Chapter 4
Angela
Zellaine's point of view
"Tulong! Tulungan niyo ko! Tulong!" Nagkatinginan kaming lahat. Nag-umpisang mamuo ang luha sa mata ko, dulot ng takot, kaba at mabilis na kabog ng dibdib ko.
Tumayo kaming lahat at hindi alintana ang mga naiwang gamit sa damuhan. Nanlalamig ang mga kamay ko, gusto kong umalis sa kinauupuan ko pero hindi ako makagalaw.
"Si Allison..." bulong ni Kenn at agad na tumakbo at sinundan ang pinagmumulan ng sigaw.
Isa-isa silang nawala at nakalayo sa damuhan. Nagtingin ako sa paligid at bahagyang nagmamasid, ngunit nang muli ako bumaling sa damuhan ay nanatiling nakaupo ang isa sa amin. Parang malalim ang kan'yang iniisip. May kung anong binubulong habang pinipisil ang kan'yang mga daliri at palad.
Tinapunan niya ako ng tingin. Ngumisi si Jennii na nag-iiwan ng labis na kaba at takot para sa akin. Nanlilisik din ang mata niya, nakakatakot at nakakapangilabot.
May alam ba siya rito? May kinalaman ba siya rito?! Nababaliw na ba siya?!
"May kinalaman ka ba rito?! Pinlano mo ba 'to?! Papatayin mo ba kami?! Anong ginawa namin sa'yo... sa kan'ya?!" Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan ang braso niya. Sinubukan niyang makawala pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak.
"Nag-uumpisa na siya, sigurado akong sa pagkamatay ng isa sa atin ay iisa-isahin na niya tayo. Maging ikaw! Wala kang takas!" Malademonyo siyang tumawa, parang pinasukan ng lamig ang katawan ko... nagtaasan ang balahibo ko.
Nag-umpisang manlambot ang paa ko. Umatras ako palayo sa kaniya ngunit nadapa ako, nagdulot iyon ng gasgas at sugat. Mas lumakas pa ang tawa niya sa bawat segundong tumatakbo. Demonyo siya!
"Bakit hindi ka sumunod, nang makita mo ang nangyari sa babaeng kinamumuhian mo? Nakita mo siyang pumunta papalikod 'di ba? At nakita mo rin na may matang nakamasid sa kan'ya..."
Si Allison ba ang tinutukoy niya?Nababaliw na talaga siya! Hindi ko na talaga maintindihan ang mga sinasabi niya.
Tumayo ako at tumakbo papasok ng mansiyon, papalayo sa malademonyong tawa ni Jennii. Tinakpan ko ang aking tenga para hindi marinig ang kaniyang nakakabinging mga tawa. Para akong nagyeyelo kapag nakikita ko ang mukha niyang masaya habang naghihirap kami.
Hindi. Hindi maaari. Hindi 'to pwede!
Abot langit na kaba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Sa bawat hakbang ko ay mas lalong lumalakas ang hangin sa paligid. Mas lalong nanginginig ang mga kamay at paa ko. Humawak pa ako sa pader bilang alalay sa anumang oras ay maaari akong matumba.
"Allison..."
Unti-unti ako napapalunok at nag-umpisang mangilid ang aking luha. Parang ilang beses kong tinawag ang mga Santo para gisingin ako at ilayo sa impiyernong lugar na ito. Kinurot ko ang sarili ko at nagbabakasakaling magising ako sa isang bangungot. Ngunit hindi, nagising din ako sa katotohanan na wala ako sa isang palabas o libro, nasa reyalidad ako.
Sa pag-apak ko sa tiles ay kitang-kita ko ang unti-unting pagkalat ng dugo sa gilid ng isang bangkay. Mula sa kinatatayuan ko ay naaaninag ko ang itsura ng bangkay. Puno ng saksak ang kan'yang katawan, dumudugo ang kan'yang ulo at bumubulwak ang dugo mula sa kan'yang bibig. Dilat ang kan'yang mga mata at nasisinagan lamang ng kakaunting liwanag mula sa patay sinding ilaw ang kan'yang walang buhay na katawan.
Napatakip ako ng bibig at nag-umpisang humagulgol. Ang nakatulalang si Kenn ay maingat na tumabi sa duguang katawan ni Allison. Hindi alintana kung mabahiran siya ng dugo, niyakap niya ito at bahagyang hinaplos ang mga sugat nito.
Bahagya pa akong lumapit para maobserbahan ang kaniyang katawan. May kung ano akong naamoy, hindi pamilyar... kakaiba, parang pabango na ngayon ko lang naamoy. Parang may mali rin, 'yong mali na hindi mo mapapansin. Maling hindi halata.
Pero siguradong-sigurado akong may mali sa paligid. At alam kong malalaman ko rin ang kamaliang 'yan.
Nakita ko ang malaking ngisi ni Yssa, imbis na umiyak ay nakita ko ang katuwaan at kalayaan sa mga mata niya. Oo, tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay wala na talagang aagaw sa atensyon ng lalaking mahal niya, wala na talagang aagaw sa atensyon ni Ethan. Parang hindi pa siya kunteto dahil hinawakan niya ang balikat ni Ethan, dahilan para tapunan siya nito ng nasasaktan at naiiritang tingin.
"Babe, I want to sleep na. Can you carry me upstairs? Masakit na kasi ang paa ko. Look, there's a little scratch, oh."
Ngunit mali siya sa kan'yang inaakala. Nagkibit balikat lang ito sa presensiya niya. Ilang ulit niya pa itong sinabi, napahilamos si Ethan sa kan'yang mukha at sinamaan ng tingin si Yssa. Bahagya naman siyang napaatras palayo kay Ethan.
"Do you think I can take care of you?! Nakikita mo... ba... ang sitwasyon... natin?" Parang nababali ang boses ni Ethan, nagbabadyang tumulo ang kan'yang mga luha dahil sa pagpiyok.
"Pwede ba, Yssa... matulog ka na kung gusto mo. My bestfriend... kailangan niya ako... can you please... shut your mouth just for a while? Ibalato mo na... sa akin 'to, please." Bahagya pa siyang napapapikit, pinipigilan ang sariling masigawan si Yssa.
Nagsimulang umiyak si Yssa at tumakbo palabas ng mansiyon. Walang bang nagtangkang sumunod sa kan'ya kun'di si Meghan lang.
Tinitigan ni Ethan ang mukha ni Allison. Parang kinakabisado ang bawat parte at hulma ng mukha nito. Niyakap niya ito at hinaplos ang mukha nito, para bang ito ang kaisa-isang babae na mamahalin niya habang buhay.
"I- I am so sorry." Pumiyok siya at nag-umpisang umiyak habang yakap ang bangkay.
"Patawarin mo ako dahil naging duwag ko. Patawarin mo ako dahil hindi kita pinili. Patawarin mo ako dahil nasaktan kita. Patawarin mo ako... Al... patawarin mo ako. Bumalik ka na, sabihin mong nagj-joke ka lang. Sabihin mong hindi ikaw ang katawan na hawak ko. Parang awa mo na... Give me one more chance to have your forgiveness." Tuluyan ako napaupo sa sahig sa labis na awa. Nanatiling tahimik ang lahat ng mga kasama namin na nasa paligid. Umiiyak din at nakatitig sa senaryong sa libro o teleserye mo lang mapapanood.
Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang katawan niya... ang lamig-lamig niya. Para siyang karne na nilagay sa loob ng freezer. Nahuli kami ng dating, hindi namin siya nailigtas.
"Allison..." Kumuyom ang kamao ko. Pero nawawalan ng buhay habang nakatitig at awang-awa sa sitwasyon namin ngayon.
She's my closest friend in our circle, siya ang secret keeper ko, siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko. At sa loob ng mansyong ito ay nabitawan ko siya... I lost my best friend...
Binitawan ni Ethan ang katawan ni Allison at tumayo. Ako naman ang lumapit dito para mahawakan siya.
" Laine, look! Bagay sa'yo 'to, oh."
"Omy! Ang ganda, kaso sobrang mahal naman, you know naman... My mother cut my credit card."
"Don't worry, I am here. Regalo ko na lang sa'yo 'to kasi grade 9 na tayo next year!"
"Laine, this is perfect! I love your dishes! Nakalimutan ko na 'ata pangalan ko!"
"So, what's your name?"
"May pangalan ako? Sino ako?"
"Zellaine, happy birthday!"
"Omy! You baked this cake for me?!"
"Yup! I know that you're on diet, so I baked sugar-free cake."
"Laine... tulungan mo ako... maaawa ka. Hirap na hirap na ako."
"Ha? I am in school right now, I am busy."
"S-salamat..."
"Laine! Laine! Sama ka sa party? Yssa and Nicole invite me! Ito na ang simula ng closeness namin."
"Bahala ka, I am working for the requirements, I can't..."
"Okay..."
"I am inlove with Kenn, Al."
"Anong guto mong... gawin ko?"
"Layuan mo na siya... hanggang ikaw ang nakikita niya ay hindi ako ang magugustuhan niya."
