Escape 5

2080 Words
Chapter 5 The 8th Victim, Amiela Angela's point of view Nag-umpisa kong gawin ang aking trabaho nang tuluyan nilang patayin ang ilaw. Sinaksak ko ang aming pang-lima at pang-anim na biktima. Nag-umpisa silang magsigawan. Hindi ko alintana kung mabahiran ng dugo ang aking kamay. Handang-handa ako sa mga ganitong bagay. Hindi ko hahayaang mawala ang tiwalang binigay sa akin ni Sakura.. Kailangan kong magtagumpay.. kailangan naming magtagumpay. "Buksan niyo ang ilaw!" sigaw ng babeng nasa harapan habang hawak ang kutsilyo. Mula sa kinatatayuan ko ay damang-dama ko ang kaba, takot at pagpapanik sa boses niya. Doon ay napangisi na ako at tinapon ang kutsilyong ginamit ko kasama ang gloves. Binuksan ko ang ilaw. Mula sa kanilang mga mata ay tumambad sa kanila ang mga nakabulagtang katawan ng kanilang mga kaibigan sa malamig na sahig ng sala. I smiled with so much happiness. Patago at hindi pinapakita o pinapahalata na ako ang may kasalanan sa karumal-dumal na pangyayari sa kanilang mga kaibigan. Napakuyom ang kamao ng aking katabi. Nakita ko ang tuluyang pagwawala ni Ethan at panggugulo ng mga kagamitan dito sa silid. "Tangina! Ano bang gusto niya?! Putangina, Sakura! Magpakita ka! Isa kang duwag!" Parang matatawa ako habang pinapanood ko siya. Para siyang nauulol sa ginagawa niya. Kung wala lang ako rito ay baka naituktok ko pa ang ulo ko sa mesa dahil sa kakatawa. Ginulo niya ang buhok niya at nanlilisik ang matang bumaling kay Zellaine. Lalo pa akong napasaya ng kahibangan niya nang lumapit siya kay Zellaine at nag-umpisa itong sakalin. "Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka nagmarunong, hindi sila mamamatay!" nanggagalaiti niyang asik. Mas diniinan niya pa ang pagkakasakal. Hindi na nakasayad ang paa niya sa sahig. "T-tama n-na... E-than, p-please," naluluhang pagmamakaawa ni Zellaine. Pero hindi siya nakinig sa pagsusumamo ni Laine. Mas dumiin pa ang sakal niya. "P-please, I-I c-can't b-breathe." "Hindi! Dapat ka nang mamatay! Pinatay mo si Al dahil hindi ka minahal ni Kenn!" nanggagalaiti niyang saad. Nagkikiskisan ang kan'yang mga ngipit sa galit. Natutop ang bibig ni Zellaine. Parang nauupos na ang hangin sa kan'yang dibdib. Unti-unti sumusuko ang kan'yang katawan sa hirap ng kan'yang paghinga. I'm waiting for the show. Napansin ko ang bulto ng isang lalaki sa likod ni Ethan. Napangisi ako nang makita ko ang bagay na dala niya. Isang baseball bat... Halos mapapalakpak ako sa tuwa sa palabas na aking nasasaksihan. Pathetics. Namayani ang sunod-sunod na sigawan nang ipalo ng lalaki ang bat sa ulo ni Ethan. Napahawak si Ethan sa kan'yang ulo at unti-unting iniinda ang matinding kirot sa kan'yang ulo. Muli siyang pinalo sa kan'yang batok. Dahilan para tuluyan siyang bumulagta at mapahiga sa malamig na sahig ng silid. "Kenn.." Banggit ni Zellaine sa pangalan ng lalaki bago siya mawalan ng malay. Sinalo siya nito. Nagsilapit ang kanilang mga kasamahan. Sumama na rin ako para maki-isyosyo sa kanila. I hold her hand and feel her pulse. Tumitibok pa. Sayang. Dahan-dahan kong kinuha ang syringe sa aking bulsa at patagong tinusok sa kan'yang daliri. Hindi ka na makakatulong sa pagresolba ng larong ito. Hindi mo na kami mapipigilang manipulahin ang larong aming sinimulan. Inakyat nila si Zellaine sa taas. Mahigpit na sinarado ang pintuan upang walang sinuman ang makapasok sa loob. Asa. Si Ethan naman ay ginamot ni Yssa. Binendahan niya lang ang nakabukang sugat nito sa ulo at leeg. Napangiwi nalang ako sa pandidiri. Napangisi ako sa isa pang isipin. Kailangan ko nang buksan ang sunod na kabanata ng laro. Nasisiguro kong sa pagkakataon ito, lalabas na ang dalawa pang galamay ni Sakura. Iginaya ni Yssa paakyat ang kan'yang nobya. Sinamahan siya nila Dame at Jerhome para ikulong sa kwarto si Ethan. Napatingin ako kung saan nakapwesto ang isa pang galamay ni Sakura. Blankong tingin ang ipinukol niya sa akin habang may dinudukot sa kan'yang bulsa. Nanatiling blangko ang kan'yang tingin hanggang sa mailabas niya ang isang botelya. Ang botelya na magdadala sa ika-pito at ika-walong biktima tungo sa kanilang kamatayan. Bumaling ako sa ibang direksyon at hinayaan ang pangalawang gamay ni Sakura na tapusin ang kan'yang parte. Alam kong unti-unti silang mauubos habang isa-isang lumalabas ang mga galamay ni Sakura. Pero si Sakura ang tatapos ng laro. Si Sakura at kami ang mananalo sa giyerang sinimulan nila. - Jennii's POV I looked at her with so much fear and pain. May kung anong bumabara sa lalamunan ko kada segundong nakatitig siya sa akin. Binabalot ako ng takot at pangamba sa kan'yang titig. Pinagbabantaan ako ng mga titig na iyon. Tandang-tanda ko pa ang araw na lumapit siya sa akin para buuin ang plano na 'to. Isa ako sa mga galamay ni Sakura, ako ang bumuo sa huling piraso ng kan'yang laro. Pero alam kong isa lang ako sa kan'yang mga kasangkapan. Isa lang ako sa kan'yang mga tao para makuha ang hustisya para sa kan'yang sarili. " Kailangan ka ni Sakura, Jennii. Tulungan mo kami. Tulungan mo siya. Maawa ka..." Sumang-ayon ako sa kan'yang plano. Noong una ay tumanggi ako ngunit pinagbantaan niya ako. Idadamay niya ang mga pamilya ko. Isisiwalat niya ang sikreto kong pakikipagrelasyon kay Damiene. Hindi ko kaya, hindi ko kayang masira ang aking imahe. Ako si Jennii, I am an Altrato. Bumaling ako sa ibang direksyon at nagkibit balikat sa kan'yang presensya. Ngunit ilang segundo lang ay naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa aking balikat. Kahit na bukas na bukas ang aircon ay ramdam na ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa aking noo. Maging ang dugo ko ay unti-unting tumataas. "It's nice to see you again, Jennii..." bulong niya. Napalunok ako at hinarap siya. Puno ng takot at bahagyang pinipisil ang nilalamig kong mga daliri. "Ano pa bang kailangan mo sa akin? Tikom ang aking bibig. Pinangako ko namang mananatili akong tahimik hanggang sa mamatay ako." Kumorteng isang ngisi ang kan'yang mga labi. "Ayon naman pala. Bakit parang kinakabahan ka? Hindi mo naman siguro kami tatraydurin 'no. Kasi alam mo kung ano ang mangyayari sa'yo." "I have my words," pag-uulit ko. Ngumiti siya sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito ay buong ngiti iyon na kung aakalain mo ay isang totoong ngiti. Pero hindi. Isa iyong ngiti na hihilingin mong hindi na dapat na igawad sa'yo. Tumayo siya at naglakad palayo. Bumalik sa dati ang aking paghinga, kumalma ang aking sistema sa paglayo niya. Ngunit sa kan'yang paglayo ay nakaramdam ako ng matinding hilo. Tinangka kong tumayo at lakarin ang pasilyo patungo sa kinaroroonan ng aking mga kasama. Ngunit sa huli ay unti-unti kong naramdaman ko ang paglagapak ko sa malamig na sahig. "Ahh!" Tumama ang aking ulo sa semento dahilan para mas mas lalong lumala ang aking pagkahilo. "Tangina," usal ko. Kinapa ko ang aking ulo. Naaninag ko ang pulang likido sa aking kamay. "Tulungan niyo ako! Tulong!" ngunit ilang segundo ang lumipas ngunit walang nakarinig sa aking hinaing. Alam kong imposibleng marinig nila ako. Pero sana... sana... Dalawa lang ang maaaring dahilan. Una ay ang paghahanap nila sa nawawalang piraso ng laro ni Sakura o baka iss-isa na talagang kumikilos ang galamay niya para ubusin kami. Kinapa ko ang aking leeg. Doon ko nakapa ang isang karayom na nakatusok doon. Nag-umpisa akong manghina sa sobrang hilo. Tinraydor ako ni Sakura. Putangina, wala akong kawala... Ipinikit ko ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang paligid. Nararamdaman ko ang tao sa aking paligid. Ang alagad ni Sakura. Nakangisi siya habang hawak ang kutsilyong may bahid na ng dugo. Doon ko nasisiguro na tama ang pangalawang hula ko, isa-isang gumagalaw ang alagad ni Sakura. "Walang makakarinig sa'yo. Pinatulog ko muna sila nang mag-umpisa silang laruin ang laro ni Sakura, baka nga ngayon ay patay na rin sila dahil alam kong kating-kati na si Sakura na ubusin kayo. At ito pa, nahuli ako ni Damiene at Maxx kaya pinatay ko na sila. Madali lang sana ang lahat kung di nila ako nakilala," bulong niya. "Baliw ka! Baliw ka, Angeli! Baliw kayo ng pagkatao mong si Aleina!" sigaw ko. "Don't be so loud, Amiela. Baka may makarinig ng tunay kong pangalan. At alam mo ba ikaw? Ikaw ang ikaw ang pang-walo naming biktima." Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Hind ko na muling magawang maigalaw ang katawan ko dahil sa hilo at pagkaparalisa. Jusko! Bakit ako pumayag na magpaalipin sa mga demonyong ito?! "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa no noon? You're a b***h. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na tatraydurin ako. Ako ang itinuro mo na kalaguyo ni Damiene. Tinuro niyo ako ni Maxx para mapatalsik ako sa Campus! Pinahirapan nila ako! Unti-unti nilang pinatay ang pagkatao at unti-unting inuubos ang mga miyembro ng pamilya ko! Dahil sa inyong tatlo nila Damiene at Maxx!" Itinarak niya sa leeg ko ang kutsilyo. Dumaloy ang mainit na likido sa aking batok at lalamunan. Kumalat sa sahig ang dugo na sumisirit mula rito. "Pare-pareho kayo! Si Damiene-ni hindi niya pinagtanggol ang kapatid niya? Sino nga ba ako para lang ipagtanggol ng lalaking anak ni Papa sa ibang babae? Ako yung dahilan kung bakit hindi napakasalan ni Papa ang mama niya. " Hinawi niya ang aking buhok na nakabuhaghag at nakatabon sa aking duguan leeg. Hinaplos niya ang dugo sa aking leeg at ngumisi, dinilaan niya ang kaniyang daliri at sinipsip. Demonyo. "At sino nga ba ako para pakinggan ni Maxx? Alam niya ang katotohanan na ikaw ang babae ni Damiene pero ako ang itinuro niya! We're classmates... pero hindi ko naramdaman na kabilang ako sa mundong ginagalawan niyo. Dahil ba hindi ako mayaman? Dahil ba hindi maghahalo ang tubig at langis?" Kahit na kapos sa hininga ay sinubukan kong magsalita. "I-I am s-so s-sorry. " Tinapunan niya ako ng tingin---- walang awa, galit, pagkasuklam at hinanakit. "I am so sorry too, pero huli na ang pagsisisi mo. Alam kong magagalak si Sakura na malaman na patay na ang ikaapat niyang galamay." Isinaksak niya sa aking likod ang tagak na hawak niya. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng aking laman. Napaubo ako kaya bumulwak ang dugo mula sa aking bibig. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit sinipa niya ang tagiliran ko at inapakan ang aking batok. "Magsama-sama kayo nila Damiene at Maxx. Mga walang kwenta! Magsama-sama kayo sa impyerno!" Muli kong naramdaman ang pagsaksak sa akin. Napasigaw ako at tuluyang nauubusan ng hininga. Pero ramdam ko rin ang pagtali niya sa aking mga braso at paa. May kinuha siyang bote sa kan'yang bulsa at itinapon sa akin. Granada. Tangina susunugin niya ako! "Please bid your last goodbye. Welcome to our place," habilin niya. Bago ako malagutan ng hininga ay nakita ko ang paghagis niya ng posporo sa akin. "Please, forgive me, Sakura. Patawarin mo ako... kami," mahina kong usal at pumikit. Ginamit ko ang dugo sa aking daliri. Isinulat ko ang pangalawa at pang-apat na galamay ni Sakura. Aleina. Amiela. Ilang segundo lang ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok at pagsabog. --- Third Person's point of view June 27 Maaga siyang umalis sa bahay, dala ang kan'yang bag na naglalaman ng kumpletong gamit para sa biyahe. Hindi siya nagpaalam sa Papa niya dahil hindi niya nais na magtanong pa ito at malaman nito na sinusubukan niyang hanapin ang ina sa pamamagitan ng pagsama sa larong ito. Larong 'di niya alam kung totoo o isang lokohan. Kahit na kabado ay hindi niya ito pinahalata, lalo na nang matanaw niya ang bus na magdadala sa kan'ya papunta sa sinasabing lugar ng Gioco della Morte app. Naging tahimik siya sa biyahe hanggang sa marating niya ang paroroonan niya. Binuksan niya ang phone niya, nag-pop up ang isang message. Look behind. Sinunod niya ang sabi ng message. Tumalikod siya makita ang sinasabing nasa likuran. Isang sasakyan na pula, lumabas ang isang babae mula sa sasakyan na 'yon. Nakaitim itong bistida at pulang sapatos. "Magandang umaga, Arcanghel," pagtawag nito sa codename niya. Marahil ay ito na nga ang magsusundo sa kan'ya. "Magandang umaga po." "So, I am Bella Donna. I am the one who is in-charge to take care of you." Hindi siya si Sakura. Sabi niya sa isip niya. Hindi na niya magawang makapagsalita, basta ang alam niya'y matagal siyang mapapalayo sa kan'yang ama at titiisin niya 'yon malaman lamang ang tunay na kauhan ng kan'yang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD