang walang nangyaring marumal-dumal sa mga mansyong ito.
"Maaaring outsider ang gumawa nito." Napaisip ako, mabagyang napapailing sa aking isipan. Bahagya akong napapalunok dahil sa pinagtagpi-tagping kasagutan.
Alam ko. Alam ko kung sino siya!
"O... maaring isa siya sa atin," si Jennii naman ang nagsalita. Nakangisi at parang nababaliw.
"Kinausap ako ng isa sa inyo, kilalang-kilala ko ang boses na iyon... hindi ko siya makalimutan... Tandang-tanda ko pa ang araw na pinagbantaan niya ako," dagdag niya pa.
Oo, isa siya sa mga nakilala na natin noon o maaaring isa siya sa atin, sa mga pinagkakatiwalaan natin.
"Kailangan nating magtulungan para makaalis sa lugar na 'to. Ayokong makulong dito! Wala akong planong mamatay sa lugar na 'to!" madiin na saad ni Yssa habang umiiyak. Kitang-kita ang pagkabula ng ilong at mata niya sa pag-iyak.
Niyakap naman siya ni Ethan, maingat na hinahaplos ang likuran ng kasintahan.
Hindi na awa ang nag-umpisang sumibol sa loob ko, kun'di sakit at inggit. Nasasaktan at naiinggit ako dahil sa napakaraming dahilan.
"Bubuksan na ba natin 'to? Hindi natin malalaman ang laman nito kung hindi natin bubuksan," saad ni Iyna habang nakatitig sa pulang kahon.
Kanina lang, pagka-galing namin sa bodega ay sumalubong sa amin ang isang kahon na parang regalo. Hindi pa namin ito binubuksan dahil sa takot sa maaari naming makita sa loob nito.
"No! What if, bomba 'yan?! O kaya ay chemicals?! Baka maaari tayong mamatay sa laman niyan!" psigaw na pigil ni Celine. Napairap nalang si Iyna.
Binuksan na ito ni Iyna, nilusot niya ang kamay sa kahon, nakita ko ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib ni Iyna.
Nilabas niya ang isang sobre. Agad itong pinunit ni Iyna at kinuha ang laman nito. Naglalaman ito ng isang kulay puting papel na may bahid ng dugo.
oh in the deep blue night
The Flowing water sang alone;
it sang to the drowsy heart
Of a satyr carved in stone.
the water sang and sang
bUt the satyr Never sTirred—
only the greAt dIamond key
in the empty heaveN heard.
Use this to save yourself. The time is ticking. If you failed to find the next clue, death will say hello. Tick... tock... tick... tock...
It is a riddle, pertaining to something... something what?! Anong sinasabi ng tula na ito? Anong ipinapahiwatig?
Diamond keys.
Walang nagtangkang magsalita. Lahat kami ay nakatitig pa rin sa puting papel. Nang magtama ang mga mata namin ay parang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari pero may kung anong sumaksak sa puso ko dahil sa takot. Napapalunok ako at muling ibinaling ang tingin sa papel. Lumilipad na ang utak ko.
Nang maggabi ay napagdesisyunan na namin na lumabas at mamalagi malapit sa pool. May malamig ang hangin doon at mas mababantayan namin ang isa't-isa. Makikita agad namin kung sino ang gagalaw sa grupo.
Habang naglalatag kami ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Nakatitig pa rin sa puting papel. Ni-hindi nila akk makausap nang matino dahil sa labis na pag-iisip.
"Ayos ka lang ba talaga, Allison? Malayo na 'ata ang nararating ng paglipad ng utak mo," puna ni Serena nang hindi ko siya masagot dahil sa labis na pagkatulala.
"Wala 'to, I am just homesick. I badly want to see my Mama. Miss ko na sila ni Papa ko." Tumango siya at tumalikod na sa akin. Nagpatuloy na ulit siya sa paglalatag.
Nang makuntento siya sa palusot ko ay mas lumalim pa ang pag-iisip ko. I am starting to think of all the possibilities. Naalala ko pa noon si Lola Dominga, her words are so mysterious. Giving me shock, heat and curiousity. “The best secrets are the most twisted.” She's always telling story about a girl smiling while slowly hanging herself in the ceiling.
oh in the deep blue night
The Flowing water sang alone;
it sang to the drowsy heart
Of a satyr carved in stone.
the water sang and sang
bUt the satyr Never sTirred—
only the greAt dIamond key
in the empty heaveN heard.
Napalabi ako nang maintindihan ko na ang nakasulat. Mula sa pagkakayuko ay muli kong tinitigan ang sulat ni Sakura. Nais ko itong lukutin at sunugin.
oh in the deep blue night
The Flowing water sang alone;
it sang to the drowsy heart
Of a satyr carved in stone.
the water sang and sang
bUt the satyr Never sTirred—
only the greAt dIamond key
in the empty heaveN heard.
FOUNTAIN!
Diamond key! Naalala ko na kung bakit pamilyar... and diyamanteng susi na tinutukoy ng babae sa sulat. Sabi ko na nga ba at pamilyar talaga, hindi ako maaaring mamali sa iniisip ko.
Makukuha ko na ang sinasabi sa sulat! Makakalayas na ako sa impiyernong ito.
Tumayo ako para magpaalam ngunit hinawakan ako ni Kenn. "Saan ka pupunta?"
"Kukuha lang ako ng pagkain. Ikaw may papakuha ka ba? Anong gusto mo?" Agad siyang umiling. Tatalikod na sana ako nang muli niya akong tawagin at gawaran ng isang pilyong ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kabisado ko na ang mga galawan niya, alam kong may naisip siyang kalokohan.
"Meron pala. May gusto ako... gustong-gusto ko, Allison," sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Ano? Ano 'yang gustong-gusto mo na 'yan?"
Ngumiti siya nang sobrang lapad. Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang titig sa akin ni Ethan. Si Yssa naman ay napangisi, katabi nito si Zellaine na nakangiti pero puno ng lungkot at kapaitan ang mata.
"Ikaw, baby. Ikaw lang ang gusto ko, Allison Shane Strainford," sagot niya na nagdulot ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
Nagsigawan ang mga kasama namin at pinalo naman ako ni Celine na kasakukuyang nasa gilid ko.
"Grabe, sister! Patay na patay sa'yo 'tong pinsan ko! Haba ng hair, ah."
Nag-init ang pisngi ko kaya ako na ang nag-iwas ng tingin.
"T-tigilan mo nga ko!" Pinalo ko siya ng papel na hawak ko, pero imbis na masaktan ay tumawa lang siya. Nakahawak pa sa tiyan niya habang humahagalpak ng tawa. Pinanlisikan ko silang lahat ng mata at napairap.
Habang tumatawa siya ay pinalo ko pa siya ulit. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa likuran ng mansyon, papalapit sa fountain kung saan madaraanan ko rin ang kusina.
Kusang nanlamig ang katawan ko at nagsitaasan ang balahibo ko. Abot langit ang kaba ko nanag maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Patay sindi ang ilaw at nag-uumpisang lumakas ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin. Muntikan na akong mapatili nang may humawak sa balikat ko, ngunit agad niyang tinakpan ang aking bibig para pigilan ang aking pagsigaw.
"Shh.. don't be so loud, it's pestering our friends. They don't bother to help you. Tinulungan ka ba nila rati? No. So stop and just shut your mouth," pagbabanta niya.
Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko dahilan para manlabo ang paningin ko dahil sa pagkabasa nito.
"The innocent girl is crying, what should I do?!" sarkastiko nitong pagsasalita habang bahagyang hinahaplos ang aking pisngi.
Pero hindi ako madaling mauto, Allison. I am Angela! Hindi ako nagtatrabaho kay Sakura nang wala lang. Hindi niya ako tinulungan para lang maging mahina ulit!"
"What are you doing this to us?! Akong ginawa namin sa'yo?! Naging mabuti kaming lahat sa'yo!"
Ngumisi siya, "To make them pay. To kill them. I am not doing this for myself, I am doing this for Sakura."
Napatitig ako sa kan'ya. "Just enjoy this game, Allison. Sa huli... isa lang sa inyo ang maaaring makaligtas. Unahin mo ang sarili mo, iligtas mo ang sarili mo. Ang sarili mo lang ang kakampi mo rito!" Tumango ako.
