Escape 7

1827 Words
Chapter 7 6th and 7th victim (part 2) Third Person's Point of view "Kung hindi mo ako niloko, nasaan na kaya tayo ngayon? Kasal na kaya tayo at may mga anak?" Nag-umpisang mangilid ang kan'yang mga luha. Hindi niya lubos maisip na aabot siya sa ganitong kalagayan. "I am sorry, minahal kita Maxxine. Alam ng Diyos na malaki ang sinugal ko para mahalin ka. Pero iba si Amiela... kailangan niya ako, Maxx. Ako lang ang makakapitan niya noon." Nag-umpisa siyang humagulgol sa harapan ni Damiene, "Pero ako, paano ako?! Bakit ang bestfriend ko pa?! Dapat iba na lang!" Kinuyom niya ang kan'yang kamao habang pinipigilan ang namumuong pagkamuhi mula sa kan'yang puso. Lumapit ito sa kan'ya, dapat niya itong itaboy pero nanatili s'yang tuod sa kan'yang p'westo. "I am hurt... You broke my heart, Damiene." Tumulo ang luha mula sa kan'yang mga mata habang sinasambit ang mga katagang iyon. Lumapit siya sa kasintahan na katabi ng kan'yang pinsan na si Jennii. Nanliit ang kan'yang mata nang makita niya ang braso ng nobyo sa balikat ni Iyna. Ngunit sa huli ay nagkibit balikat siya, alam niyang hindi gagawa ang kasintahan ng bagay na ikasasama ng kan'yang loob. Iyna is a s**t, sikat ito sa school sa pagiging mapagmanipula. Well known for being the famous b***h of town. Madalas itong kasama ng mga anak na lalaki ng mga korap na opisyal sa kanilang bayan. At alam din niyang hindi klase ng babae si Iyna na papatol sa lalaking may responsibilidad. She's a s**t, but not a relationship wrecker. Isa pa ay girlfriend ito ng leader ng Midnight Blue Society. Walang babangga kay Jerhome Javier, walang magtatangkang kalabanin ang isang Javier. Ngunit ang kan'yang pasensiya ay unti-unting napigtas nang makita niya ang paglapat ng labi ni Iyna sa pisngi ni Damiene. Hindi siya nag-atubiling lapitan ito at sugurin ng sampal. Bahala na kung anong kahihinatnan ng lahat. Kahit kailan ay makukuha ng mga Montealtero ang nais nilang angkinin at mananatili sa kanila ang bagay na kanilang pagmamay-ari. Hindi siya natatakot sa mga Javier, magkaubusan man ng yaman ay mananatiling nakatayo ang pamilyang namumuno sa bayan ng Bulacan. "Malandi!" Nanggigigil niyang hinatak ang buhok nito at hinatak. Ginawaran niya rin ito ng mag-asawang sampal na nakapagpatahimik ng buong cafeteria. Halatang lahat ay gulat sa kanilang nasaksihan. Hingal na hingal siya, ni hindi niya nga alam kung saan nanggaling ang lakas at tapang na iyon. Bumaling siya kay Iyna na nangingilid ang luha, tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "How dare you?" Umigting ang kan'yang panga sa sobrang galit. "Kung itatanong mo kung ano ang problema ko, pwes! 'Yang kalandian mo ang problema ko! Aba! May Javier na lumalandi pa, b***h!" Tinangka siyang lapitan ni Damiene at Jennii pero pinigilan niya ang mga ito. Hindi siya nagpaawat at tinuloy ang pagsugod kay Iyna. "Ano bang sinasabi mo Max?! No, I am not flirting with that Suarez. Hindi ako nagbigay ng motibo sa kahit na sino. f**k, I am a b***h but I am not a s**t! Hindi ako lilingkis sa lalaking may responsibilidad." Nagngitngit siya sa galit. Walang sino man ang makakaawat sa kan'ya. Maging ang sariling kasintahan ay hindi siya mapigilan. "Sinungaling! Malandi ka! Haliparot! May Javier ka na, bakit lumalandi ka pa?" Tinulak siya nito, "Bakit ba natatakot ka na agawin ko si Damiene?! Wake up, Maxx! Alam kong nararamdaman mo kung sino siya. Nagbubulag-bulagan ka, dahil akala mo ay ako ang kaagaw mo!" Kumalma lamang siya nang maramdaman niya ang yakap ng kan'ya ng kasintahan. "Tama na baby... Ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko... 