"Sige... para sa'yo..."
"I am so sorry for being selfish, I hate myself for always choosing myself... sana mapatawad mo ako." Mas lalong lumakas ang hagulgol ko. Hinang-hina ang puso ko...
Si Ethan ay mag-umpisa namang suntukin ang pader, magwala at magsisisigaw. Dinig na dinig ko ang pagkabasag ng mga gamit dito sa kusina. Pero wala akong magawa dahil pare-parehas lang naman ang kalagayan naming lahat.
"Pagbabayaran niya 'to! Pagbabayaran ng pumatay kay Al ang lahat ng mga ito!"
Lumapit ulit si Kenn sa katawan ni Allison at nag-umpisang haplusin ang mukha nito. Imbis na selos at labis na awa ang tingin na ipinukol ko sa kaniya.
Napalunok ako nang halikan niya ito sa noo at yakapin na parang isang bagay na maaaring mabasag. Muli akong napaluha habang inaalo si Kenn. Ako rin ay nasasaktan para sa kanilang dalawa.
"Allison... gumising ka naman, oh. Lahat ibibigay ko dumilat ka lang. Kahit magparaya pa ako kay Ethan gagawin ko. Please, gumising ka na... hindi ko kayang gumising na wala ka. Ikaw na lang ang meron ako, ikaw na lang ang nagmamalasakit at nananatili sa tabi ko. Allison! Please, bumalik ka na sa akin..."
Walang pumapasok sa isip ko noon kun'di puro sakit at paghihinagpis. Parang kaming ibon na naputulan ng pakpak at nawalan ng boses dahil sa pagkawala niya. Nawala ang kalahati namin sa paglisan niya, hindi na namin alam kung paano tumayo sa mundo na walang tutuntungan at aapakan, wala na... wala na talaga.
Lumapit sa amin si Iyna. Namumula ang kaniyang ilong at mata. "P-pakawalan niyo na siya. W-wala namang magbabago 'di ba? Kailangan nating umusad... maawa na kayo kay Al, pagod na siya..."
Pinunasan ko ang luha ko at nagsalita, "Kenn.." Nilapitan ko pa siya ngunit tinabig niya ako. Napaupo ako sa sahig, dahilan para mas lumakas ang iyak ko.
"H-hindi kasi kayo ang nawalan... Do you know what I really feel? Alam niyo ba 'yong pakiramdam na parang naglalaho ka na rin kasi sobrang sakit?"
"Yes! I know! Ikaw lang ba ang nasaktan?! Ikaw lang ba ang nawalan?! Lahat tayo rito malapit sa kan'ya... ako! Bestfriend ko siya Pakawalan na natin siya. Allison wants to rest! Magpakalalaki ka naman Kenn!" Tuluyan siyang napaupo at binitawan sa malamig na sahig ang katawan ng babeng kan'yang iniibig. Para siyang bata na inagawan ng candy, nakakaawa at parang hinang-hina na. Nag-umpisa siyang umiyak.
"She's my life. She's my world. I know that she can't love me back, pero bakit pa siya kailangang permanenteng mawala? Sapat na naman sa akin ang alagaan siya, ah. Bakit ang daya, 'di ko na makikita ang mukha niya."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Inihilig ko ang ulo niya sa aking balikat at umiyak.
"Please, Allison.. babe... please, come back," his trembling voice made me weak and so fragile. I can't stand it, it's melting my knees.
Muli silang gumamit ng kumot para takpan ang bangkay ni Allison. Binigay niya ang huling pamamaalam sa babaeng nakasama niya sa nakalipas na sampung taon.
Hinaplos niya sa huling pagkakataon ang mukha ni Allison bago pakawalang ang malamig nitong kamay.
Nanatiling tahimik ang lahat hanggang madaling araw. At sa katahimikan na iyon ay tuluyan itong binasag ni Ethan.
"I want us to moved on. We need to move forward and forget what happened. We need to escape from this hell... to achieve the justice we want to give to them... to Allison."
Pagak na natawa si Kenn, may halong inis ang kaniyang mga tawa.
"Really? Hindi ba siya importante para kalimutan na lang? Na para bang makakamit natin ang hustisya pag-alis natin dito? Wala tayong kasiguraduhan! Sabagay... hindi mo nga siya pinili di ba?"
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Bestfriend ko rin si Allison and I care for her. 'Wag mo kong pagbintangan na parang ako lang ang may kasalanan," paliwanag ni Ethan sa mababang tono.
"Hindi ba?!"