"Naniniwala ako sa kakayahan mo, Allison." Ngumisi siya, tumalikod at naglayo palayo. Rinig na rinig ko ang kalampag ng takong na suot niya.
Napaupo ako sa sahig, nanginginig at hindi magawang makapagsalita.
Basta ang alam ko, hindi nag-iisa si Sakura. Marami sila, maraming traydor sa mg akaibigang akala ko ay magiging sandigan ko.
Kailangan kong malaman kung sino pa ang mga alagad ni Sakura. Kailangan ko silang isuplong at pigilan, bago nila kami ubusin!
Kinuha ko ang diyamanteng susi sa aking bulsa. Mula sa kadiliman ang unti-unti kong nabasa ang lihim na sulat, na nakaukit sa susi.
Gamitin ang susing ito para buksan ang nakasaradong pinto sa FOUNTAIN. Doon ay makikita mo ang kasunod na bugtong na dapat sagutan.
Kahit na nanginginig ang paa ay sinubukan kong tumayo. Bahagya pa akong humawak sa counder para maging alalay. Agad akong tumakbo palabas ng mansiyon, papunta sa fountain at agad na hinanap ang sinasabing nakasaradong pinto. Nang makita ko iyon ay kinuha ko ang susi sa aking bulsa.
Ipinasok ko ang susi sa knob ng pinto. Kusa itong bumukas at tumambas sa akin ang isang papel na may katabing kutsilyo. Agad kong ibinulsa ang papel at ang kutsilyo.
I need to be selfish, just this once. I need to survive, I need to be careful to escape from this hell.
Agad akong tumakbo sa loob para kumuha ng pagkain. Hindi pupwedeng mabulilyaso ang plano ko. Kailangan kong makabalik sa kanila sa lalong madaling panahon, ayoko 'tong gawin pero kailangan kong itago sa kanila kung ano man ang natuklasan ko.
Hindi akong pwedeng magpahuli sa mga oras na ito.
Agad lang akong kumuha ng pagkain at inumin sa refrigerator. My time is running, I need to rush!
Napatigil ako nang maramdaman ko ang isang presensiya na nakasunod sa akin. "Hmm... well-played, Allison. Be Sakura's guest... be like her... be selfish just this once." Kusang lumabas ang mala-demonyong ngisi sa aking mga labi. Napahalakhak ako.
Napapikit ako. Dinama ko ang paglapat ng kutsilyong hawak niya sa aking pisngi.
Wala na akong maramdamang hapdi, ubos na ubos na ako. Para na akong kandila na natutunaw.
"Inaasahan kong gagawin mo ang lahat para manalo sa laro ni Sakura. Pero... alam kong katulad ka lang namin, Allison. Kaya mo kaming traydorin kung kinakailangan, sa tingin ko ay kailangan mo nang manahimik... masyadong marami na ang nalalaman mo. No one can destroy our plan, even you..."
Muli akong nilukob ng kaba at takot. "No... Don't..."
"You need to be killed. You need to say your last goodbye. You need to stay where you really belong. You need to take a rest, no more pain, rejection and doubts..."
"Angela..."
Ngumisi siya at inilabas ang isang kutsilyo sa kan'yang bulsa. "Thank you for being the weapon of truth."
Umatras ako patuloy na inoobserbahan at hinihintay ang sunod niyang aksyon. Nang lumapit siya sa akin ay sinipa ko ang paa niya dahilan para mapadapa siya sa sahig. Iyon na ang kinuha kong pagkakataon para kunaripas ng takbo at kumawala.
"Hindi ka makakatakas sa akin, Allison!" Bago ako makatakbo ay nahawakan niya ang paa ko dahilan para matumba ako. Ilang beses kong sinubukang sipain siya pero hawak na niya ang paa ko.
Sinulyapan ko ang kutsilyo sa kan'yang gilid.
Kailangan ko 'yon kunin! Papatayin niya ako! Papatayin niya ako! Hindi pupwede!
Sabay naming dinampot ang kusilyo dahil para mag-agawan kami. Nakipagpambuno ako at ilang sipa rin ang napadapo ko sa kan'yang katawan.
Hindi ako pwede matalo. Kapag natalo ako, ito na ang katapusan ko. Kailangan ko makabalik kay Mama!
"Wala kang magagawa, Allison. Ako si Angela... hindi ako magpapatalo sa'yo! Hindi ako papadaig sa isang tulad mong mahina ang loob!"
Napasigaw ako nang sakalin niya ako. "H-hindi a-ako m-makahinga. B-bitiwan m-mo a-akong d-demonyo k-ka!"
" 'Wag mo na ko pahirapan! Mamamatay ka rin naman! Papaagahin ko lang ang kamatayan mo!" Tuluyan akong napasigaw nang iuntog niya ang ulo ko sa sahig. Unti-unting nanlabo ang paningin ko. Nakaramdam ao ng hilo at umiikot na ang pangingin ko.
Napadaing ako nang maramdaman ko ang pagpapaulan niya ng saksak sa akin tiyan at dibdib. "You're just my fourth victim, wait and others might follow. In this ruleless game, wa kang magagawa kun'di ang maghintay ng kamatayan mo!"
Nag-umpisang umikot ang aking paningin at kumirot ang sugat ko. Bahagya ko itong hinaplos, sinubukan kong kontrolin ang aking hininga. Sinubukan ko ring pigilan ang pagdurugo. Ngunit damang-dama ko ang unti-unting pagkalagot ng aking hininga.
Inipon ko ang lahat ng lakas at hininga ko para kumuha ng atensyon. Tinitigan niya ako at nginisian. "Bye, Allison. See you... in hell..."
Lumakad siya palayo. Sa pagpapatay-patay ng ilaw at malakas na paghampas ng hangin ay damang-dama ko ang pakiramdam na nasa loob ng tensyonado at nakakatakot na palabas. Nangilabot ako dahil sa pagbigat ng aking paghinga.
Nag-umpisa akong mapaiyak at huminga nang malalim, "Tulong.
. tulungan niyo ko! Maawa kayo..."
Inilabas ko ang sulat at ang kutsilyo mula sa aking bulsa. Inilagay ko ito sa aking tabi.
Sila na ang magtutuloy ng aking nasimulan. I am sorry for doing this alone, sorry for being selfish.
Ginamit ko ang dugo ko para isulat ang kan'yang pangalan.
Angela.
Nangatal ang labi ko sa sobrang bigat ng aking paghinga. Animo isang aso na tuluyang mauubusan ng lakas at buhay.
Muli akong nag-ipon ng lakas at sumigaw. "Tulong! Aaaaaaah! Tulungan niyo ko!" Parang naibuhos ko na ang aking huling lakas para sa sigaw na iyon.
Sigurado akong sa pagdating nila ay matatagpuan nalang nila akong isang malamig na bangkay.
Ako si Allison, ako ang ikaapat na biktima sa larong ito.
---
Third Person's point of view
"Papa, ano 'yang hawak mo?" Nilapitan ni Archer Saavedra ang amang si Angelo Saavedra. Tinignan niya ang kahon. Nakapangalan sa kan'ya ang kahon kaya agad niyang hinablot ang nahulog na kahon na hawak ng Papa niya.
Nakita niya ang nakapanlilisik na mata ng ama. Puno ng galit at pangungulila ang ama nito. Tinignan niya ang nakasulat na pangalan sa kahon.
Napatigil ang paghinga ni Angelo Saavedra. Nanlamig sa nakakagulat na kuyosidad ng anak.
"Papa, anong meron sa kahon na ito? Bakit tulala ka po nang makita mo ang pangalan na ito?" Umiling ang ama. Pilit na huwag magsalita tungkol sa ina ng anak. 'Di niya kasi alam ang dapat na sabihin.
"Papa, can you tell me what's with Mama? Paano kayo nagkakilala? Asan na siya ngayon?!" Natahimik si Angelo sa tanong ng anak. He can't tell it to Archer, hindi niya kakayanin na madurog ito.
I am just 17 and she's 15, I got her pregnant at an early age. Marami siyang pangarap kaya pinili niyang iwanan ka, ang alam ko na lang ay masaya na siya sa piling ni Ethan Montereal.