'wag ka na magalit." Hinarap niya ito at niyakap. Ngunit sa bawat haplos na iyon ay nangangamba siya na baka tama ang kan'yang unang hinala. "I-I am s-sorry." Pumatak ang luha mula sa kan'yang mga mata. Ang halimuyak ni Damiene ay kakaiba... ngunit para itong pamilyar amoy na hindi niya mawari. Kilalang-kilala niya ang amoy na ito. Hindi siya maaaring magkamali. Pumasok siya sa loob ng bahay nina Damiene. Pagpasok niya palang ay nagulantang na siya dahil sa dumi ng paligid. May mga alak sa sahig at mga tapos na pagkain sa malamig na semento. Ngunit isa lang ang pumukaw ng kan'yang atensyon. Kumabog ang kan'yang dibdib nang makita niya ang isang paru-parong pantali ng buhok. Kilala niya kung kanino ang pantali na iyon. Hindi siya maaaring magkamali... kay Jennii ang pang-ipit na iyon. Suot nito iyon simula nang bumalik siya sa Pilipinas, isang taon na ang nakararaan. Nilukod ng kaba at takot ang kan'yang sistema. Para siyang nasa isang palabas at alam niya kung ano ang kahihinatnan ng eksenang iyon. Alam niyang ito na ang katapusan nila. Ito na ang huli. Tapos na ang lahat. Tumuloy siya sa paglakad. Mula sa labas ay rinig na rinig niya ang ungol na nagmumula sa dalawang tao na nasa loob ng silid na iyon. Nais niyang umatras at magwala. Nais niyang umalis sa harap ng pinto at magkunwaring walang narinig. Ngunit nais niyang makalaya. Nais niyang makatakas sa panloloko ng dalawang taong labis niyang pinagkatiwalaan. Ang akala niyang isang simpleng pagkilala ay siyang sisira sa kan'yang pagkatao. Pinawi niya luha mula sa kan'yang mga mata. Matapang niyang binuksan nang dahan-dahan ang pinto. Ilang libong patalim ang tumarak sa kan'yang puso. Parang hindi siya makapagsalita sa eksenang nadatnan. Ang mainit na p********k na namamagitan sa dalawa ay hindi napigilan at hindi man lang nito naramdaman ang kan'yang presensiya. Nang nilukob na ng galit ang kan'yang pagkatao ay buong lakas niyang hinagis ang mga babasaging gamit sa silid na iyon. Doon ay nag-uumpisa na naman lumandas ang kan'yang mga luha papunta sa kan'yang pisngi. "Mga hayop kayo! Ang bababoy niyo! Mga walanghiya!" Nakita niya ang sunud-sunod na paglunok ni Damiene. Nag-umpisa na rin humagulgol si Jennii dahil sa ginawa niya. Agad niya itong sinugod, tinangka siyang pigilan ni Damiene pero tinulak niya ito. Galit siya. Galit na galit. Hinaltak niya ang buhok nito at sinampal. Dinaganan niya rin ito at saka sinuntok sa ilong. Walang makakapigil sa galit niya. Kahit kailan ay walang lumabag sa batas niya, walang kumanti sa kan'ya. Ang batas ng Montealyero ay isa sa mga batas ng bayan ng Bulacan. "Ikaw, Jennii! Hindi mo lang ako bestfriend, pinsan mo ako! Bakit mo sinulot ang boyfriend ko! Ang kati mo... ang kati-kati mo! Alam kong kulang ka sa atensyon, pero hindi ko alam na malandi ka pa lang gaga ka! Kaya pala napakaconcern mo kay Damiene. Kaya pala may pasalubong. Kaya pala may pabigay ng baon. Kaya pala, kasi malandi ka!" Inuntog niya ito sa dingding. Pero hindi pa siya nagsawa, sunud-sunod na sampal ang lumagatik sa pisngi ng pinsan. Hindi pa siya titigil kung hindi lang siya nahawakan ni Damiene. "Mga sinungaling! Ginamit niyo pa si Angeli para lang mapagtakpan ang mga kababuyan niyo! Sinira niyo ang buhay naming dalawa!" Kumawala siya kay Damiene. Kahit na anong paghingi ng tawad ng kasintahan ay hindi niya pinakinggan. "Kasalanan mo 'to Damiene! Kung hindi ka nagloko ay hindi masisira ang buhay ng kapatid mo! Sinira mo ang buhay ng sarili mong kapatid! Dinungisan ko ang kamay ko para sa'yo... ininda ko ang lahat! Pero tama na Damiene, tapusin na natin 'to. Ayoko na, pagod na 'ko." "Mahal ko siya, Maxx. Iwanan