"Akala mo ba ay hindi ko alam na nagkaroon kayo ng relasyon? You betrayed her! Sinaksak mo siya patalikod, wala siyang kaalam-alam na niloloko na siya ng lalaking pinagkakatiwalaan niya!"
Sinugod ni Kenn si Ethan, parang saglit akong natuod sa aking puwesto. Hindi makagalaw sa pagbigat ng aking hininga. Bahagya lang akong nakagalaw nang magkarinig ako ng mga sigawan at kaguluhan. Ngunit umupo na lamang ako, nakamasid.
"Wala kang alam!"
"Mas wala kang alam!" Hawak na hawak ako sa aking kinauupuan. Naghihintay ng mga bagay na sunod nilang gagawin.
Mas hindi ako mapalagay nang ngumisi si Jennii habang nakatingin sa akin at bahagyang bumulong, "Magkagulo pa kayo para tuluyan na s'yang manalo."
Lumingon-lingon ako. Namuo ang napakalamig na pawis sa aking noo. Nag-uumpisang magwala ang aking mga kalamnan sa sobrang kaba.
Nasisigurado kong may alam ang babaeng ito. Hindi ko siya maaaring mapagkatiwalaan.
Nagkapatong-patong ang kaba, galit, takot at kalungkutan sa aking kalooban. Alam ko sa sarili kong sasabog na ako, nag-uumpisang magulo at magkabuhol-buhol ang aking isip.
"Tama na 'yan! Tumigil na kayo!" Nakuha ko ang atensyon nila. Mula sa aking pagkakaupo ay unti-unting akong napatayo habang hawak ang aking dibdib. Ni hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng aking loob at katapangan para makasigaw nang ganoon.
"Sa tingin niyo magiging masaya si Allison sa ginagawa niyo?! Kung ako sa inyo ay ituloy na lang natin ang bagay na nasimulan niya. Na mapatunayan natin hindi sayang ang pagtaya niya ng buhay para sa sunod na piraso ng mensahe!" Nagsitahimik silang lahat.
"P'ede bang ako muna ang magsasalita ngayon? Please, pakinggan niyo itong sasabihin ko."
Tinapunan nila ako ng tingin at tumitig sa akin. Doon ay nagsimula akong lumunok bago simulan ang aking sasabihin.
"Nakalagay sa tabi ng katawan ni Allison ang isang papel na may bahid ng dugo at ang isang kutsilyo. Sinuri ko ito, at makikita mo sa dilim ang sikretong liham na nakaukit sa ilalim ng kutsilyo. At sa papel na ito... nakasulat ang susunod na parte ng laro, kasama ang sulat ng isang babaeng nagpakilalang si Angela."
Binuklat ko ang papel at binasa lamang ang sulat ni Angela.
I am the first and not the last. Find a place where A can be found. 'Wag maniniwala sa maling akala, o baka ikaw na ang sumunod sa kan'ya.
Ako si Angela. Ang unang galamay ni Sakura. Hanapin ang sumunod na sagot para mahanap ang iba pa. Play for yourself and not for others. Just this once, please be selfish.
Kamusta ang kamatayan ni Allison? Ang ganda ba ng aking pasabog? Nagustuhan niyo ba? Patikim pa lang iyan. Manatiling nakatutok, baka ikaw na ang aking ikapitong biktima.
Sa oras na mahanap niyo ang tamang lugar, makikita niyo ang (punit na parte).
"Ang punit na parte... maaaring nasa sunod na lugar ang punit na parte. Kailangan natin makita 'yon para mahanap si Angela. Maaaring isa lang si Angela sa mga galamay ni Sakura, maaaring... marami silang talsil... at nakikinig sila sa plano natin." Makahulugan akong tumingin sa kanila, isa-isa.
"Pero bago ang lahat, ipinakita ko na itong kutsilyo sa inyo. Sinuri ko ito, may nakaukit, at tanging sa dilim lang mababasa. Maaari niyo bang patayin ang ilaw?" Sinunod naman nila ito at pinatay.
Ngunit nagkaroon nang munting sigawan... napatili ako nang mabasa ang mga katagang nakasulat sa kutsilyo. Nag-umpisa na naman akong makaramdam ng kaba at takot.
Turn off the light and two of you will surely die. I tricked you, b***h.
"Buksan niyo ang ilaw! Buksan niyo!" Nag-umpisa na namang magkagulo ang paligid. Sa pagbukas ng ilaw ay isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang bumuluga sa amin. Sa pagbukas ng ilaw ay natagpuang patay ang dalawa sa aming mga kasamahan.
Puno ng saksak at nakabulagta sa malamig na sahig.
---
Third Person's point of view
Napapaisip nalang si Archer Saavedra, alam niyang ang pangalan sa kahon at ang kan'yang ina ay iisa. Natatandaan niya pa nang minsan'y naikwento ito ng ka'yang Tita Melay, ang kapatid ng kan'yang ama. Mahal ng kan'yang ama ang kan'yang ina, ngunit iniwan siya nito... iniwan sila nito para sa lalaking totoong mahal nito.
Ysabella Rielle Caspian
Yssabella Rielle Caspian, 22 years old. One of the 19 individuals died in famous Altrato Mansion Tragedy. Died due to multiple stab wounds and estrangulation.
Iyon ang lumabas na resulta matapos niya pindutin ang search button. Pero mas nakapukaw ng atensyon niya ang isa pang lumabas na resulta.
Connected topic to the given result
No one survived the tragedy happened 13 years ago, even the heiress of the richest family in Bulacan, Allison Strainford. Justice is already given to them, the murderer is now detained in Morcales El Bilibid.
Minsan na niyang narinig ang Altrato Tragedy, lalo na ang mabangong pangalan ng Strainford bago sila umalis sa Bulacan at lumipad papuntang America.
Hinanap niya naman ang mga detalye tungkol kay Allison Strainford. Lumabas ang mga litrato nito, batang-bata pa siya sa litrato at talaga ngang napakaganda.
Allison Shane Strainford
Allison Shane Strainford, 20 years old. She's the one of the 19 individuals died in famous Altrato Mansion Tragedy. She died due to multiple stab wounds in chest, and stomach.
Her family migrated to America to start a new life. But other say that they have an ancestral house that even a google map can't locate.
Bahagya pa siyang nagtipa para hanapin pa ang ibang detalye. Nakapukaw na naman ng atensyon niya ang isang pangalan. Tinipa niya ito sa search box.
Niccolo Ethan Montereal
Niccolo Ethan Montereal, 22 years old. One of the 19 individuals died in famous Altrato Mansion Tragedy. Died due to multiple gunshot in different parts of his body.
According to his friend, Achilles Fraser: He's in a relationship with his long time bestfriend, Allison Shane Strainford. But their former schoolmate in University of Bulacan, Ethan Montereal is in a relationship with Yssabella Rielle Caspian, also one of the victim in Altrato Mansion Tragedy.
Mahigpit siyang napahawak sa kan'yang kinauupuan. Dali-daling kinuha ang nakuha niya kaninang padalang kahon mula sa babaeng nagngangalang Sakura. Hinalungkat niya ito, 19 small boxes, 1 larger box at isang puting envelop. Agad niyang binuksan ang mga kahon, una niyang dinampot ang laman ng kahon na may pangalang Yssabella Rielle Caspian.
Mga malalabong litrato ng isang babae, pero sapat pa rin para mamukhaan niya ito. Ito ang Mama niya, kamukha ng babaeng madalas din ipakita ng ama.
Ibinaba niya ang litrato at binuksan pa ang dalawa pang kahon na may pangalan na Allison Shane Strainford at Niccolo Ethan Montereal.
Tumambad sa kan'ya ang iba pang lirato. At sa ilalim ng patong-patong na litrato ay isang punit na parte ng papel. Hinablot ko sa drawer ang imbitasyon na una kong kinuha.
Isa ka sa sampung kabataan na nagtagumpay sa pagpasok sa aking munting palaro. Nais ka naming batiin, at dahil diyan ay may gantimpalang inihain sa'yo si Sakura, sa Ika-27 ng Hunyo, nais ka naming imbitahan sa aming mansyon. Congrats Arcanghel! Paunlakan mo ang aming imbitasyon o...
Idinugtong niya ang nakuhang punit na papel at binasa ito. mamamatay ka.
Isa ka sa sampung kabataan na nagtagumpay sa pagpasok sa aking munting palaro. Nais ka naming batiin, at dahil diyan ay may gantimpalang inihain sa'yo si Sakura, sa Ika-27 ng Hunyo, nais ka naming imbitahan sa aming mansyon. Congrats Arcanghel! Paunlakan mo ang aming imbitasyon o... mamamatay ka.
Parang may elektrisidad na dumaloy sa katawan niya nang mabasa niya ang mensahe. Alam niyang maaaring nagbibiro lang ito para takutin siya, pero kakaiba ang kaba na nararamdaman niya... Alam niya sa pagkakataong iyon ay wala na siyang kawala, imbitado na siya sa laro ni kamatayan.