Chapter 6
6th and 7th victim (Part 1)
Third Person's Point of View
Nanatiling tahimik at nakasunod si Damiene sa dating kasintahan. Mula sa kan'yang harapan ay kitang kita niya ang kaibahan ng babaeng nasa kan'yang harapan at sa babaeng noon ay kan'yang minahal.
Hindi niya maiwasang alalahanin ang mga panahong sila pa ang magkasama. Kung saan buo pa ang tiwala sa kan'ya ni Maxxine.
"Do you love me, Damie? " lumapit sa kan'ya ang dalaga at niyakap siya nito. Hinalikan niya ang noo ng dalaga at ginantihan ng yakap.
He caress every inch of her waist and bite the neck of the lady he loves the most. Napalunok siya nang maamoy ang pamilyar na halimuyak na namumuntawi sa katawan nito.
Nagkibit balikat na lang siya at inakbayan ang napakagandang kasintahan. Pinisil niya ang palad nito gamit ang kan'yang kanang kamay.
She met Maxxine when he's 16 years old, while Maxxine is 15 years old. They are batchmates and same curriculum.
And until now, their relationship is going strong for almost 3 years. "Sabi nga pala ni Dad na kailangan mo raw pumunta mamaya sa mansiyon for family dinner. He will introduce you to his business partners and our relatives. Gusto ko rin siyempreng makilala mo ang pinsan ko, she badly wants to meet you. Anyway, she always wish the best for me, ofcourse she's my bestfriend."
"Really? Siyempre naman, basta ikaw. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. I love your flaws, imperfections, I love every inch of you."
Niyakap niya ang kasintahan. Napaubo naman ang mga tao na dumaan sa kanilang tabi. Anino pa lang ng mga ito ay alam na alam na niya.
Nasa unahan ng barkadahan ang magkahawak kamay na sina Iyna at Jerhome. Pilit pa ngang tinatanggal ni Jerhome ang kapit kay Iyna habang kagat-kagat ang labing nakatingin sa babaeng nasa likuran ni Iyna.
Suot-suot nito ang matamis na ngiti na mas nagpapaganda pa sa babae. Simple lang ang ayos nito ngunit ramdam na ramdam niya ang dugong nananalaytay sa ugat nito. Dumadaloy sa dugo ni Allison ang lahi ng pinakamayamang angkan sa bayan ng Bulacan.
Strainford .
Hindi niya gaanong nakakausap si Allison Shane dahil sa katayuan pa lang ay labis na siyang nalalayo rito at isa pa ay binabakuran na ito ni Kenn at Ethan. Isa pa ay hindi siya ang klase ng tao na gusto nitong kaibiganin.
Nakakasama niya lang naman ito dahil kaibigan ng kan'yang nobya sina Allison Strainford, Kenn Fortalejo at Ethan Montereal.
Nabaling lang ulit ang atensyon niya kay Maxxine nang kalabitin siya nito, "Gusto ko rin sanang imbitahan sina Allison. Alam kong matutuwa ang lolo ko na makilala ang apo ng pinakamatalik niyang kaibigan noon." Tumango na lamang siya.
"Why don't we eat first? Alam niyo naman... masyado akong na-stress sa quarterly exam natin," si Celine Yu (pinsan ni Kenn Fortalejo) ang nag-umpisang dumaldal sa tabi ni Iyna Andrada at magreklamo.
"Alright." Ang mga babae ang unang nagpresinta na sila na ang hahanap ng mga bakanteng mauupuan. Pagpasok pa lang nila ay napukol na sa kanila ang tingin ng mga kapwa nila estudyante.
Damiene wants to get the attention of those students, pero hindi sa kahit na sino sa kanilang mga lalaki ang dahilan kung bakit natahimik ang cafeteria. It is because of Allison Shane Strainford who is currently sitting beside his girlfriend.
Sa isip niya ay sobrang suwerte ni Kenn kay Allison. Naisip niya rin na sana ay nauna niya na lang nakilala ito kaysa kay Maxxine. Hindi naman sa hindi niya na gusto si Maxxine. Pero kapag pinagkumpara mo sila- Maxxine is a gold, but Allison is a diamond. She's tough and precious.
Lumapit siya kay Kenn at inakbayan ito, "Bro, jackpot ka sa girlfriend mo. Tinitingala siya ng lahat. Maganda, matalino, mayaman na mayaman at sikat. Pero hindi lang basta sikat at mayaman, napakabait at napakagifted ng girlfriend mo."
Napansin niya ang pagtiim bagang nito. Marahil ay hindi natuwa sa papuring sinabi niya sa nobya nito.
"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Pumapasok ba sa isip mo na lokohin si Maxx?"
Napalunok siya nang tapunan siya ng tingin ni Kenn. "Ofcourse not."
"Kilala kita Suarez, alam ko lahat ng mga sikreto mo... having a secret affair and fooling her. Akala mo ba hindi ko nakikita ang malalagkit mong tingin kay Allison? Kung naloko mo si Maxxine, pero hindi ako. Ibahin mo ako Damiene at binabalaan kita, huwag si Allison."
Tinalikuran siya nito at agad na kinuha ang tatlong plato na in-order nito. Natahimik siya at agad na nanlamig.
Kahit na kabado ay nagkibit balikat na lang siya at tumungo sa upuang nakalaan para sa kanila.
Naabutan niya ang mga ito na pinag-uusapan ang dinner na mangyayari mamaya sa mansiyon ng mga Montealtero. Binalingan niya ng tingin si Kenn na kasalukuyang nakatuon ang atensyon sa pagkain habang katabi ni Allison na masaya namang nakikipag-usap sa kan'yang kasintahan.
"Lolo Gustavo will be glad to meet you." Nangiti na lang si Allison sa tinuran ni Maxxine.
"Lolo Andres will be happy, too. Alam kong natutuwa siya habang nakatingin sa atin mula sa langit. Don Gustavo was his partner in crime." Natawa ang dalawang binibini malapit sa kaniya.
Nagpatuloy ang lahat sa pagkain habang nagkekwentuhan ng iba pang mga bagay.
"So, nasaan na ang magaling na si Montereal?" Natahimik ang lahat kabilang na si Maxxine nang sabihin niya ang katanungang iyon.
Tinapunan siya ng malungkot na tingin ni Allison. Parang alam na niya ang dahilan kung bakit wala ngayon ang pinakamatalik nitong kaibigan. Pero sa huli ay ngumiti rin ito, na alam niyang peke.
"Siya kasi ang inutusan ng dean na sumama kay Yssabella para libutin ang school. Alam niyo naman na may pinapangalagaang image ang bestfriend ko. Iniiwasan niyang madismaya si Dean."
Mahinang napatili si Celine, "You mean Yssabella Caspian? The girl from Naglecano? Yung bestfriend ng famewhore na si Nicole Fortaleza? Ohmyghad! The cheap girl!"
Napangiwi sila sa kaartehan ni Celine. "Manahimik ka nga Cels. Baka may makarinig sa'yo at sabihin pang wala kang manner." Umirap lang ito nang sawayin ito ni Meghan Tan.
"Wala na kung wala! Pero grabe naman kasi ang kalandian ng Naglecano girls na iyon. Akala mo magaganda."
Napansin niya ang pananahimik ni Allison. Pinipisil naman ni Kenn ang balikat nito.
Kung hindi pa nga siya sasandalan ni Maxxine ay tuluyan na niyang makakalimutan na katabi niya ang nobya. "Damiene, can we go home? I am dizzy."
Tumayo siya at dinala ang bag ng nobya. "Ah, I think we need to go. Kailangang magpahinga ni Maxx. Kita-kita na lang tayo mamaya." Tumango ang mga ito sa kan'ya at nagpaalam.
Bago sila lumabas ay nadaanan niya ang isang babae at lalaki na masayang nag-uusap at magkahawak ang kamay.
Kumunot ang kan'yang noo. Ngunit sa huli ay nagkibit balikat siya nang tawagin siya ni Maxxine para sumakay ng taxi. Hindi niya mapigilang matawa sa nakita.
Dumating sila sa mansiyon ng mga Montealtero. Binati siya ng mga katiwala at mga kasambahay na nakakakilala sa kaniya.
"Ma'am Cai, pinapasabi po ni Don Gustavo na gusto ka raw po niya makausap tungkol sa angkan ng Strainford." Tumingin sa kaniya ang nobya kaya niyakap niya ito.
"Pumunta ka na. Hihintayin kita rito." Ngumiti ito at umakyat papunta sa Office ni Don Gustavo Choi.
Nagtingin-tingin siya ng mga portrait na nakadikit sa dirty white na dingding ng mansiyon. Kadalasan dito ay family picture o kaya naman ay litrato ng nag-iisang tagapagmanan ng Montealtero, si Maxxine.
May mga picture frame din na nakalagay sa isang kabinet na natatakpan ng makapal na salamin.
Ngunit nabaling ang kan'yang atensyon sa isang litrato ng kan'yang nobya na may kasamang babae na pamilyar sa kaniya. Sa sobrang pamilyar nito ay nag-umpisa na siyang pagpawisan kahit na malamig naman sa loob ng mansiyon. Hindi rin siya mapakali sa kan'yang kinatatayuan.
"Ginoo?" Halos mapatalon siya nang maramdaman ang kamay na humawak sa kan'yang balikat. Para siyang aatakihin sa puso sa sobrang kaba.
Humarap siya rito, tinapunan niya ng tingin ang babae sa kan'yang harapan. Mula ulo hanggang paa. Ni hindi siya makapaniwala kung sino ang magandang dalaga na nasa kan'yang harapan.
Bakas ang saya sa mata ng babae. Napakaganda nito sa kulay kayumanggi nitong mga mata at itim na itim na buhok. Mula noon hanggang ngayon ay napakaamo pa rin ng mukha nito. "Jamies..."
Mabilis ang pagtibok ng kan'yang puso nang tawagin siya nito sa kan'yang dating pangalan.
Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo. Mabuti na lang at wala ang katiwala nila Maxxine kaya nailalabas niya ang kan'yang nararamdaman para sa dating kaibigan. "Amiela..."
Pumatak ang luha mula sa mga mata nito. Agad niya itong pinahid at muli itong hinalikan sa pisngi. "Na-miss kita... Amiela... akala ko hindi ka na babalik."
Sa mga oras na iyon ay nawala sa kan'yang isip na nakatali na siya sa isang responsibilidad. Alam na alam niyang si Amiela ang gusto niyang babae mula pa noon.
Nagyakapan silang dalawa. Naghiwalay lang sila nang maramdaman nila ang yabag ni Maxxine pababa.
"Nandiyan ka na pala! Akala ko mamayang gabi ka pa darating." Ngumiti ito kay Maxxine at niyakap ang kan'yang kasintahan.
"At oo nga pala. Bago ang lahat, Damiene... this is my cousin ang my bestfriend Jennii Louise Altrato. 'Yong babaeng kinukwento ko sa'yo
kanina." Ngumiti ito sa kan'ya at nakipagkamay. Ngunit alam niyang ngiting ito ay agad ding mabubura sa oras na malaman nito kung sino siya sa buhay ng pinsan.
"Jennii... meet my handsome boyfriend, Damiene Suarez." Nabura ang ngiti nito at agad na bumalatay ang sakit.
Marahil ay nasasaktan ito dahil hindi na niya natutupad ang pangako niya rito. Hindi niya na kayang makasama ang babaeng una niyang pinangakuan, at minahal.