no na ako pero hindi ko siya iiwan. Hindi ko na sisirain pa ang pangako ko sa kan'ya. Nangako akong siya ang makakasama ko sa pagbalik niya. I am so sorry, Maxx." "Then, let's end this. Goodbye." Hinalikan niya ito sa pisngi tsaka tumalikod. Nag-umpisa siyang humagulgol habang lakad-takbong umaalis palabas ng bahay. Puno ng hinanakit niyang tinig habang nagsasalita sa harap ni Damiene. Punong-puno na rin ng luha ang kan'yang pisngi. Yaon ang kan'yang naaalala bago siya magising mula sa paglatik ng sampal sa kan'yang pisngi. Napalunok siya nang makita ang lalaki, na may malaking pagitan mula sa kan'ya. Si Damiene. Dumudugo ang labi nito ay may tama ng bala sa ulo nito. Bumubulwak ang dugo mula sa bibig nito at nakamulat ang mga mata. Wala siyang nagawa para rito. Hindi man lang niya nasilayan ang huli nitong mga ngiti. Patay na ito. Wala na ang lalaking tinitibok ng kan'yang puso. Pinakawalan na siya nito. Humagulgol siya at nagsisigaw. Ngunit naramdaman niya ang pagbagsak niya sa malamig na sahig. Tumama ang kan'yang ulo dahilan para mahili siya. "Akalain mo 'yon, nabuhay ka pa. Mas matibay ka pala sa demonyo kong kapatid. Hindi ko akalain na mabubuhay ka pa sa anim na saksak. Ang weak naman ni kuya Damiene, tatlong b***l lang namatay na." Naramdaman niya ang pagkirot ng kan'yang likod at leeg, nag-umpisa siyang mahilo at magsuka ng dugo. "Walanghiya ka! Demonyo ka rin tulad ni Damiene! Mga hayop kayo!" "Mas hayop ka! Pinatay mo ang mga kapatid at nanay ko! Pareho kayo ni Kuya Damiene! Dahil ba mahirap lang ako?! Maxx, kaibigan mo ako! Kababata mo ako!" "Angeli... " "I am not Angeli, I am Aleina. At ako, ako ang ikalawang alagad ni Sakura. At ako? Ako rin ang papatay sa'yo. Ikaw ang huling parte ng plano namin, ikaw ang huling piraso at dekorasyon ng larong ito." Sunud-sunod na katok ang nagpabaling kay Angeli sa pinto. "Nandirito na siya, ang dapat na huling piraso ng laro... ang ikaapat na alagad ni Sakura... si Jennii." Pumasok ang isang babae, suot ang kulay itim na bistida, akay-akay nito ang bangkay ng kan'yang pinsan na si Jennii. "Sorry natagalan, pinatulog at kinulong ko pa kasi yung iba. Mahirap na, baka makawala," halakhakan ang pumuno sa kan'yang tenga. "Akala ko ba natapos mo na 'yang babaeng 'yan? Ba't humihinga pa rin? Ba't naunang namatay ang masasamang d**o, so weird." Humarap sa kan'ya ang babae, nais niyang sabihin ang pangalan nito ngunit hindi niya magawa. "Maxx... Maxx... Maxx... Hindi ba iyan ang tunay kong pangalan? Hindi ba at ako talaga ang tunay na Montealtero?!" "Ako ang tunay na Montealtero! Manahimik ka! Ako si Maxxine Montealtero!" "Liar! Pareho kayo ng nanay kong mukhang pera! Wait... nanay ko ba talagang walanghiyang iyon?! 'Di ba ikaw ang dapat na nasa kalagayan ko?! Kasabwat ka ng babaeng iyon!" Umiyak siya, "Hindi totoo 'yan! Hindi! Hindi! Ako ang tunay na Maxxine. Ako lang!" Tumawa ito na parang baliw. "Then go, pero sa pagkamatay mo... sisiguraduhin kong ako ang makakakuha ng dapat na akin." tumawa ito na parang baliw. Itinutok sa kan'ya ang hawak nitong b***l, tinitigan niya muna ang mukha ng kan'yang pinsan. Nanlulumo siya sa nangyari rito. Pero mas lamang ang pagkamukhi niya, hanggang sa kan'yang kamatayan ay babaunin niya ang galit na iyon. Sunud-sunod na putok ng b***l ang kan'yang narinig at agad na dumaplis sa kan'yang ulo, dibdib at tiyan ang bala ng b***l. Naramdaman niya ang pagsipa sa kan'yang tagiliran. Napadaing siya at tuluyang nanlabo ang mata. Gumapang siya palapit sa pwesto ni Jennii at hinawakan ang kamay nito nang mahigpit. "Welcome to hell..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD